Chapter 71 - Ask

4.4K 127 13
                                    

I don't have anyone to dedicate this chapter as of the moment...  Anyways medyo fast forward na tayo dahil ang bagal nang timeline nang story...

Mai

Nasa theatre hall ang buong drama club at abala sa practice at paggawa nang mga props nang may magtilian. Hindi na nag-abala pa si Diana na alamin ang dahilan nang tilian nang mga babae. “Diana. Andiyan na ang boyfriend mo.”

 

Pinandilatan niya nang mata si Charlotte. “Ano ka ba? Hindi ko nga boyfriend si Nathaniel. Baka mamaya may makarinig sa’yo.”

 

“Eh ano naman kung may makarinig sa’kin? Totoo naman. Saka kung hindi mo boyfriend si James eh ano?” Napaisip siya sa tanong nang kaibigan. Wala siyang maisagot.

“Ano na namang ginagawa niyong tatlo dito ha?” Galit na hinarang ni Annika ang tatlo. Nakapamewang pa ito habang nakataas ang kilay na nakatitig sa kanila. Hindi naman siya pinansin ni James at dumiretso na palapit kay Diana.

“You shouldn’t be here. Magagalit na naman si Annika. Bitbit niyo na naman kasi ang mga fans niyo. Ang ingay-ingay.”

 

“Si Annika ba talaga ang magagalit o ikaw? Don’t tell me you’re jealous?”

 

“Sorry to disappoint you Mr. dela Vega pero hindi ako nagseselos.” Nginitian niya ito nang matamis.

“James. Umalis nga kayo dito. Ginugulo niyo kami.” Palapit sa kanila si Annika. Nakasunod sa kanya sina Dominic at Albert na sobrang lapad nang mga ngiti. Mukhang may kalokohan silang naisip.

 

“What? I didn’t do anything.”

 

“Exactly. Wala kang ibang ginagawa kapag andito ka kung hindi titigan si Diana na para bang isa siyang magandang palabas sa tv.”

“So what? Pakialam mo?”

 

Nag-iwas na lang nang tingin si Diana. Kung mag-usap kasi sila parang hindi niya naririnig ang sinasabi nila. Tapos kakaiba ang tingin nina Albert at Dominic sa kanya.

“Anong pakialam ko? She can’t concentrate because you kept on staring at her…”

 

“Mga bata huwag na kayong mag-away. Gusto niyo nang candy? Eto oh.” Inabutan ko nang candy ang dalawa. Sabay namang napahalakhak sina Albert at Dominic. Sobrang natawa sila sa sinabi ni Diana at reaksiyon nina Annika at Nathaniel. Nakakunot ang noo nilang dalawa habang nagpapalipat-lipat nang tingin kay Diana at sa kamay nilang may candy.

“Diana naman eh.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Annika.

 

“I’m sorry Annika.” Natatawang sabi ko. NAkakahawa kasi ang kakulitan nina Albert at Dominic. “Alam niyo bang silang dalawa lang ang natutuwa kapag nagtatalo kayo? Huwag ka nang magalit sa kanilang tatlo. Pakinabangan na lang natin sila. I’m sure they wouldn’t mind kung tutulong sila sa ‘tin. Right Albert? Dominic?”

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon