Chapter 48 - Curious

7.4K 139 6
                                    

Dedicated to kay CynthiaSabanal. Maraming salamat sa pag-aabang mo sa update ko.

iamhopelessromantic

 

 

Tinawagan ako ni Annika para papuntahin kaming dalawa ni Nathaniel sa booth ng club nila Dominic. Maraming tao na nasa booth ng club nila. Hindi ko alam kung bakit maraming tao kasi parang wala namang ginagawa ang mga nandoon kundi magtsismisan at maglandian.

Iyong booth nila halos isang buong floor na ng building. Maraming mga tables. Pero siyempre hindi mawawala ang specific part na para lang kina Nathaniel at sa mga kaibigan niya.

Nakita ko na kinakawayan ako ni Annika. Ngumiti rin ako sa kanya. Kasama niya ang mga kaibigan ko.

"Why aren't you answering my calls James? Kanina pa kita tinatawagan."

 

"Tsssk." Yan lang sagot niya. Sinipa ko ang paa niya. Tapos ay nagpatay malisya lang ako. Pero nakita ng pheriperal vision ko ang pagtitig niya ng masama sa'kin.

"Pasensiya ka na Annika ha. Kanina pa ba kayo dito?"

 

"Hindi naman masyado."

 

"Siyanga pala Diana. May ibibigay ako sa'yo."

 

Napatingin ako kay Mark.

"Waaahhhhh."

 

Nagning-ning ang mga mata ko. Hindi ko na napigilang matuwa ng iabot sa akin ni Mark ang isang sobrang fluffy na teddy bear.  Three feet tall siya. Color light pink. Hinug ko agad iyon. Weakness ko talaga ang mga teddy bears.

"Para sa'kin talaga to?"

 

"Of course."

 

"Talaga?"

 

Tumango siya. "Did you like it?"

 

"I love it!" Mas lumapit  pa ako kay Mark. I was about to hug him nang may biglang humila sa kwelyo ng blouse ko at dire-diretso akong napaupo. Sino pa ba ang makakagawa ng ganun ka harsh na bagay? Eh di ang ungas na naupo agad sa tabi ko na parang wala lang nangyari. Ano gumaganti siya?

"Akala ko ba Annika kakain tayo? Ba't nakatunganga pa rin kayo diyan."

 

"Yeah. Of course." Natatawang sabi ni Annika. Bakit siya natatawa?

 

Naupo na rin ang mga friends ko. Magkatapat kami ni Mark sa upuan. Nginitian ko siya ulit.

"Thank you. You're the best." Pagkasabi ko nun ay nilingon ko ang ungas na katabi ko. Nakatingin din siya sa'kin na nakakunot ang noo.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon