Chapter 63 - Picnic

4.9K 91 24
                                    

Dahil namiss mo na si James at Diana...

Anyways pagpasensiyahan niyo na of natagalan na naman...

iamhopelessromantic

Nagring na ang bell for lunch kaya naman parang bigla kaming nabuhayan lahat. Bago kasi ang lunch ay history ang subject namin. Hindi ko alam kung iyong subject ba talaga ang nakakaantok o yung teacher namin mismo. Yun bang tipong tingnan ko lang siya ay inaantok na kaagad ako. Kahit anong pilit kong magising ay bumabagsak talaga ang talukap nang mga mata ko. Hindi ko na lang namamalayan nakapikit na pala ako. Buti hindi pa ako nahuhuli.

Pagkatapos magpaalam nang teacher naming ay mabilis na kaming nagsitayuan at lumabas nang room. Kalalabas ko pa lang ng pinto nang may humawak bigla nang kamay ko.

"Nat!"

Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti. Ayokong maging tampulan na naman nang tukso nina Charlotte. Kaya lang may kumawala pa ring maliit na ngiti sa labi ko. At ayun na nga tiningnan na naman ako nang makahulugan nang tatlo.

And then naalala ko ang pinaka-ugat nang hindi matigil na pnunukso nila sa akin.

"Diana isn't my girlfriend."

Yeah. Just like he said I'm not his girlfriend. Kaya wala akong karapatang masaktan. But that's exactly how I feel right now. At ang ungas, nagawa pa akong titigan sa mata. Na para bang may nakakatuwa sa sinabi niya.

"Are you done? Pwede na ba akong kumain."

Lumingo lang siya at tumalikod sa akin. Nakaharap na siya ngayon sa karamihan sa mga schoolmates namin. Huminga muna siya nang malalim bago ulit magsalita.

"She is not my girlfriend as of the moment. But... starting right now. I'll be courting her."

Napatiggin ako sa kanya sa sobrang shock. Lalo na yung mga babaeng nagsisimula na sanang matuwa sa una niyang sinabi. At dahil sa disappointment sa mukha nila ay nakaconfirm ko na hindi nga lang ako nagkakamali nang dinig.

"At dahil diyan. I'm warning all of you. Katulad nang sinabi ko sa inyo noon which I'm sure hindi niyo pa nakakalimutan... Sa oras na kantihin niyo kahit dulo nang buhok niya. I'm gonna make your life here a living hell. And one more thing. Ayokong makikitang lumalapit kayo sa kanya kahit ten meters pa kayo. And don't you dare look at her kung ayaw niyong bulagin ko kayo. Naintindihan niyo?"

Nakatitig lang ako sa likod niya. Full of disbelief. Nang humarap siya sa akin ay nakanganga pa yata ako. At kahit anong utos nang utak ko na isara ang bibig ko ay di ko magawa.

"That's it. You can have your lunch now. I'll see you later."

Pagkasabi niya nun ay mas lumapit pa siya sa akin. Sa sobrang bilis nang pangyayari ay hindi ko na nagawang makapagreact nang halikan niya ako sa pisngi.

Natapos ang time-travel ko nang maramdaman ko ang paghila niya sa akin opposite sa direction nang papuntang cafeteria. Pinigilan ko siya sa paghila sa akin.

"Sa kabilang direction ang cafeteria."

"I know."

"Where are we going then?"

"You'll see."

Kahit kalian ang tipid talaga niya sumagot. At wala naman talaga akong nakukuhang sagot. Lumingon ako sa mga friends ko para magpaalam sa kanila. Which is a big mistake. Hindi pa man kasi ako nakakapagsalita ay naka thumbs-up na sila at iba na ang kislap nang mga mata.

"Go ahead Diana, enjoy your date." Sigaw ni Charlotte na naging dahilan para mapalingon ang lahat sa amin.

Tinitigan ko sila nang masama kaya lang mukhang walang epekto. Lalo lang lumapad mga ngiti nila bago pa man naglakad papunta sa cafeteria.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon