Chapter 2 - Diana Sophia Eliza Torres Alcantara

14.1K 263 16
                                    

Katulad nga ng plinano  kanina ni Diana, pagkatapos na pagkatapos ng klase nila ay nilibot niya ang  bago niyang school ay siyempre nagpasama siya sa mga bago din niyang mga kaibigan.  Si Nica at si Ina  lang ang kasama niya ngayon dahil may gagawin daw si Michael kaya hindi siya nakasama. Manghang-mangha siya sa lahat nang nakita niya. Ibang klase talaga ang ganda at laki niya. Kompleto ang mga facilities nang school baka nga sobra pa, na halatang pinagkagastusan talaga. Napakalaki nang school gym higit sa lahat may swimming pool din na mukhang wala naman masyadong gumagamit. Hindi niya lubos maisip na pwedeng maging ganito kaganda ang isang eskwelahan.

Napakaignorante talaga niya. Hindi man lang niya maitago ‘yun kahit sa sarili niya. Pero papaano nga bang napadpad angisang ignoranteng tulad niyaschool na ‘to? Sa lugar ng mga mayayaman.

Diana’s POV

Nilibot ko ulit nang tingin ang buong school. Parang hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi nga ako nananaginip. Totong nakatayo ako ngayon sa isang nakapagandang lugar. Kung iisipin niyang mabuti parang kahapon lang ay ibang-ibang mundo ang kinatatayuan niya. Sa isang iglap nagbago ang lahat. Pati pangalan niya.

Kagaya ng sinabi ko kanina, I am Diana Sophia Eliza but I was not an Alcantara before. Just Torres, Diana Sophia Eliza Torres. Bakit? Well, hindi ‘yan dahil sa nag-asawa na ako ha. Sinasabi ko lang, baka mamaya kung ano na iniisip niyo.

My mother is Elizabeth Torres, and my father.  Well I did'nt know who my father was until last month. Alam ko, you're already getting the picture, pero sasabihin ko pa rin.

For fiffteen years namuhay kami ng mama ko na kami lang dalawa. Well, we live an ordinary life. A very ordinary one pero kahit ganoon ay masaya pa rin kaming dalawa. Mahal na mahal ako nang mama ko at siyempre ganoon din ako sa kanya.  Pero hindi porke't masaya ka ay hindi ka na pwede makaramdam ng lungkot. Paminsan-minsan may mga bagay kang hinihiling. May mga bagay na nagpapalungkot sa atin.

Naalala ko noong bata ako, palagi akong tinatanong ng mga kalaro ko kung nasaan ang papa ko. “Tsk”, ganyan naman palagi ang story, and obviously wala akong maisagot. Ganoon din kapag tinatanong ko ang mama ko, Pareho lang kami. Walang maisagot. Alam niyo na kung ano nangyayari kapag wala kang papa di ba? Aasarin ka ng mga kaklase mo. Tatawagin kang "BASTARDA” o hindi kaya'y "PUTOK SA BUHO".

Siyempre ano pa ba ang magagawa ko? Wala nang iba kundi ang umiyak. Parati akong umuuwi sa bahay namin na luhaan.... Masakit na wala kang ama, pero mas masakit na dahil wala kang ama ay pagtatawanan at kukutyain ka ng iba.... Ganoon ang palaging nangyayari araw-araw. At sa araw-araw na ‘yun kung saan umuuwi akong umiiyak, ay umiiyak din ang mama ko. Umiiyak siya dahil umiiyak ako.

Ang gabi-gabing pag iyak ng mama ko ang dahilan kung bakit nilakasan ko ang loob ko. Talagang sobrang nasasaktan ako sa mga ginagawang pangungutya sa amin ng mga tao. Pero nung makita kong umiiyak ang mama ko, naisip ko na kung mayroon mang higit na nasasaktan sa nangyayari ‘yun ay ang mama ko. Naisip ko na higit ang sakit na nararamdaman niya. Dahil ang sakit na dinadala niya ay hindi lang sa kanya kung hindi pati na rin ‘yung sa akin. Kung ano mang sakit ang nararamdaman ko doble noon ang sa kanya.

Kaya simula noong araw na ‘yun ay sinubukan ko na huwag umiyak kapag sinasabihan ako ng iba na "BASTARDA". Pinilit kong maging matatag para sa mama ko. At sa awa ng diyos ay nagawa ko naman. Nasasaktan pa rin naman ako kapag sinasabihan ako ng bastarda pero nagagawa ko na pigilan ang sarili ko na umiyak. Palagi ko noong hinihiling na sana makilala at makasama ko na ang papa ko. Yan lang kaisa-isang bagay na gusto ko para sa amin ng mama ko. Alam ko, ‘yun ang magpapasaya sa aming dalawa.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon