Chapter 17 - Angel

9.1K 181 10
                                    

Diana’s POV

I woke up in an unfamiliar place. I should be shouting now dahil hindi ko alam kung nasaan ako, pero wala akong lakas para gawin yun. Napakabigat ng pakiramdam ko. Kahit pagmulat lang ng mata ay parang hirap akong gawin.

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko. Naalala ko ang nangyari kahapon kaya lalong bumigat ang loob ko. Bumangon ako pero hindi pa ako tumayo paalis ng kama. Pinagmasdan ko ang buong kapaligiran. Nasaan kaya ako. As far as I remember nasa sementeryo ako, pinuntahan ko ang mama ko at umulan ng malakas tapos wala na.

Bababana sana ako sa kama ng may gumalaw sa may sofa. Mukhang may natutulog dun kaya lang hindi ko makita kung sino. Nakatalukbong kasi siya sa kumot. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang pagkakatalukbong niya sa kumot.

Si Nathaniel.

Hindi ko napigilan ang mapangiti. Napakacute niya pala kapag natutulog. Tsaka mukhang nahihirapan siya sa pagkakahiga niya sa sofa. Mahaba ang sofa pero dahil sa tangkad niya ay hindi siya nagkasya. Wala pa siyang unan. Kawawa naman, hindi kaya sumakit leeg nito?

Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal tinitigan. Napansin ko lang mukha talaga siyang anghel. Napakalayo sa supladong nakakaaway ko. Ang haba ng eyelashes niya take note curly din siya, walang panama ang eyelashes ko. At ang ilong niya, tamang-tama lang ang pagkatangos. And then ang lips niya, ang pula…..

Napalingu-lingo ako. Parang bigla akong kinabahan sa naisip ko. Masama na nga pakiramdam ko kung anu-ano pang naiisip ko.

Lalabas na sana ako ng kwarto. Kaya lang pagtalikod ko ay biglang may humawak ng braso. Medyo nagulat pa ako. Kasi naman eh, tinitigan ko kaya siya kanina paano na lang kung nahuli ako.

“nagising ba kita? Pasensiya ka na, hindi ko sinasadya.”

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin habang hawak pa rin niya ang kamay ko. Hinihila ko kaso ayaw bitawan.

“Nathaniel?”

Hindi pa rin sumasagot. Ano ba to. Gising ba to? Or baka dilat lang ang mata kapag natutulog.

Oh my god, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kasi naman eh, iba kasi iyong titig niya. Hindi ako sanay. Unlike dati hindi nanlilisik ang mga mata niya ngayon. Actually, fondness and care ang nakikita ko sa mga mata niya. Which is hindi ko alam kung bakit.

Baka nananaginip lang talaga to.

Inis na inis sa akin ang lalaking to.

That’s why, his stares right now are not for me.

“Nathaniel, hoyyyy”

“U-uuh”

Nananaginip nga.

“Gising ka na pala”

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon