Chapter 66 - Honesty May Not Be The Best Policy

3.7K 99 11
                                    

Here's the update M231711...

“Nat! sandali.” Tawag ako nang tawag sa pangalan niya pero hindi talaga siya tumitigil sa paglalakad. Nang makarating na siya sa kotse niya ay agad na siyang sumakay at pinatakbo ‘yun. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla na lang akong humarang sa daraanan niya. Napapikit na lang ako habang papalapit ang kotse.

Bago ko pa man maramdaman ang pagbangga nang kotse sa katawan ko ay may kamay na humila sa ‘kin. Napasinghap na lang ako. Pakiramdam ko kakapusin ako sa paghinga.

“Okay ka lang ba?”

Kahit tango ay hindi ko magawa. Nakatitig lang ako kay Jason. Kung hindi guro nakaalalay ang braso niya sa bewang ko ay baka natumba na ‘ko.

“Are you really out of your mind?”

Napalingon ako sa sumigaw. Nagawa niyang pahintuin ang kotse at the last minute at ngayon nga ay nasa harapan ko siya. Ngayong nasa labas na kami ay kitang-kita ko sa mukha niya ang galit na lalo yatang lumalala dahil sa nangyari.

“Huwag mo siyang sigawan. Muntik na siyang masagasaan tapos sinisigawan mo pa siya.”

“Huwag mo kong utusan. And get your hands off her.”

Sa halip na alisin ang braso niya ay lalo pa niya ‘yung ipinulupot sa bewang ko at hinila ako papalapit sa kanya.

“I said get your hands off her and give her to me!” Hinablot niya ang kamay ko at pilit akong hinila mula sa pagkaka-akap ni Jason. Pero hindi pa rin ito bumibitiw.

“Give her to you? Hindi ba tinatakbuhan mo siya? Why do you want her suddenly?”

“Jason let me go.”

“No Diana. Sinuntok niya ako. Masakit kaya. Hindi naman yata tama kung hindi ako makakaganti.” Sabi niya na ngumiti nang makahulugan.

Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari. Sinabihan niya ako na sundan si Nathaniel tapos ngayon ay pinipigilan niya ako.

“Let her go or else…”

“O else what? Susuntukin mo ulit ako? You wouldn’t want Diana to see that side of you James. She’s not gonna like it.”

Napatiim bagang si Nathaniel. Nakangisi naman si Jason. Nagpalipat-lipat na lang ako nang tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko alam ang gagawin.

“Pwede ba tumigil na kayong dalawa. Kung may balak kayong magpatayang dalawa gawin niyo nang wala ako.” sigaw ko sa kanilang dalawa. Mababakas sa boses ang matinding inis. Napatingin sila sa ‘kin.

“Hindi ko alam kung anong iniisip mo Jason pero bitawan mo na ako okay?” At inalis na nga niya ang braso niya sa bewang ko. Kailangan pa talagang magalit muna ako bago niya ako pakinggan.

“Nat, kailangan nating mag-usap.” Hindi siya sumagot at naglakad na pabalik sa kotse niya. Sinundan ko na lang siya.

“Diana.” Nilingon ko si Jason.

“Don’t forget. I should be the one to take you home.”

“Yeah, I understand.” Sumakay na ako sa passenger seat. Hindi pa man ko pa man naisasara ang pintuan nang kotse ay pinatakbo na agad niya ito. Napatitig na lang ako kay Nathaniel. Ngayong humupa na ang inis ko at kami na lang dalawa ay nakikita ko na kung gaano siya kagalit. Parang may maitim na usok akong nakikita na nakapalibot sa kanya.

“Nat.” Hindi niya ako nilingon. Tuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Tinawag ko siya ulit. Sa pagkakataong ito ay bigla na lang siyang nagbreak. At dahil hindi ko naikabit ang seatbelt ko ay tumilapon ako sa dashboard. Mabuti na lang at maagap niyang naiharang ang braso niya kaya hindi ako nasaktan. Pero nagulat pa rin ako kaya hindi ako agad nakapagsalita.

Narinig ko pa ang marahas niyang pagbuntunghininga bago siya padabog na lumabas nang kotse. Mukhang umabot na talaga sa sukdulan ang galit niya. Ilang beses muna akong huminga nang malalim at kinalma ang sarili ko mula sa pagkakagulat kanina.

Bumaba na rin ako nang kotse at lumapit kay Nathaniel. Sobrang lalim na paghinga niya. Mukhang hindi pa rin humuhupa ang galit niya.

“Nat.”

“What?” singhal niya. Natigilan naman ako. Hindi ko alam kung anong dapat kung sabihin sa kanya para mawala na ang galit niya. Ni hindi ko naman masabi sa kanya ang totoo.

“Please don’t be like that.” Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong maiyak. Konti na lang hindi ko na ‘to mapipigilan.

“Don’t like what?”

“Stop being mean to me.” Gumaralgal na nga ang boses ko. Ako naman ang tumalikod sa kanya. Hindi ko na kasi napigilan ang pagtulo nang luha ko at ayokong makita niya ‘yun. Lately nagiging mababaw na ‘tong luha ko. Kelan pa ba ako naging iyakin?

“Hindi mo alam kung anong kailangan kung gawin para lang makita ka.”

Nilapitan na niya ako. Tinakpan ko ang mukha ko nang kamay ko. Marahas na naman siyang napabuntunghininga tapos naramdaman kong inilapit niya ako sa kanya saka niyakap. Lalong lumakas ang paghikbi ko.

Pakiramdam ko gumuho ang lahat nang lakas nang loob na meron ako. Siya lang talaga ang nakakagawa sa ‘kin nito. Kapag galit siya sa ‘kin naiiyak ako. At ngayon namang yakap niya ako ay lalo akong naiiyak. Basta tungkol sa kanya wala na yata akong ibang alam gawin kung hindi ang umiyak.

 

“So you won’t also tell me kung bakit magkasama kayo nung Jason?”

“Niyaya niya akong lumabas.”

“At sumama ka?” naningkit ang mata niya. Naalarma naman ako. Nagbabanta na naman kasi nang galit ang tono niya.

“Ang kulit kasi niya eh. Hindi na ako nakatanggi.” Hindi siya nagsalita. Bumuntunghininga lang siya at ngumiti nang sarcastic. Mukhang hindi nakatulong ang sinabi ko. Galit na talaga siya. Ulit. Hinawakan ko siya saa braso pero iwinaksi niya ang kamay ko at tumalikod sa ‘kin.

“He’s a friend of Edrian’s.” Nilingon niya ako. Nakakunot ang noo. Mali na naman yata ang sinabi ko.

“That Edrian? Again? Ano ba talagang meron sa inyo nang lalaking ‘yun?”

“He’s… he’s…” Napapikit na lang ako. Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko. Gusto ko nang sabihin sa kanya ang totoo. Na kapatid ko si Edrian. Pero hindi pwede.

“We have to stop seeing each other.” Lalong kumunot ang noo niya.

“So that’s what you have to tell me? We should stop seeing each other? You shouldn’t have bothered… Dahil hindi na naman tayo nagkikita in the first place di ba?”

“You don’t understand.”

“I don’t understand? Then explain to me. Who is Edrian in your life? Why are you living in his house? Why can’t I see you? Tell me everything. I wanna know everything.”

“I can’t. I can’t tell you. Hindi ko pwedeng sabihin sa’yo Nat.”

“At bakit? Huwag mong sabihing hindi mo rin pwedeng sabihin?”

Napalingo lang ako. Kasabay nun ay tumulo na naman ang luha ko. Kung maaayos lang nang pagsasabi ko sa kanya nang totoo ang lahat ay hindi ako magdadalawang isip. Pero hindi. Walang ibang maidudulot sa kanya at sa pamilya ko ang katotohanan kung hindi problema. Kahit naman malaman niya na kapatid ko si Edrian ay hindi naman nun mababago na galit sa kanya ang kapatid ko.

“I’m not the person you think I am Nat. I’m sorry. I’m so sorry that I couldn’t tell you everything. I’m sorry that I couldn’t be honest with you. I’m sorry for hurting you. Kasalanan ko ang lahat nang ‘to. Isang malaking pagkakamali na nakipaglapit ako sa’yo. Akala ko kasi pwede… Akala ko pwede akong maging masaya. Na balewala ang mga mangyayari sa hinaharap.  Nagkamali ako. Dapat nilayuan na kita the moment I have started liking you. I shouldn’t have liked you in the first place.”

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon