Chapter 60 - Smile

6K 126 22
                                    

Dahil hindi ka na makatulog sa kahihintay...

Kinakabahan na kumatok ako sa pinto ng room ni Kuya. Walang sumagot. Ibig sabihin wala siya. Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa room niya. Kinapkap ko ang bulsa ko at kinuha ang cellphone.

Tumingin-tingin ako sa paligid kung saan ko pwedeng ilagay ang cellphone niya. Iyong cellphone niya na nawala sa mall. Na kay Nathaniel lang pala. Paano napunta sa kanya? Ano pa ba. Ninakaw niya. Siya lang pala ang nagnakaw. Inutusan niya si Erica na nakawin ang cellphone ni Kuya. Baliw talaga.

Iginigiit pa talaga niya na hindi niya ninakaw ang cellphone. Ipinakuha lang daw niya para hindi ako makontak ni Kuya. Baliw ulit. Eto pa, iyong paghila ni Erica kay Kuya ay hindi pagkakamali, kung hindi sinadya. Inutos din niya.

Itinodo talaga niya ang pantitrip sa akin. Dinamay pa kapatid ko. Ang hirap talaga hulaan ng takbo ng isip niya.

Itatago ko na lang sana itong cellphone kasi nakabili na naman siya nang bago eh. Kaya lang naalala ko na nabanggit niya na importante ang nasa contacts niya.

Binuksan ko ang drawer sa bed side table ni Kuya. Inilagay ko ang cellphone doon tapos ay pinatungan ko nang notebook. Sana nga lang maniwala si Kuya na naiwan lang talaga niya dito ang cellphone niya.

Lumabas na kaagad ako ng kwarto niya at bumalik sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Sa dami ba naman nang nangyari kahapon parang hindi pa sapat na tanghali na ako nagising.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Inabot ko yun at tiningnan kung sinong tumatawag. Napabangon ako sa pagkakahiga.

Si Nathaniel. Kahit unregistered ang number alam ko na siya ito. Memorize ko number niya eh. Kahit hindi ko naman siya talaga menimorize. Bakit ba? Eh sa sobrang talino ko eh.

Pero paano siya nagkaroon ng bago kong number? Wala akong naalalang binigay ko na sa kanya ang number ko.

I drag the screen to accept the call.

"Hello. Sino to?" Malay mo naman nagkamali lang ako nang pagkakaalala ng number niya di ba. Tsaka baka magfeeling na naman yun kapag nalamang alam kong siya ang tumatawag.

 "It's me."

 

"Sinong Me? Wala akong kilalang Me." Gusto ko siya asarin eh. Ngayon pa lang na-iimagine ko na ang reaction niya. Malamang nakasimangot yun ngayon. Hahahaha.

"Tsssk."

 

"Anong tsssk?"

 

"Inaasar mo ba ako?"

 

Obvious ba?

"Hindi. Bakit naman kita aasarin?"

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon