Chapter 10 - The Accident

9.5K 180 13
                                    

Diana's POV

 Hayyyyyy. Sa wakas nakaalis na rin ako. Nakakainis na araw to. Gagawa ka na nga lang ng kabutihan sa kapwa mo ay mamalasin ka pa. Imagine iyong taong iyon pa pala ang makakaharap ko.

Kahit kailan talaga napakamainitin ng ulo niyon. Kanina nga parang kakainin na ako buhay sa sobrang inis niya dahil ayaw ko agad ibigay ang cellphone ni Annika. Kasi naman no, may point naman talaga ako kanina, paano na lang kung nagsisiningaling siya di ba. Kasalanan ko pa pag nagkataon.

Hayyyyy. Kalimutan na ang nangyaring ito. Ma-iisttress lang ako lalo.

Buti pa bilis-bilisan ko na paglalakad ko. Nakakahiya no kay manong driver. I'm sure inip na inip na talaga siya.

Medyo konti pa lang nalalakad ko ng may makita akong isang bata. Naglalakad ito mag-isa. And then may nakita akong bisekleta. Anak ng----------

Masasagasaan ang bata. Dios ko po. Anak ng palakang bukid. Anong gagawin ko mukhang hindi napapansin ng nagbibisekleta iyong bata.

Sinubukan kong sumigaw. "Iyong bata, bata, bata" Pero napakaraming tao at napakaingay. Hindi niya ako marinig. Iyong nakakarinig naman sa akin ay hindi maintindihan ang ibig kong sabihin. Sa expression ng mukha nila parang iniisip nila na "Nababaliw na ata tong babaeng ito."


Malapit na talagang masagasaan iyong bata. Kaya ang ginawa ko. Tumakbo ako papunta sa bata at ayun na.

Nagawa kong maitulak ang bata kaya ako ang nasagasaan ng bisekleta. Napangiwi ako sa sakit pero tiniis ko na lang. Umiiyak pa kasi iyong bata.

Natumba rin iyong nagbabike at nilapitan ako at nag sorry. Mukhang nasaktan din naman siya pero   siyempre tinarayan ko pa rin siya ano. Pero konti lang naman. Hindi naman ako ganoon ka suplada.

"Miss. Okay ka lang ba?"


OKAY? Mukhang ba akong okay? Kung ikaw kaya sagasaan ko niyang bisekleta mo tingnan natin kung magiging okay ka pa.

Iyan sana gusto ko sabihin. Pero siyempre hindi ko sinabi.

"Sa susunod kasi mag-iingat kayo. Alam mo namang maraming tao dito sa park. Dapat tinitingnan niyong maigi ang paligid nang hindi ka nakakadisgrasya."


"Pasensiya ka na talaga miss. Hindi ko sinasadya."


Wala na akong magawa kundi patawarin iyong lalaki. Hindi ko naman siya pwedeng ipakulong no. Para nasagasaan lang ng bisekleta eh ipapakulong na agad. Ang O.A ko pag nagkataon.

Nilapitan ko iyong bata. Iyak pa rin kasi siya ng iyak. Mukhang natakot ata kanina. Kahit naman siguro ako no, kung nakaranas ako ng ganito noon ay iiyak din ako.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon