Chapter 6 - She's Not Gone

10.9K 239 9
                                    

Annika's POV

Nasa canteen na kami ngayon. Lunch time na kasi. At si James. Ayun bad trip na naman. As always. Ano na namang problema nito, parang araw-araw na lang hindi nauubusan ng problema 'to. Pero nagtataka lang ako. Normally kasi kapag may tao siyang pinapaexpel ay sumasaya siya.

Ang sama niya di ba? Pero ‘di naman masyado. Ano ba ‘yan binabawi ko rin ang sinasabi ko. Kasi naman eh, kaibigan ko ‘yan kaya ipagtatanggol ko kahit papaano. Ang totoo niyan kung meron man dapat mainis ay ako iyon. Kasi naman eh, gusto ko talaga si Diana eh.

Wait. Kaibigan ang ibig sabihin ko diyan ah. Baka mamaya kung ano na iniisip niyo diyan. Baka isipin niyo lesbian ako. Kasi naman pulos lalaki friends ko. Okay. Back to Diana. Kagaya ng sinabi ko kanina gusto ko talaga siya maging kaibigan. Sino ba naman ang hindi? Eh ang astig niya kaya.

Insecure lang ang ayaw siyang maging kaibigan (at hindi ako insecure). Aaminin ko may ulterior motive din ako kung bakit gusto siya maging kaibigan. Di ba nga. Ang tapang niya. Nagagawa niya patahimikin itong si James. At ‘yun na nga, kapag naging close na kami ay sila naman ang paglalapitin ko.

At siyempre mababawasan na ang sumpong nitong kaibigan kung ‘to. Eh di hindi na kami palaging kakabahan na baka makapatay ng tao si James kapag sinusumpong. Eh di lahat kami masaya.

Oh di ba. Ang bongga-bongga ng plano ko. Kaya nga lang. Hindi ko pa man nauumpisahan ay natapos na agad. Nakakainis talaga. Akala ko kasi mapapakiusapan ko si Mr. Reyes na huwag na sundin ang utos ni James. Na huwag na iexpel si Diana.

Oo. Pinuntahan ko ang principal at pinakiusapan siya. Mayaman din naman kami. Kaya ayun ginamit ko ang powers ko para mapapayag si principal.Kaso. Walang effect eh. Walang effect ang powers ng family namin kung ikukumpara sa powers nila James. Mas mayaman nga naman kasi sila kaysa sa amin. Kaya hindi natakot sa akin ang principal.

Oo. tinakot ko. (Ano ba yan? Paulit-ulit ako.) Mas takot pa rin talaga siya sa pwedeng gawin ni James. ganyan naman kasi talaga kalakalan dito eh. Takutan. Parang horror movie lang.

"Damn it."

 He cussed. As always. Pero ewan ko ba. Supposedly kinakabahan na ako ngayon dahil bad trip na naman si James. Kaso hindi eh. Parang mas gusto kong mainis lalo dahil naiinis siya.

Kasi naman. Nababad-trip nga ako di ba? Tapos siya rin? Hindi ba pwede na ako lang ang mabad trip ngayon? Kailangan ba talagang makisabay pa siya? Manapaw ba naman ng moment? Moment ko ‘to. Moment kong mainis. Tapos mananapaw siya. Batukan ko siya diyan eh.

"What's your problem Annika? Bakit para kang pinagsakluban ng langit at lupa diyan" Napansin ni Stephen na nakasimangot ako.

"Wala" padabog kong sabi.

"Anong wala? eh nagiging magkamukha na kayo ni James diyan eh."

Tiningnan ko lang ng masama si Albert. Batukan ko itong isang to eh. Kita na ngang naiinis ako dito ay nang-aasar pa. Oh well, si James din nakatingin ng masama kay Albert. Bad trip din siya remember? Nung binawi na ni James ang tingin niya kay Albert ay nagtama paningin namin. Walang in love-bang mangyayari uy. Hindi kami talo niyan.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon