Chapter 44 - To See You

8.6K 163 12
                                    

Dedicated kay ArleneDeligero kasi sobrang excited siya sa update. Special mention na rin kay chillzre kasi sabi niya cute daw ang story. Ganun na rin kay bugsbunny07 at jiangarci kasi kinilig sila sa last update.

P.S.

Ito lang nakaya ko. Kagagaling ko lang kasi sa exam, hindi pa nakakapagpahinga. Sana matuwa pa rin kayo kahit na konti.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Albert's POV

Andito kaming dalawa ngayon ni Dominic sa labas ng bahay ni James. Hindi kami sigurado kung papasukin na kami pero susubukan lang din namin. Namiss na kasi namin siya eh. Joke. Wala lang talaga kaming maasar. Sobrang boring nga sa school kanina eh.

Kaya naman pagkahatid kay Diana ay naglakwatsa na kaming dalawa. Kagagaling lang namin sa bar. Siyempre ano pa bang ginawa namin sa bar? Eh di uminom at nambabae. Ay wag nga pala iyong huli. Uminom lang kami.

Nagkatinginan na lang kaming dalawa ng bumukas na ang gate. Kung ganun magaling na siya. Pinapasok na kami eh. Iba na talaga ang nagagawa kapag may personal nurse ka. Kita mo, dati ilang araw din yan bago gumaling tapos ngayon hindi pa man natatapos ang araw ay okay na siya. Kumuha na rin kaya ako ng nurse ko? Gusto ko madami. Wahahahaha.

Hindi ko talaga naisip na mabilis din sa babae itong si James. Akala ko gwapo lang siya eh. Isipin niyo yun, girlfriend na agad niya si Diana eh parang kahapon lang halos magatayan na silang dalawa.

Mukhang effective nga talaga iyong pasuplado effect niya. Konti lang naman lamang niya sa akin sa kagwapuhan pero mas madami talaga nahuhumaling sa kanyang mga chicks. Sinubukan ko naman iyang style niya na magsuplado kaso tingin yata ng mga chicks ay nagbibiro lang ako kaya pinagtatwanan lang nila ang pagsusuplado ko. May problema kaya sa mukha ko? Tingin kasi nila lahat ng ginagawa ko biro eh?

Mamaya ko na nga lang isosolve yan. Kakapagod mag-isip eh. Nababawasan kagwapuhan ko.

"Nandiyan pa ba si Diana." tanong ko sa isa sa mga maids. Baka andiyan pa siya eh, makaistorbo pa kami. Lagot kami kay James pag nagkataon.

"Umalis na po siya Young Master. Mga two hours ago pa po." So bago mag six. Malapit nang mag eight eh.

 

Dumiretso na sa kusina iyong isa kaya sinundan ko na siya. Gutom na yata tong isa to.

"Young Master ano pong gusto niyo? Ipaghahanda ko po kayo."

"Ano to?" turo niya sa nasa casserole.

"Chicken and rice porridge po."

 

"Yan na lang. Dito na rin lang ako kakain." Gutom na nga. Ayaw nang pumunta sa dining table eh. Naglagay na iyong maid sa bowl. Nagutom ako sa amoy kaya pati ako nanghingi na rin. Naupo na kami at nagsimulang kumain. Nakailang subo pa lang kami ay nakita ko na papalapit na sa amin si James.

When Suplado Boy Meets Palaban GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon