Chapter 50

2.4K 55 4
                                    

A/N:  You need to read this Chapter, I insist. Read it up to the last word. K? K?

   “ Ana! Ana! Wait up! “ paghabol niya sa akin.Pero sige pa rin ako sa pagtakbo. Kanina pa ako tumatakbo pero sa laki ba naman ng lugar na ito, ni hindi ko man lang nakakalahati. Parang paikot-ikot lang din kami. Pero wala akong pakialam. Wala na akong pakialam.

“ Huwag mo akong susundan! Gago ka!” sigaw ko habang tumatakbo pa rin.

“ Mahal kita kaya susundan kita kahit saan ka pumunta!” sigaw niya rin habang hinahabol ako.

“ Matapos ng ilang buwan na hindi ka nagpakita! Mahal pa bang matatawag yun?!” hinihingal na sabi ko pa rin.

“ May dahilan lahat ng bagay! Kahit naman nasa malayo ako ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko! “ hinihingal na rin na sigaw niya.

“ Hindi ka man lang magtext! Akala ko patay ka ng letse ka!” hindi tumitinging sigaw ko sakanya.

“ Kasi nga may dahilan! Tumigil ka nga kasi muna saka ako magpapaliwanag! Please.” Sabi niya.

“ Magdusa ka!” balik sagot ko.

“ Yung wala ka sa tabi ko nagdudusa na ako!” napaistop ako.

Yung wala ka sa tabi ko nagdudusa na ako!

 

Yung wala ka sa tabi ko nagdudusa na ako!

 

Yung wala ka sa tabi ko nagdudusa na ako!

 

  Hindi ako napaistop dahil sa makabagbag damdamin niyang turan pero nagulat ako dahil . .

Kailan pa siya marunong mag-Tagalog?

  Nilingon ko siya at kahit na hingal  na hingal ay pinilit kong kinalma ang aking sarili. Kaillan pa?

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jan 08, 2015 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Don't English Me!Où les histoires vivent. Découvrez maintenant