Chapter 31

1.6K 50 0
                                    

" Durog na yang tsokolate, Miss. "

Palagi na lang bang may eepal kapag nagdadrama ako? Wala na bang peace sa mundo?

Nilingon ko ang nagsalita. Matangkad na guwapong lalake na may kaunting balbas. At ayoko ng may balbas. Napakaputi niya, para siyang imported-- este foreigner.

Dumarami na ang foreigner friends ko ha? Good.

Umupo siya sa tabi ko, pero may kaunting distansiya.

" I saw you cursin' baka matuluyan ka kaya nilapitan kita. " natatawang sabi niya. Nasilaw ako sa mga ngipin niya. Amputi ah! Complete pa!

" Koya, please lang pagpahingain niyo muna ang ilong ko. Ilang months na rin akong nag-eeternal bleeding. Pag-day-off-in niyo muna yang lengguwahe niyo. " sabi ko saka kumagat sa tsokolate at lumingon sa napakagandang view ng dagat. Tumawa siya.

Problema nito?

" Ayy teka, sino po pala kayo?" po ang ginamit ko dahil parang mas matanda siya sa akin.

" Alisin mo na yang po, mas matanda lang naman ako ng isang taon sayo. Im Jeith. Bakasyunista lang ako rito." nakangiting sabi niya.

" Ahh. Ako si Ana, nilibre lang ako rito. " sabi ko tapos ngumasab na naman.

" Ayy sorry, gusto niyo? " offer ko. Kanina pa ako kumakain ni hindi ko man lang inalok. Bad.

" Thank you na lang. Hahaha. So wanna share kung bakit galit na galit ka to the point na dinudurog mo na yung tsokolateng hawak mo?" natatawang sabi niya.

" Ay Jeith, sorry pero my parents said that don't talk to strangers when your mouth is full. Saka hindi pa tayo close, hindi pa ako puwedeng mag-share sayo. Alam mo yung feeling na sinabihan ng flirt yung mahal mo sa buhay kahit hindi pa naman nila kilala yung taong iyon? Eh yung feeling na kailangan mo ng sumugod pero nangako kang hindi? " paliwanag ko. Natawa na naman siya.

" Hahahaha. Hindi ka pa nag-share ng lagay na yan ah? Hahahaha. Gosh, hope that asshole can see this, can see through you. Ana, naiintindihan kita. All you-- I mean ang kailangan mo lang gawin ay tuparin ang pangako mong yun sa kung sinuman and everything will be alright. " paliwanag niya sa akin. Tinignan niya ako. Nakita ko ang napakaganda niyang mata.

Parang. .

Parang. .

Ewan!

" Oo. Tatandaan ko yan. Salamat. Puwedeng Kujeith na lang tawag ko sayo?" tanong ko. Ang ganda niyang kausap eh. May sense, hindi katulad nung magsyotang itago na lang natin sa pangalang 'Dragon' at 'Bitch'

" Bakit Kujeith?" nagtatakang tanong niya.

" Kasi ang puti-puti mo. " sabi ko.

" Oh anong konek nun sa pangalan ko?"

" Kasi strict ang parents mo. "

" Huh? " naguguluhan pero natatawang sabi niya.

" Di ba maputi ka, eh di Kujeith. Di ba yun yung sabon na gamit pampaputi? Kujeith. Hahahaha. Ang henyo ko talaga! " tapos ako ngayon ang napabulinghit ng tawa at gumaya na rin siya.

" Joke-Joke. Hahaha.Kujeith shortcut ng Kuya Jeith, para hindi ka mamatanda sa po at opo ko. Nice idea di ba? Talino ko talaga. " pagpapaliwanag ko.

" Sige. Kuya mo na ako ngayon. Hahaha. Ang saya mo palang kasama? Parehas na parehas kayo. "

" Sinong 'kayo' yan , Kujeith? Original ang beauty ko ha. May poser ako?" nagtatakang tanong ko. Pinisil niya yung pisngi ko. Awts.

" Silly. Hahaha. Hindi, wala. Wag mong pansinin yun. "

Don't English Me!Where stories live. Discover now