Chapter 45

1.4K 44 2
                                    

   Dedicated to: chubbyr

    Ang bago kong tropa (winks) Salamat sa pagbabasa, Areee. Ingat sa mga camels diyan. Uwian mo ako ng isa ha? Thanks. Hahaha.

------------------------

    " Ana. . "

   May butterflies . .

    " Ana. ."

    May vokey. Ayy boquet pala. . .

   " Ana. . "

    May choir. .

    " Ana. . "

    May. .

    " Utang na loob! Gumising ka! " 

    " AYY! WHERE'S THE LIGHT?!" nagulat na sabi ko. Napabangon tuloy ako sa kama.

    Tinignan ko kung sino. .

   Kill joy talaga si Nanay.

-.-

   Maganda na sana eh. Perfect na! Napanaginipan ko kasi si Jordan tapos siyempre ako. Napakaganda ko roon. Was new?

   Naka-gown ako. . Kulay white. Tapos habang naglalakad ako nakita ko siya sa di-kalayuan, nag-aabang. Habang naglalakad ako ay kumakanta yung mga choir. Tapos maraming nagliliparan na paru-paro.  Towpangina! Patay na ba ako?!

    Pero slow lang ako, hindi bobo. Dahil ang napanaginipan ko pala ay . . First communion ko, ninong ko si Jordano.

   Loko 'to ah. Hahaha.

    " Nay, ang aga-aga pa eh. . "

    " Hoy! Baka nakalimutan mong aalis na ang boypren mo ngayon?!" sigaw niya. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan.

    " Wala akong paki, nay. Kahit na umalis pa si Mc Arthur wala akong pak---  ANG BOYFRIEND KONG DRAGON!" napabangon ako ng wagas sa kama. Agad-agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagpaalam agad ako kay nanay at umalis ng hindi pa nag-aalmusal.

   Agad na akong nagpunta sa kapitbahay namin.

    " Dragon!" tawag ko dahil tanga ako. Pinindot ko ngayon ang doorbell saka tumawag .

    " Dragon!" tapos nagbukas yung pinto.

    " Aalis ka na--- AYY ORANG! " nagulat kong sabi.

[Orang- hipon/ shrimp ]

    Hindi ako namimintas, Im just saying the true! Eh kasi hindi si Dragon ang nagbukas ng pinto eh. Isang di-katangkarang lalake na mukhang ehem, alam niyo na.

      " Grabe ka naman, Miss. " nagtatampo pang sabi niya.

    " Ay sorry expressions ko lang yun kapag nagugulat. Im not try to offends you, no offensive. " siyempre kapag foreigner ang boyfriend dapat marunong mag-English ang girlfriend para fair.

     " Nakaalis na po siya. . "

     " Huh? Eh bakit nakapasok ka rito? Magnanakaw ka ba? "

     " Talagang pinapamukha niyo, Miss ah. Hindi po, ako yung kukuha ng kotse niya, pinapautos po na ilagay muna dun sa beach house nila sa La Disgracci. "

      "Aww. "  malungkot na sabi ko.

   Nakakatampo naman yung Dragon na yun. Hindi man lang ako hinintay na magising o kahit na itext man lang kung aalis na siya. Parang wala lang ako para sakanya.

Don't English Me!Where stories live. Discover now