Chapter 42

1.3K 51 3
                                    

             Dedicated to: genalyntupiasan

Dedicated sakanya.
Salamat sa pagbabasa at patuloy na pagboto. God bless po! :) Im so happy . Hahaha.

----------------------------

   Makalipas ang dalawang araw. .

Naknang-Teteng! Hindi pa rin ako pinapansin ni Dragon! Hindi na rin niya ako sinusundo! Hindi na rin niya ako inihahatid! Paasa siya!

(A/N: Woop. Commercial. Basahin niyo po sana ang 'Paasa Code' na story ko. Hahaha. )

      Ako na nga itong nagpapakababa ng pride! Ako pa itong iniirapan at iniiwasan! Sir- Use-Lee?

    Tapos hindi na rin siya nagpupunta ng bahay namin. Hindi ko na rin alam ang nangyayari sakanya. Nakakainis talaga!

   " 'Te, laspag na yang Teddy Bear, kumalma ka. " napabalikwat ako dahil sa nagsalita. Hindi ko namalayang nadurug-durog ko na pala yung stuff toy na kanina ay pinagmamasdan ko lang. Nasobrahan ako sa pag-iisip-isip ng mga bagay-bagay.

   Nasa supermarket ako at bumibili ng mga prizes at mga rekado para sa gaganaping party bukas na isa.

    Pumila na ako sa counter at mabilis ko namang nabayaran ito. Saka ko lang naalala na wala pala akong matinong damit na maisusuot para sa party. Saan kaya ako bibili ng---

     " Oy, saan mo nabili yan, bes?" may napadaang dalawang teenager sa harap ko.

    " Ay diyan oh. Yung bagsakan. Ang mura nga eh kaya marami akong nabili. " sagot naman nung babae.

   Nice. Alam ko na kung saan.

-------------------------------

   " Magkano po rito?" tanong ko sa busy na tindera.

    " Two-hundred lang yan. Oh bili na! Bili na!" pagkatapos niya akong sagutin ay nagtawag pa siya ng mga costumer.

   " How much is this?" sabi naman nang katabi ko. Napatawa ako, pero sa isip lang. Hahaha.

    " Two-hundred, Miss. "  sabi nung tindera.

   " So expensive, wala na bang tawad?" sabi niya.

    " Murang-mura na yan. " sagot nung ale. Lintek! Hahaha. Kung maka-English naman 'tong babaeng 'to kala mo kakarating lang galing ng ibang bansa pero daig pa ako kung tumawad! Hahaha.

    " Wala na bang bawas talaga, Ate?" malanding sabi niya. Hindi ko na mapigilan eh. Sorry, Lord. Hahaha.

    " Miss, may alam ako. Murang-mura. Doon oh sampung piso ang bawas doon. Explore mo baka mag-enjoy ka. " natatawang sabi ko sabay turo sa CR.

  Nakalagay doon yung plakard na may nakasulat na. .

  Ehi - Php 5

  Bawas- Php 10

   Hahaha. Mali pa yung spelling ng ihi. Hindi ko alam kung naka-braces ba yung nagsulat niyan o napadaan lang. Hahahaha.

    " Rude!" sabi niya saka lumayas. Rude-rude ka riyan! Wala ka lang pera eh. Hahaha.

   Sa kabilang banda, hindi rin ako bumili dahil nashort din ako. Hahaha. Nag-window shopping lang ako at naglibot-libot pero napatigil ako sa bilihan ng damit. Sa mamahaling bilihan ng damit.

    Ang dragon ko ba yun? 

   Nakita ko siyang bumibili ng damit. Pero damit pang-babae. Hindi kaya-- OMG! Baka bibilhan niya ako saka sasabihing 'Im sorry, love. ' Ang sweet!

Don't English Me!Where stories live. Discover now