Chapter 5

2.3K 75 2
                                    

Nagwawalis ako sa labas ng aming bahay. Sinipag ako eh. Nang biglang...

BOOOOOOOGSSSHHH!

o_O

Napatalon ako.

" Binobomba tayo!!" sigaw ko.

Pero hindi. Hindi rin kasi kung bomba tuloy-tuloy di ba? Hinanap ko kung saan nanggaling iyon at namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng bahay ng bago kong mangungupa.

Terorista kaya 'tong Jordan na 'to? Kinuha ko ang spare key at bubuksan na sana ngunit bigla kong nasagi ang pinto at medyo naitulak, bukas na pala. So, pumasok na ako.

o_O

o_O

>.<

Oh my gulay! My eyes! My eyes!

Paano ba naman eh nakashorts lang ang lalakeng ito habang basang-basa dahil sumabog ata yung gripo niya sa kusina.

" What the heck is wrong with you?! Im tryin outta here! Please cooperate! Damn it!" pagkausap niya doon sa gripong naging fountain na.

Nilapitan ko siya.

" Hala ka! What did you do? Antipatiko?" pang-aasar ko.

"Call a plumber! Aissh! What's with these facilities?! I'm payin' right and this is all you've got?! " galit na ata 'to.

Kinuha ko sakanya yung basahan at kumuha ako ng vulca seal at sumuong ako sa tubig at nabasa na rin ako. Malamang tubig eh!

Oo na. Di ako matalino pero marunong ako sa mga gawaing ganito. Itinapal ko lang yung vulca seal at medyo sinentro yung pagkakahilera ng gripo. Then Viola! Ayos na!

"Glad you know these things but still I'm not pleased. You should get your own plumber so you won't find it this hard. Argh! I hate it!"

Medyo, medyo nadistract ako sa six pack abs niya pero nawala rin agad iyon kasi kaharap ko pala antipatikong dragon.

"Inayos ko na nga yang gripo mo, ikaw pa ang galit. Tsh. Mamatay ka na sana!" nanlilisik ang mata ko habang sinasbi ko sakanya iyon. Tinitigan niya ako pero may nakita akong kakaiba sa kanyang mga mata ngunit agad din iyong bumalik sa dati.

"I can't understand Tagalog so don't you ever use your native tongue on me, lady!"

Aba! Aba! Naintindihan ko yun ah!

Nakapameywang ako at isinuklay ang aking kamay sa nabasa kong buhok. Wumu-wet look lang. At sinagot ko siya. . .

" Then don't english me! You're in the Philippines! Bobo!" .

Tagalog yung huling word na sinabi ko dahil hindi ko alam ang english word nun at para hindi niya maintindihan dahil hindi ko rin naman siya naiintindihan.

" How can you raise your voice on me?! You're not the superior here you're just. . "

I slam dunk the door at hindi ko na pinatapos kung anuman ang sasabihin niya. Umalis na ako roon dahil masyadong madaldal ang lalakeng iyon. At isa pa, hindi na rin kinakaya ng utak ko ang mga pinagsasasabi niya. Dapat talaga tinutukan ko yung English subject ko! Aish! Iyan tuloy nagaya pa ako sa dragon na iyon! Busheeet!

-----------------------------------------------------

Nakausap ko si Nanay sa telepono at isang oras na homily ang natanggap ko.

" Alam mo bang anak ng may-ari ng kompanya ng pinagtratrabahuan ng ate mo si Jordan?! Diyos ko naman, anak. Gusto mo bang mawalan ng trabaho ang ate mo? Ayusin mo naman ang buhay mo diyan." napabuntong-hininga ako. Lagot na.

" Sorry 'nay. Sige po, kahit na hindi talaga bukal sa loob ko, magso-sorry po ako. Kahit na gusto ko ng patayin ang dragon na 'yun." natapos ang usapan.

Hindi ako makapaniwala! Kaya pala ang lakas ng loob ng Jordan na 'yun! Anak pala ng amo!

Inabangan ko nga siya sa bintana. Mag-aalas-tres na ng hapon. Tapos ayun! Nakita ko nga siyang papalabas at nakaporma pa. Tumakbo ako palabas nang napakabilis.

Ngayon ay nasa likod na niya ako.

" SORRY!" medyo may pagkalakas na sabi ko. Napaharap siya sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso sakanya. Nagui-guilty ako kahit na wala naman akong masamang nagawa. Medyo lumapit siya sa akin.

" Huh? You're sorry after all the things you did to me? That's not enough, lady." pinagsasabi nito?

Tiningnan ko siya at nag-iwas siya ng tingin. Baliw!

" Okay I will forgive you. In one condition. . " nakangising sabi niya.

" What?"

" You will be my tour guide from now on." sabi niya. Tour guide raw? Pssh.

" And not only that, you should introduce me the culture of Filipinos and your life here in Philippines. " sabi niya ulit.

Aba gagawin pa ata ako nitong taga-sensus. Pero makikipag-ayos pa rin ako, for the sake of Mother Earth.

" Okay, call ako. But not everyday because I have work. Gets mo?" tanong ko.

" Just be active all the time 'coz I mighr call or text you anytime. And that's a deal. " tapos umalis na siya.

Naku po! Napasubo na!

----------------------------------------------

A/N: Sorry for the slow-update :))

If you think this update is cool,just click that 'lil VOTE button down there. Thank you. :)

Don't English Me!Onde histórias criam vida. Descubra agora