Chapter 1

6K 87 10
  • Dedicated to Chona Mae De Vera
                                    

Don't English Me!

by: Cheech

Do not redistribute or copy without author's consent. Any similarities to other stories were purely coincidental.

------------------------------------

Naranasan mo na bang magpahula?

Yung tipong tutok na tutok ka sa bawat salitang binibitiwan niya?

Yung tipong hanggang sa pagtanda mo ay dala-dala mo pa?

At yung tipong naghihintay ka pa rin kahit na napakaimposible na?

Kung ganun, oras na para bumangon!

Hindi lahat ng hula nagkakatotoo kapares ng hindi lahat ng tao naniniwala sa multo.

----------------------------------------------

"Hoy Ana! Wala na nga tayong pera tapos ikaw eh papak nang papak ng tsokolate diyan! Susmaryosep! Maawa ka naman sa Ate mong nagpapakahirap sa ibang bansa!"

-.-

Diyos ko. Kung mayroon lang sanang bulak dito para maipasak ko sa magkabilang tenga ay kanina ko pa sana kinuha.

Ako nga pala si Ana Franco, ang pangalan ko ay kasing-simple ng mukha ko. Inaamin ko na sa umpisa pa lang ay hindi ako kagandahan pero hindi rin naman ako kapangitan. Pero kahit na hindi ako sing-ganda ng Ate ko at di kasing sexy ni Sam Pinto , at least normal pa naman ako at in good condition pa naman ang mga brain cells ko. Twenteen. . este twenty years old na ako at hanggang ngayon, heto at tambay pa rin.

Nangyayari ang hula, iyan ang palaging naiisip ko. . .

Naglalakad kami ng aking bestfriend na si Steph nang biglang may bumulagtang matanda sa harapan namin. First year highschool kami noon at ang pag-iisip ko ay parang daanan papasok sa compound namin, makitid

" I-CPR mo Steph, dali!" sigaw ko habang pinakikiramdaman ang pupulsuhan ng matandang babae habang nakaluhod.

" Eh hindi naman nalunod! Muntanga naman , Ana!" sigaw pa nito sa akin. Nagkamot ako ng ulo. Eh kung sa yun lang ang natutunan ko sa Mapeh subject namin eh!

"Ahh. Alam ko na! " singit ko ulit.

Nagpapanic na itong kasama ko dahil wala pa rin kasing malay si Lola. At isa pa, nasa madilim kaming parte ng kalye kaya hindi kami makatawag ng tutulong dahil nasa bandang doon pa yung mga tao.

"Pisilin natin ang ilong niya. Sabi kasi dun sa nabasa kong libro, kapag daw pinisil natin ang ilong at hindi na talaga humihinga, patay na at kapag naman nag-react ayy naku patay tayo dahil baka buhay pa." pagpapaliwanag ko.

o_O

Iyan ang reaksyon niya. Siguro'y di pa nagegets ang scientific method na gagamitin ko kaya pinisil ko na lang ang ilong ni Lola. Maya-maya ay nagulat na lamang kami dahil bumangon siya at napaupo. Habol-habol niya ang kanyang hininga , tindi kasi ng pagkakapisil ko.

" Susginoo kang bata ka! Papatayin mo pa ata ako !" sabi niya sa akin habang ang kanyang kamay ay nakahawak sa kanyang dibdib. Hinalughog ko ang aking bag at kinuha mula doon ang mineral bottle na binili ko pa kay Ate Rose. Inabot ko ito sakanya. Uminom naman si Lola at medyo nahumasmasan. Pinatayo namin siya at pinaupo sa bench malapit sa amin.

"Lola ano po bang nangyari sa inyo? Bakit po kayo nahimatay?" nag-aalalang tanong ni Steph pero bago pa makasagot si Lola ay sumingit muna ako.

" Lola. Huwag niyong sabihing sinusubukan niyo 'hong mag-planking?" binatukan ako netong si Steph. Psh. Parang nagtatanong lang eh.

" Naku ikaw na bata ka oh! Hindi ako nagp-planning. . "

Don't English Me!Where stories live. Discover now