Chapter 19

2K 65 7
                                    

" Siya ang aking pinaka-kinaiinisang lalake sa buong whole wide world. Hanubayan, Steph?! Bakit sasagap ka na nga lang ng mga balita eh yung sa walang kuwenta pa! Pwede mo namang tanungin kung sino si Leandro di ba? Kung ano kami at kung kailan ko siya sasagutin di ba?" tumataas-taas ang kilay ko habang sinasabi sakanya iyon.

" Ambisyosa ka parin ah, infairness. Hulaan ko, ginamitan mo yun ng sandakol na dinasalang langis ano?" napanguso ako. Walang tiwala sa ganda ko. Psh.

" Tsk. Totoo nga. Hahaha. " gatong pa niya.

" Excuse me may I go out? For your infomation, ni kusing ay hindi ko inilustay para lamang sa gayuma dahil I know that beauty is in the eye of the folder." tapos bigla akong binatukan ni Steph.

" Tigilan mo nga ako diyan sa mga pamatay mong quotes, Ana! Saan mo ba nakukuha ang mga iyan?" tanong niyang nanlilisik.

" Sa environment, kaya natural 'to. Inggit ka lang eh. Asus!"

" Psh. O edi sino nga si Leandro?" tanong naman na niya. Kinuwento ko nga ang mga nangyari noong nakaraan at nakikinig talaga siya pero hindi naniniwala. Matindi ano?

" Eh bakit nandito bigla yang mga foreigner na yan? Hindi ka ba nagtataka?" bigla akong napaisip tuloy. Oo nga no?

" Ahh baka naman talagang summer vacation nila at nagbakasyon sila rito sa Pilipinas?" konklusyon ko.

" Kung summer vacation nila bakit hindi nagbakasyon ang ate mo?" biglang tanong naman niya. Oo nga no?

" Eh kasi employee lang naman yung Ate ko dun, eh yung dalawa eh anak ng boss ni Ate." sagot ko uli.

" Kahit na, Ana, nakasaad dun sa patakaran sa ibang bansa na kapag summer vacation o ordinary vacation eh may rights ang mga employee na magbakasyon. " Oo nga no?

" Baka ayaw ni Ate na magbakasyon?" sagot ko ulit.

" Hindi mo ba nakita yung pinost ng Ate mo sa FB? Sabi niya ' I missed Philippines' ibig sabihin gusto niyang umuwi. Paano mo nasabing ayaw niya di ba?"

Oo nga no?

Teka---bakit 'Oo nga no?' ako ng 'Oo nga no?'

" Teka nga, Steph. Ang pinag-uusapan natin dito ay yung potential boyfriend ko hindi yung paghihinala mo sakanila. Don't serious naman! Nakakatakot ka. " turan ko sakanya at huminga siya ng malalim.

"Wala. Wala yun. Nakakapagtaka lang. Sige na nga. Hmm. . Ngayon ay parang kilala ko na si Leandro, sino naman si Jordan?" tanong niya na agad ko namang sinagot.

" Naalala mo pa yung nag-chat sa akin? Siya yun! Siya yung nangupa! Siya yung buwisit na antipatikong dragon! Naku nagdidilim ang paningin ko makita ko lang ang pagmumukha niya. Kaso di ko mabangga eh, anak kasi ng boss ni ate. " nanggigigil na sabi ko.

"Gwapo ba?" nanunuksong sabi niya.

" Gwapo nga mayabang at judgment naman!" nakangusong sabi ko.

" Muntanga! Anong judgment? Judgmental! Magbasa ka kasi ng dictionary o encyclopedia para lumawak yang kaalaman mo sa English. "pangaral niya. Nagkamot ako ng ulo.

" Eh yang letseng dictionary nga na iyan ang nagpahamak sa akin kanina eh!" sigaw ko. Tumayo si Steph at tumungo sa study table malapit sa gilid ng kama niya. Binuksan niya ang kanyang laptop at may isinesearch dun at may isinulat siya sa papel saka isinarang muli ang laptop.

Lumundo ang kama at lumapit siya sa akin.

" Oh ayan. Kapag may free time ka bisitahin mo yang link na yan. Baka makatulong yan sayo at para mabawian mo yang Dragon na sinasabi mo." iniabot niya sa akin ang piraso ng papel na naglalaman ng link na makakatulong daw sa akin. Agad kong isinuksok iyon sa aking maliit na shoulder bag saka hinarap muli si Steph.

Don't English Me!Where stories live. Discover now