Chapter 32

1.5K 53 5
                                    

" Ay wudent. "

" Ay shudent. "

" Yu waned?"

" She habent. "

" Hoy anong sinasabi mo riyan?!"

" AYY PUSA-ENT!" napahawak ako sa aking dibdib. Palagi nila akong ginugulat. Huhuhu. Pinapaikli niyo ang buhay ko.Lord oh.

" Hahahaha. Sorry. Akala ko kasi nangugulam ka na eh. " tapos bigla siyang tumabi sa upuan ko.

" Grabe ka, Leandro. Muntik ko ng nahulog 'tong cellphone ko. " reklamo ko sakanya. Natawa na naman siya.

" Ano ba kasing ginagawa mo at nandito ka sa rooftop? Alas-nuebe na ng gabi ah,hindi ka ba natatakot?" tanong niya uli sa akin. Usong huminga, mylabs.

" Hindi no. Nag-aaral kasi ako. Take a watch. " tapos ipinakita ko sakanya yung cellphone ko. Ako'y nagnenet at nasa pronunciation of words na . Yung mga binasa ko is I wouldn't, I shouldn't yung mga ganun. Feel na feel ko na eh! Balikan mo pa sa una!

" Bakit ka nag-aaral pa niyan?" tanong naman nito sa akin.

" Para hindi ako sabihang tanga. Para hindi ako makantiyawan. " maikling pahayag ko.

" Sino bang nangangantiyaw sayo?"

" Wala pa pero alam ko na sa future, magkakaroon kaya bago pa dumating ang time na yun ay pinaghahandaan ko na dahil daig pa ng masigasig ang matsing, huwag lang ang bagong gising. "

" Baliw! Hahahaha. " tapos nagtawanan kami. Nang makahuma kami sa pagtawa ay nagsalita siya.

" Gusto mo reviewhin kita?" napamulagat ang aking mga mata sa sinabi niya.

" Tologuh?" di-makapaniwalang sabi ko. Tumango siya habang nangingiti.

" Sige umpisahan natin. Magtatagalog ako at itratranslate mo sa english ha?"sabi niya sa akin.

" Game!" masigasig na sabi ko.

" Kuhanan mo ako ng isang malamig na basong tubig. " sabi niya sa akin.

" Ngayon na? Sige pupunta muna ako sa ba--"

" Silly. Hahaha. Itagalog mo yun. " natatawang sabi niya.

Muntanga ka , Ana.

"Ahh. Wait lang. Ehem! Ehem! Hey waiter! Gimme a piece of cold bottle water! Huriap!" with feelings na sabi ko.

" Gahahaha. Sige okay na yun. Pero ang tama ay 'Kindly please get me a glass of cold water.' " pagtama niya.

Ahh. That was close! That was not open!

" Heto naman. Pakisara mo nga ang bintana baka makapasok ang magnanakaw. "

" Hey man, close the open or the thief will come in, STUFID! "

" Good. Heto pa, Miss puwedeng pakipindot ang fourth floor button, gusto ko kasing makita ang rooftop. "

" Miss, push the button on the fourth side of the floor I wanna go to rooftop, Im not blind. " napapangiti siya.

" Hahaha. You're getting there, marunong ka na sa basics. Good. Good. Good. " komento niya sa akin at napangiti ako. Wewewew!

Good job well done, Ana.

Biglang tumunog yung phone niya.

" Hello? Ah. . okay. " yun lang ang narinig kong sambit niya saka isinuksok na niya ang kanyang phone sa kanyang bulsa.

" Ana, kailangan ko nang umalis eh. Sa susunod ulit ah. Kita na lang tayo bukas, kakatukin kita sa room niyo. Bye. "tapos bago siya umalis ay. .

" Leandro, kapag ba sumigaw ako rito maririnig niyo riyan sa loob?" seryosong tanong ko.

Don't English Me!Where stories live. Discover now