Chapter 41

1.5K 51 0
                                    

Dedicated to blueflame16 :)) Salamat sa pagbabasa at votes, nasisiyahan ako. I appreciate it very much. God bless po :)

----------------------------

" Huwag kang maingay, baka magising sila. "

" Oo na. Dali kuhanan mo na ng litrato. "

" Kanina pa. Marami na kaya."

" Huwag kang sisigaw baka magising sila. "

Naalimpungatan ako. Kanina pa ako may naririnig na nag-uusap at bakit ang lamig-lamig naman? Mabuti na lang at hawak-hawak ko ang---

" Nay?! Tay?!" nagulat na sabi ko ng iminulat ko ang aking mga mata . Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kamay ni Jordan mula sa kabilang veranda.

" Ah. . Ah. . Sige matulog pa kayo. Joke lang 'to, napadaan lang kami. Ehehe. " sabi ni tatay saka mabilis silang pumasok sa kuwarto ko at biglang naglaho.

Ipinuslit ko ang aking kamay sa riles ng kabilang veranda at tinapik ang pisngi ni Jordan.

" Dragon, dragon. Wake up." tapik pa rin ako ng tapik. Sarap ng tulog ko kagabi. Isang himala dahil wala akong napanaginipang masama. Yun nga lang , puro mukha ni Jordan ang nakikita ko at puro boses niya lang rin ang naririnig ko.

Payapa siyang natutulog at namumula yung pisngi niya dahil siguro sa lamig. Foreigner eh. Pinagmasdan ko yung mukha niya.

Kaaway kita dati eh, pero bakit ngayon nahulog ako?

Bubwit ka sa buhay ko dati eh pero ngayon dahil sayo, hindi lang kapag umiihi ako kinikilig.

Hay Jordan. Slow talaga ako.

" Hmn. . Morning , love. " ngumiti siya habang nakapikit pa rin. Mas mabilis pa sa alas-singkong inalis ko ang kamay ko na naglagi sa pisngi niya.

" Ah. .ah morning. I will go inside my room. You too. " tapos tumayo na ako. Mabilis din siyang tumayo.

" We're okay?" tanong niya. Hindi ako sumagot.

" Hmm. . There will be a dinner mamaya. You go then I'll answer. Bye. " sabi ko saka pumasok ng kwarto. Anong araw ngayon? May naalala kasi ako.

Hahahaha.

---------------------------

" Anong event ang idadagdag natin? Para naman mas maganahan yung mga taga-compound at yung ibang mga imbitado. "

Tanong ni Nanay.

" Nay, subukan kaya natin ang Gay Pageant? Pero lagyan natin ng twist, yung mga guwapo at barako nating borders yung contestants, tutal naman marami tayong mga borders na lalake. Tapos kung sinong manalo, may discount sa upa niya. Saka pabayaran natin yung ticket sa mga outsider at ang malilikom natin doon ay idodonate natin sa bahay ampunan. Sigurado po akong dudumugin ang event ngayon kasi hunk yung mga borders natin. " paliwanag ko.

Tinignan ko sila at ang mukha nila'y parang ngayon lang nakakita ng matinong tao.

" Wow. Naisip mo yun?"

" Opo. Kahapon pa. Hahaha . So deal or no deal?"

" DEAL! " sabay nilang sagot.

--------------------------

" Please. . "

" I have some work to do for now, Ana. Im sorry. " paumanhin niya. Pinuntahan ko siya at pinakikiusapan na samahan akong libutin yung mga paupahan namin at paupahan ng kabilang compound para maghanap ng mga guwapong lalake na interesado sa Gay Pageant.

Don't English Me!Where stories live. Discover now