Chapter 8

1.9K 61 1
                                    

Erica Len Montreal:

Who is Ana Franco hon?

Iyan ang comment niya. Eh di ko nga rin siya kilala. Kaya sinearch ko siya at. . . .

Anghel na nahulog sa lupa o anghel na nabubuhay sa lupa?

Napakaganda naman nitong babae. Kakatibo! Eh pero sino ang babaeng 'to? Iniscan ko yung photos niya at may album siya na may title na " With ma hon <3"

Clinick ko muli iyon at ang bumungad sa akin ay puro pictures nila ni. . . . . Jordan.

'Bakit parang nalungkot ka? Nagseselos ka no?' malanding pahayag ng utak ko.

'Naparami lang ako ng kain kanina.' sagot ko sa utak ko. Pero sa tutuusin, bagay sila, bagay na bagay Haaaay. . Ba't napakasakit sa loob? Naparami lang ako ng kain. Psssh.

-------------------------------

Ipinagpatuloy ko lang ang pag-i-Fb at napagdesisiyunang huwag na lang bumalik sa carinderia. At hindi ko rin alam ang dahilan. Nagcomment ang dragon sa photo niya.

Jordan Oliver:

Nothin' hon. Just a dopey friend.

Ahh. So kaibigan na pala niya ako ngayon. Pero ano yung noob? Haha. Nevermind! Maka-log-out na na nga!

Nakauwi na ako mag-aalas-sais na ng gabi. Dumiretso na agad ako sa bahay at kumain ng napakarami dahil buong maghapon akong nakaharap sa computer. Pagkatapos nun ay nag-shower na ako't nagbihis then nanood ng Adventure Time.

~BEEP

Sino naman kaya itong nagtext?

From: Ang Foreigner na Dragon XD

You owe me one. I have to break one of those rule you gave. Whether you like it or you like it.

Eh di ibreak niya! Isa lang naman eh! Saka nagkasala ako, oo na, iniwanan ko siya roon.

Pero anong rule ang pinagsasabi niya? Eh gawa-gawa ko lang naman yun.

Shonga kang talaga, Jordanong Dragon!

-------------------------------

Huwebes at na-late akong gumising. Tuwing huwebes ay chine-check ko ang mga paupahan para kapag may problema ay maayos kaagad. So bale twenty na bahay ang i-che-check ko kaya inumpisahan ko sa pinakadulo. Kumatok muna ako at agad naman akong pinagbuksan ng pinto.

" Good morning ho, Mrs Cardinal. May kaunti lang po sana akong katanungan. Pwede hong pumasok?" pinaunlakan naman niya ako at pinaupo.

"Mayroon po bang sirang bombilya? Di mag-flush ang toilet o may gumagalang daga? May problema po ba sa kapitbahay o sa bahay? Sobra po ba ang singil sa upa o sakto lang? Last question, maganda po ba ako?" tawa ng tawa ang kaharap ko. Natawa na rin tuloy ako. Ito kasi ang kabilin-bilinan ni Nanay. . .

"Kung hindi ka nila respetuhin at pakinggan, takutin mo sila o di kaya'y magseryoso ka."

Pero sa tingin ko ay nasobrahan ko ang pagiging seryoso at nagmumukha na akong baliw. Di ko kasi sanay. I'm very happy and healthy person kasi, napa-English tuloy! Haha.

Wala raw namang problema, kung pwede nga raw eh bilhin na nila ang house and lot pero siyempre di ako pumayag, sayang ang porsiyento ko. Hihi.

Natapos ko na ang dalawang bahay, tatlo at naging labing-walo, puro naman approve sila kaya 'no problemo'. Pero sabi ko nga, eighteen lang yung na-survey ko, meaning may dalawa pang natitira. Ang isang bahay, umalis daw ang nangungupa, lumabas daw saglit at ang pinakahuling bahay naman . . . . kay Jordan.

---------------------------

Two updates for this week :)) Check!

See you again for the next update.

Vote. Comment. Spread.

~lovelots :*

Don't English Me!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon