Chapter 4

2.7K 66 5
                                    

~ Gwiyomi. . Gwiyomi. . ~

Anak ng kagang!

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Naku naman oh! Si nanay talaga! Pakialamera, pati ba naman ringtone ko pinalitan!

Tamad kong kinuha iyon at sinagot ang di-nakarehistrong numero. Partida pa, hindi pa ako nag-toothbrush niyan. Di naman maaamoy.

(- - ,) Hahaha.

" Hell--"

"This is Jordan. I've been waiting here for about thirty-minutes. Is that the proper way to treat me?" seryosong sabi nito.

Naintindihan ko, kala niyo!

" Where are you?" tanong ko.

"Here, outside. Come here quick, I'm fuckin' tired!" sigaw nito sa akin saka ako marahas na pinatayan.

Aba walang modo ang gago! Pero ang sexy ng boses niya ah. Hihi. So, nag-toothbrush at naghilamos muna ako saka bumaba. Dali-daling lumabas at nagtungo malapit sa gate. Tumungo agad sa akin si M.G Carlo (Manong Guard Carlo, pinasosyal lang. Hihi.)

"Anak, may lalakeng nangungulit sa labas. Pagbubuksan ko ba ng gate? " tanong nito. Anak ang tawag niya sa akin dahil matagal na siyang nagtratrabaho sa amin at close kaming lahat sa compound na ito.

"Pakibukas na lang po, Manong. Ako na lang po ang lalabas. " sinunod nga ni Manong ang iniutos ko.

Pagkabukas na pagkabukas ng gate, dun nakatayo ang pinaka-gwapong lalake na nakita ko sa buong buhay ko. Nakasuot siya ng grey shirt at simpleng pants, magulo ang buhok niya at naka-shades pero ang lakas ng dating niya.

(0m0)

"Stop staring ang get these." Aba! Iniwanan ako! At ako pa talaga ang pagbubuhatin nitong dalawang maleta niya.

Gwapo na sana, antipatiko lang. Wala na akong nagawa kaya ginuyod ko na lang iyon.

" You want help, anak?" natatawang sabi ni Manong.

" No, thanks, manong, I can manager."

"HAHAHAHA! " Teka? Bakit natawa si manong? May mali ba sa nasabi ko? Bakit tumawa si Manong? Paulit-ulit na lang ba ako?

Pero hanep ah! Umi-english na kami ngayon, lakas maka-influence ng antipatikong 'to.

Sinutsutan ko siya nung medyo nakalayo na kami dahil mali yung pinupuntahan niyang bahay. Lumingon siya sa akin na magkasalubong ang makakapal na kilay.

Bakit parang siya pa yung galit? Di ba dapat ako?

"Hindi diyan. Dito oh. " ngunit kumunot uli ang noo niya. 'Kano pala 'to! Nakow! Mapapasabak na naman yata ang English Communication Skills ko dito.

-.-

"Excuse me, may I go out? Here is yours. Chanan!" iwinawagayway ko ang aking kamay na parang sumasayaw ng Pearly Shells at parang dancer sa Wowowee noong uso pa ang Pera o Bayong, habang itinuturo sa kanya kung saan.

Buti naman at medyo naintindihan niya. Lumapit siya at binitawan ko muna ang mga bagahe niya para buksan ang pinto ng kanyang uupahan then pinapasok ko na siya.

Pero bago ako umalis, kinausap ko naman.

"So what's the name?" tanong ko. Humiga siya sa sofa at humilig sa kanyang mga braso.

" Jordan, Jordan Oliver. " Oh! Sabi ko sa inyo eh! Forendyer--este foreigner 'to! Di nga siya kaputian pero kulay ewan ko-- tan ata siya.

" So Jordan, Jordan, I will straight you, I am not that good in English but if you're good in paying, we can understand each other. But there are rules."

Unti na lang, unti na lang at duduguin na yung ilong ko.

Tiningnan niya ako at bahagyang ngumisi.

"Hahaha! You will straight me? Obviously, your English subject didn't cooperate to you that well. Spill it. "

Ewan ko dito, nasa Pinas eh english ng english.

"First, no party-party, tugsh-tugsh like that. No chix and no smoking. Basta you pay your downpayment first. Deal or no deal?"

Humugot siya ng pera sa bulsa niya. Inilapag niya sa mesa ang libu-libong pera, ibinagsak pala kasi bastos eh.

"Keep the change." sabi niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, nasilip ko mula sa nakasuot niyang shades. Mukhang anghel kapag tulog at kapag gising dragon! Antipatikong dragon!

"Okay. Bye!" tapos kinuha ko yung pera at itinapon ko sa mukha niya yung susi, nabuwisit kasi ako. Kinakausap kasi ng maayos tapos tutulog-tulog! Napabangon siya. Sapul eh!

"What the hell?! " galit na sabi niya. Nasa labas ako nang pintuan at humarap sa kanya.

"Enjoy! Makagat ka sana ng cobra para mamatay ka na!" sarkastikong sabi ko. Tapos ibinalibag ko yung pinto.

Mukhang mapapasabak ako sa bagong mangungupa ah. Haaaaay!

----------------------------------------------------------

Nakausap ko sila nanay at tatay sa telepono kagabi.

"Nay, alam niyo po ba? Umalis na po si Mrs. Sanchez? Peromaynangupanamanpoagad." hindi humihingang sabi ko. Dahil tiyak na sermon ang aabutin ko diyan. Ayon nga, nakalusot naman. Nag-update ako tungkol sa paupahan namin at kinamusta ko din sila. Sabi pa nga eh, magaganda daw yung mga unggoy doon sa Zoo. Sabi ko. .

"Hindi pa po ba kayo nasanay sa mukha ko?" tumawa siya at isiningit na naman ang topic na paulit-ulit naming pinag-uusapan.

"Maganda ka naman , anak ah. Di ka lang kasi nag-aayos. Bakit di ka pa kasi mag-boypren?"

Heto na naman kami. .

"Nay naman, ilang beses na po natin 'tong pinag-usapan.Yang boyfriend marami po yan eh yung pagkain ko, malapit na pong maubos. At saka wala pa po talaga akong nahanap na swak sa hula ko eh." nakangusong sabi ko na lamang para manahimik na siya.

"Ayy 'nak naman, huwag ka kasing maniwala diyan sa hulang yan. Kaya nga tinawag na hula di ba? Kasi walang kasiguraduhan." mahaba-haba na naman 'to, naisip ko.

"Toot-toot- Nay-woosh! Hindi ko po-toot-toot-maintindihan. Bukas na lang po ulit--- TEEEEET----" nagkunwari na lamang ako na choppy at ibinaba ko na. Nagluto na lang ako. Nakaka-brainwash naman kasi si nanay.

At ikaw naman na lalakeng nasa hula? Nasaan ka na ba? Inip na inip na ako ah. Di ako pasensiyosa. Magparamdam ka na. Haaaay!

--------------------------------------------

A/N: Two times a week lang akong nag-a-update. Kasi wala akong pampaload at kuripot ako. Huehue :))) See you next time. Chokok!

Don't English Me!Where stories live. Discover now