Chapter 18

2.1K 52 2
                                    

" FOOLISH

1. (of a person, an action, etc.) lacking good sense or judgement; unwise

2. Resembling or characteristic of a fool."

Pagbasa ko dun sa dictionary. Nag-aaral na kasi akong mag-english para naman kapag giyerahan na eh makasabak naman ako hindi yung ako lagi ang dehado.

Kaya heto ako ngayon, nasa letter F na. Foolish. Akala ko talaga yan yung course ni Uncle Gener.

Foolish-nanghuhuli ng masasama ganun. Hindi pala! Foolish ay parang tanga.

In sentence, 'Oh my god, you're foolish! You're not a doctor! You foolish me!

Oh di ba? Im learned na.

" GALLOWS

Wooden framework on which persons are put to death by hanging."

Ahh akala ko kapag tanga ka at nadapa, magkakagallows ka.

Ana,use it in sentence. ' Oh my god! You fool on the ground and you have a gallows. Get up, the foolish will get you.'

Bow. Pinalakpakan ko ang sarili ko. Nasa terrace ako ngayon.

" Noob." may narinig akong mahinang nagsalita. Napatingin ako sa katabi kong terrace at nandun nakasandal si Dragon, na kunwari'y nakatingin sa malayo. Medyo magkakadikit kasi yung mga bahay dito at magkakalapit yung mga terrace namin.

May agad akong naalala. Binuklat ko agad yun at hinanap.

" NOOB

Stupid, crazy, imbecile."

" Hoy hindi ako stupid, crazy at imbecile ha!" bigla kong sigaw nang mahanap ko yung meaning ng word na matagal niya ng sinasabi sa akin. Kahit na hindi ko alam yung imbecile. Hahaha.

" At last. " nakangisi naman nitong sabi sa akin.

" At last, at last ka diyan! Foolish!" sigaw ko sakanya. Hahaha. Para naman may pakinabang yung mga binasa ko di ba?

" Wow. Are you talking to yourself, lady?" sabi niya. Shonga talaga 'to.

" Yes, Im talking myself. Sana maumpog-umpog your head there and you'll have a gallows so that you are death!" singhal ko sakanya. Tapos bigla siyang tumawa.

" Your vocabulary. It's crazy. Hahahaha. " sabi niya habang tumatawa.

" At least Im not a . . a. . Che! Buwisit! Wag ka ngang manggulo!" hindi ko alam ang english word nung sasabihin ko eh.

" Go on, review well. " pahabol sabi niya pa. Review well! Hambog!

Binuklat ko uli yung dictionary at ito ang tumambad na salita sa akin . . .

" LOB

1. To throw or hit a ball into the air in a high arch.

2. (colloquial) To throw.

3. (colloquial) To put, place

4. (sports) To hit, kick, or throw a ball over another player in a game." pagbasa ko.

Binalingan ko yung dragon na nasa kabilang terrace.

" I want to lob you!" sigaw ko. Pero bakit parang ngumisi siya imbes na nainis--

OMG!

" Hoy iba yung sinabi ko ah. Lob! Lob yung sinabi ko. Itapon yung ibig sabihin nun! Hoy!" pero patuloy parin siya sa pagngiti.

" What? You love me, Ana? Wow. You're that fast?" nang-aasar niyang sabi.

" Hoy foolish! Lob. L-O-B! Hindi LOVE! Tanga mo!" pasigaw kong sabi sakanya.

Don't English Me!Where stories live. Discover now