Chapter 28

2K 57 1
                                    

Bakit napakalamig ngayon?

Natalo na ba ng kahanginan ni Jordan ang hotness ko? Wew.

Napatingin ako sa kabilang terrace. Hindi ko alam kung bakit pero kusa na lamang napadako ang tingin ko run.

Bakit kaya umuwi si Jordan?

Nalaman niya kayang dito ako nakatira sa Pilipinas?

OMG!

Isa kaya siya sa mga stalkers ko?

OMG na naman!

~Dadadandan (some creepy sound )~

~Dadadandan (some creepy sound )~

Anak ng foreigner naman oh! Pati ba naman ringtone ko pinalitan ng Dragon na yun?!

Sinagot ko ito.

" Hello, 'Nay. " sagot ko.

" Oh, Ana. May ipapadala akong mga bangus diyan ha. Iluto mo. Pagkatapos ay ibigay mo kay Jordan. "

" What? Kailan pa naging hari si Jordan, 'Nay?" naiiritang sabi ko.

"Huwag ka ng magreklamo diyan. Nirequest yan ng Ate mo. Sabi eh hindi pa raw nakakatikim ng bangus yang anak ng boss niya. Siyempre ,kaya bumili ako galing rito dahil sariwa pa. May maghahatid na riyan ng mga bangus. Siguro nandiyan na maya-maya. Huwag mong lalagyan ng lason ha? Lagot ka sa akin. " tapos pinatayan na ako ng telepono.

Aba! Tour-guide niya lang ako dati ah, tapos ngayon cook na? Baka bukas pagkagising ko eh nanay niya na ako?! Lintek na buhay oh! Parang life!

Alas-otso na ng umaga.

~Dingdong~

~Dingdong~

Natigil ang pag-aalburuto ko nang biglang tumunog yung dingdong--este yung doorbell. Agad akong bumaba patungo sa pintuan.

Pero bago pa ako makapunta sa harap ng pinto ay naapakan ko yung tape. Binuksan ko yung pinto habang nakatingin pa rin sa paa ko at concentrate sa pag-alis ng tape na dumikit roon.

"Delivery po, Ma'am." sabi nung delivery boy pero di pa rin talaga ako lumilingon dahil naalibadbaran ako sa tape na dumikit sa paa ko. Ang hirap maalis. Mas madikit pa sa kulangot. Sheyt!

" Ako na nga. " sabi nung-- tapos lumuhod siya at inalis ang tape mula sa paa ko at nganga pa rin ako kahit na nakatayo na siya.

" Hi, Miss ." sabi niya habang nakangiti. Ako naman ay di-makapaniwalang tumingin sa kanya.

" Leandro. . "

" So, wala ba akong hug?" sabi niya at dahil sa kagalakan ay niyakap ko nga siya.

Ambango, Lord! ( ^ o ^ )b

Siya na ang unang nagbitaw. Ayaw ko pa sana pero baka matuluan ng laway ko yung shirt niya.

" So can I come in?" tanong niya. Niluwagan ko naman ang pagbukas sa pinto at pinaupo siya sa sofa.

" Oh, heto pala yung pinadala ng parents mo. " tapos may iniabot siyang plastic at agad ko yung dinala sa ref.

Umupo ako sa tabi niya.

" Come here close. " sabi niya. Ako naman, siyempre. Haha. Lumapit sakanya.

" Can I hug you, again?" tanong nito.

" May bayad na. " biro ko.

" Magkano? " natatawang sabi niya.

" Sasagutin mo yung tanong ko. Yun yung bayad. " hamon ko sakanya. Parang nakita kong nailang siya run sa kondisyon ko o baka naman nabahuan siya sa bunganga ko? That's unpossible! Nag-mumog pa ako ng isang bote ng Listerine dahil pinaghandaan ko ang pagdating niya!

Don't English Me!Where stories live. Discover now