Chapter 43

1.5K 52 8
                                    

    " Happy Undas, te!" mas lalo akong napasimangot sa sinabi ni Julia.

    "Wag ka ngang magulo, tutuliin kita! " banta ko sakanya. Kanina pa kami naghihintay ng costumer dito pero ang paghihintay namin ay parang boobs lang ni Julia!

Walang-wala!

Kupap!

[ Kupap- Flat  ]

     " Ano ba kasi yang isinisimangot mo diyan huh?" tanong niya ulit.

     " Eh kasi itong si---"

     " Oh my gash sis! Break na kayo ni Jordan?" sigaw niya. Kinunutan ko naman siya ng noo.

    " Huh?"

    " Look oh, may bagong girlaluu. . " tapos may itinuro siya---

Aray ko bhe!

    Si Jordan, may kasamang foreigner na babae. Nakaakbay pa! Tapos nagtatawanan pa sila! My heart . . oh . .my heart. . it's brokening. . .

    " Awtsuubells. Kaya pala Undas-undasan mukha mo. " naaawang sabi niya. Hindi ko na lang tinignan yung nasa labas. Aray ko bhe talaga.

----------------------------

   " Ano nakahanda na ba lahat para bukas? "  narinig kong tanong ni Nanay.

  May pa-I am falling, I am falling pa siyang nalalaman!

   May pasundo-sundo pa siyang nalalaman!

   " Eh yung mga trophy naihanda mo na ba?"

   Tapos kung makapagselos! Naku! Nakakapang-init ng dugo.

    " Yung mga dadalo nabilang mo na ba?"

   Tapos ambilis-bilis niya akong ipinagpalit!

   Wala talagang forever!

   " HELLOOOOOOOO! MAY NAGTATANONG NA TAO RITOOOOOOO! "

    " Ayy kabayo! " nagulat na sabi ko dahil sa sigaw ni Nanay.

    " Kanina ka pa riyan ha! Ano bang nangyayari sayo?" naiinis na tanong nito.

    " Wala po. Masakit lang  po yung ipin ko. "

    " Lokohin mo Tatay mo. Naku, Ana! Kailan ka pa natutong maglihim sa akin ha?" paninita niya.

    Huminga ako ng malalim.

   " Nay, kasi si Jordan eh. . Triniple-kill ako. " madamdaming sabi ko.

    " Ano? Riffle kill? "

   " Triple kill po. Nanliligaw pero may kasama namang iba. Nakakasakit sa loob. Lalo na rito. " tinuro ko pa ang tapat ng dibdib ko.

   Pero imbes na maawa sa akin ay ngumiti pa siya! Naktalaga ako ng nanay ko oh!

    " Grabe kayo, Nay. Tatawanan niyo pa talaga ako. " sabi ko.

    "Hindi. Hindi ako tumatawa. Ngumingiti ako kasi gusto mo na pala talaga siya anak. Mahal mo na ba?" tanong niya .

    " Opo. Hindi ko na itatanggi. Kahit mukhang Dragon po yun, masakit mang aminin. "

    " Yieee! Im so proud of you anak. " sabi niya.

    " Bakit hindi mo puntahan tapos sabihin sakanya ang nararamdaman mo? Ayan lang yung bahay oh. Hina mo naman. " pang-uusig niya.

   " Nay, ayokong ako ang magpapasagot. Wala sa lahi natin ang ganun. Dapat ako ang hinahabol-habol hindi ako yung naghahabol. "

Don't English Me!Where stories live. Discover now