Chapter 7

2.1K 66 1
                                    

Carinderia ni Aling Minda

" Aling Minds! Dalwa nga hong kwek-kwek, dalwa din hong rice at dalwa din hong sukat nitong beef steak. Dine-in po. May discount na po yun. Thanks." natawa naman siya at nagsukat na.

" Oh Ana! Mukhang ang dami mong papapakin ngayon ha? Bakit andami yata nating order ?"

"May kasama po kasi akong dragon. " sagot ko.

Nagrambol yung tiyan ko nang makita at maamoy ko ang mga bagong lutong ulam. Ambango!

" Dragon o yung guwapong yuon na halos lamunin na nung babae?" napalingon ako sa likod ko.

Aba! At may itinatago palang landi ang dragon!

' Teka! Bakit nangingialam ka? Boypren mo? Boypren mo?' sabi ng malandi kong utak.

"Gutom lang 'to , kaya ako naiinis. ' pagsagot ko rito. Tsk! Baliw na!

Inabot na sa akin ni Aling Minds yung tray na naglalaman ng mga inorder ko. Infairness, ambigat ah!

" Naku, Ana. Dalian mo na at baka maagawan ka pa. " nang-aasar pang pahabol sabi ni Aling Minds.

Psshh. Asa namang magselos ako.

------------------------------------------------

" So how about tomorrow, babe?" pinulupot nitong mukhang shark na 'to ang kamay niya sa ma-muscle na braso ni Jordan.

Talagang binanggit ano? Haha. Paki mo!

Nakita niya akong papalapit.

"Oh she's here. Get off me." inalis nito yung kamay nung pating. Hahaha. Nilapag ko yung tray doon sa mesa. Nakatingin ang dalawa ngayon sa akin.

" Oh anong tinitingin-tingin niyo?" umupo ako sa tapat nila.

" She's she ? You mean this lady? Are you nuts? I'm way hotter than her. " malanding litanya nito.

" Bakit? Ano bang mali sa akin pating?" natatawang sabi ko sa babaeng ito. Inirapan niya ako.

" Im not talkin' to you. So what's your name again?" lumingon siya kay Jordan. Naiirita ako!, slight lang.

" Jordan." matipid naman na sagot nito.

" Okay, nice to meet you Jeeerdeen. See you next time! "

Binging pating! Hahaha. Uma-accent-accent pa siya eh di naman niya bagay. Anlaswang pakinggan. Then umalis na siya pero pinasadahan niya muna ako ng masamang tingin. Binelatan ko siya. Haha.

Madapa ka sana.

" What took you so long?" naiinis na naman na tanong nito sa akin. Kumuha ako ng stick at itinusok ito sa isang kwek-kwek.

Kung isa lang di ba dapat kwek lang? Kasi kung kwek-kwek , dalawa na yun. Wala, nasabi lang. Haha.

Kinain ko yun ng buo, napangiwi siya.

" Don't you know your table manners? You're disgusting. " nadidiring sabi niya. Nilunok ko muna ang kinakain ko tapos tumingin ako sa kanya.

" I'm sorry, Jeerdeeen. " ginaya ko yung accent nung pating kanina. Nakita ko siyang ngumiti o imahinasyon ko lang yun? Imposible kasing ngumiti 'to, walang gilagid eh.

" Kwek-kwek, famous street food here in Philippines. If you want to fly like a bird with a wings, eat that. "

" Yuck. Is that edible? " sabi niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil hindi ko naman talaga alam ang meaning ng edible at saka ayokong tinatanggihan ako. Kaya ipinagtusok ko siya ng kwek-kwek at iniabot sakanya.

" Eat this or I will not tour you anymore." panghahamon ko.

" Try that and I'll report this to your parents. " balik hamon niya sa akin.

Aba at sinasagot ako nitong lalakeng 'to ah!

" Taste mo lang. This is masarap. Promise." iniabot ko sakanya uli ang pagkain pero bigla niyang tinapik ang kamay ko kaya nahulog ito sa sahig.

(-.-)

" Lintek naman! Hindi mo naman kailangang ihulog eh! Ewan ko sayo! Diyan ka na nga! "

Sumabog na ako kaya ako'y nag-walk-out at nagdiretso na lamang sa Comp. shop na matagal ko ng pinupuntahan. Naglaro lang ako, nagpalabas ng sama ng loob. Ang diin-diin nga ng pagkakapindot ko sa mga keys eh saka di talaga ako makausap ng mga malalanding lalakeng nagdo-dota ngayon dito.

Siya na nga 'tong tinutulungan, siya pa 'tong. . .

~Gwiyomi. . Gwiyomi~

Tumunog yung cellphone ko. Nakita kong humagikgik yung katabi kong guwapong lalake. Pinanlisikan ko siya ng mata.

" Anong problema mo sa ringtone ko?! " nagulat naman yung lalake kaya umiling lamang ito.

Huwag niya akong subukan, hulk mode ako ngayon! Tinitigan ko ang screen.

Calling: Ang Foreigner na Dragon XD

Hindi ko sinagot dahil nabuwisit ako sa inasal niya kanina. Marami kayang hindi kumakain tapos siya ganun-ganun na lang. Kabanas! Nag-facebook na lamang ako sa halip na sagutin ang mga tawag niya. Bahala siya diyan.

Ilang oras ang lumipas . . Nakita kong may one notif ako.

Jordan Oliver tagged you in his photo.

Tinap ko ang enter at bigla na lang akong napangiti at nawala yung sama ng loob ko.

^____^

Here @ Ate Minda's Carinderia, eating kwek-kwek and beef steak---- with Ana Franco :)

Tapos yung selfie niya habang kumakagat doon sa isang kwek-kwek. Napangiti ako hindi dahil nakain niya yun kundi takot din pala sakin 'to. Hahaha.

Maraming nag-like doon sa status niya at marami ring nag-comment, as expected. Hindi ko na binasa ang ma comment dahil duduguin lamang ang aking ilong. Napag-isipan kong bumalik doon sa Carinderia, kung saan ko siya iniwanan dahil mayroon pa naman akong konsensiya at isa pa, baka mawala pa yun. Shonga-shonga pa naman.

Mag-lo-log-out na sana ako kaso nag-pop na naman yung notif ko.

Erica Len Montreal (friends with Jordan Oliver ) mentioned you in her comment.

Nacurious ako kaya clinick ko iyon.

Erica Len Montreal:

Who is Ana Franco, hon?

-----------------------------------

Thank you for the reads :))

Vote. Comment. Spread , easy as 1,2,3.

Muwah :*

Don't English Me!Where stories live. Discover now