Chapter 2

3.3K 67 5
                                    

"Eh kung naghanap ka ulit ng trabaho, edi sana 'di ka nakatambay dito!"

Sigaw uli ni nanay. Tumayo na ako, kagat-kagat ang toblerone na padala ni Ate at inakbayan ko si nanay.

" Nay, alam niyo naman po na wala po akong kasuwerte-suwerte pagdating sa trabaho. Ganito na lang po, bakit hindi na lang po kayo ang magbigay ng trabaho sa akin? At kayo na rin ho ang mag-pasuweldo?" malumanay na bigkas ko. Huminga siya nang malalim.

Jackpot!

Alam ko ang ibig sabihin niyan, nadaan sa santong-lambingan! Hihihi.

"Hmm. . Naku ikaw na bata talaga oo! Sige, simula bukas ikaw na ang mag-te-take charge dito sa paupahan natin. Isang taon anak, at kapag maganda ang feedbacks, sa iyo na itong compound." sabi nito.

o_O

Nagulat ako! Hindi kami ubod ng yaman pero hindi rin naman kami mahirap at 'di sing-yaman. Kumbaga, nasa middle class. Yown! Nadale ko din. Hahaha.

Mayroon kaming mga bahay-paupahan/apartment na pinaparentahan. Ang upa lang naman nila ang bumubuhay sa amin at siyempre, ang Ate na nasa abroad, nagpapaputi. Hahahahaha.

Pero hindi ko inaasahan na ibibigay o ipapamana itong mga paupahan sa akin.

"... kapag.."

Tss. Okay na sana eh, may kapag pa kasi. Kapag mabuti ang resulta. . . Tch.

"Sige po Nay, uumpisahan ko na ho bukas."

" Oo ,talagang bukas dahil aalis kami ng tatay mo. Pinareserve-han kasi kami ng ate mo ng one-week stay doon sa resort na pag-aari ng kompanyang pinagtratrabahuan niya, dito sa Pinas. At siyempre, ikaw muna ang mamamahala dito. Mamaya tuturuan kita kung anong Dos and donts sa pagiging landlady."

So kaya pala, iiwanan nila ako dito. Tumatayming ah.

Tinapik ko ang balikat ni nanay.

" Sige po, Nay, rexona. " seryosong sabi ko at nagtaka siya.

" Anong pinagsasabi mo diyan na naman, Ana?! Rexona?"

Kumagat ako muli sa chocolate na hawak ko at ngumiti sakanya.

"Nay, rexona. I won't let you down." at napahagikgik siya.

At least inspiring ang sinabi ko. Minsan lang 'yan.

-------------------------------------------------------

"Nay, Tay, hindi ko na po ba kayo mapipigilan niyan?" umistop ako saka nagpatuloy. "Isang taon na lang ho kayo dun, sulitin niyo na ang bakasyon. "

At binatukan ako ng nanay.Psh. Parang nagsu-suggest lang eh.

" Naku ayan ka na naman, Ana! Talagang gusto mo kaming palayasin ano?!" panenermon na naman nito sa akin. Natatawa na ang tatay sa aming dalawa.

"Hihi. Juk-juk lang , Nay. Siyempre mamimiss ko po kayo ng sobra pa sa sobra.Mag-ingat po kayo doon ha? Saka wag pakalustay ng pera, limited lang po yan. Joke po ulit." sabi ko nang tinitigan na naman niya ako ng masama.

^___^

Sa huli, niyakap ko silang dalawa at nag-iyakan pa kami. Kala mo naman kung mag-aabroad sila eh, mag-o-out of town lang naman ng isang buwan. Oo isang buwan na daw kasi reward pala ni Ate yun bilang Employee of the Month.

" Sige po, nay, tay. Skype-skype na lang po tayo. Babayu!" hinalikan ko na sila at umibis na ang kanilang sasakyan palabas ng compound.

Napakanta ako ng ALONE. . .

-----------------------------------------------

Kinabukasan, may kumatok sa aming bahay. Pinagbuksan ko ang isang babaeng medyo may kagulangan na.

"Hello po! Good day! Ano pong kailangan niyo?" tanong ko habang nakangiti. Iyan ang bilin ni Nanay. Maging baliw---este magiliw sa mga tao. Ngumiti din siya.

"Ay pasok ho muna kayo." at doon kami nag-usap sa aming sala.

" Ano ho?! Aalis na po kayo?! Saan po nagkulang ang aming pasilidad? Marami po bang ipis o maingay po yung mga bulldog namin? Bakit po kayo aalis?" sunud-sunod na tanong ko nung malaman kong babayaran na ni Mrs. Sanchez ang lahat ng upa niya.

" Nakakatuwa kang bata ka. Hindi sa ganun. Sa katunayan, gusto ko na ngang pumirmi dito eh kaso kinukuha na ako ng aking anak sa ibang bansa."

Nalungkot ako. Mukhang mapapasabak ako nito . Kakaumpisa ko pa lang pero meron na agad nabakanteng paupahan. At kabilin-bilinan ni Nanay. . .

" Ito ang golden rule, nak. Huwag na huwag kang magpapabakante ng paupahan dahil iyan ang magpapalugi sa kabuhayan."

Lagot na!

"Ganun po ba? Sayang naman po, yung unit niyo pa naman yung napili naming gawan ng swimming pool sa loob ng kwarto." Natawa siya uli.

" Bakit ngayon lang kita nakilala? Kung alam ko lang na napakasarap palang kakuwentuhan ang anak ng mga Franco, at napakaganda pa, ayy! siguro lagi tayong magkausap."

"Naku, Mrs. Sanchez, alam ko pong may itsura ako. Pero iyan na po talaga yung last total bill niyo, wala na hong discount. Hihihi."

Nagkatawanan kami muli at nakapagkuwentuhan pa.

Pero wala pa ring nagbago, may nabakante pa rin. Kailangan kong gumawa agad ng paraan .

Nakow!! Mapapasabak na naman ang mga brain cells ko dito!

Don't English Me!Where stories live. Discover now