Chapter 35

1.6K 52 7
                                    

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nangangalaiti sa galit at nanggigigil.

Bigla siyang dumaluhong kay Leandro at binigyan ito ng malakas na suntok. Habang nagpapakawala siya ng suntok ay nagpapakawala rin siya ng mga mura.

Nakatayo lang ako sa labas dahil hindi dapat ako nangingialam sa hindi ko naman gulo. Pinakiramdaman ko ang aking sarili, naaawa ba ako kay Leandro?

Oo, dahil malamang bugbog ang buong katawan nito dahil napakalaking tao nitong si Jordan. At oo dahil nagawa niya ang ganitong bagay sa kinakapatid niya.

" I trusted the both of you! Especially you!" tapos tinuro niya si Leandro na nakabulagta na sa sahig at putok na ang labi . Si Erica naman ay umiiyak sa gilid dahil hindi niya rin kayang awatin ang dalawa.

Siya ang may kasalanan nito eh. Wala talagang sikretong hindi nabubunyag.

" And you! You're such a slut! Get out and go home now! I don't want to see your fuckin' faces again! OUT! " tapos tumakbo palabas si Erica habang umiiyak at pinilit namang tumayo ni Leandro. Papalabas na siya at madadaanan niya ako.

" Ana. .Im sorry. " nahihirapan niyang sabi. Tinitigan ko siya at parang unti-unting lumalambot ang aking puso. Hindi 'to tama.

" Akala ko Leandro okay ka. . sinaktan mo si Jordan, sinaktan mo yung kinakapatid mo. Sa tingin mo ba mabuting gawain yun? " sambit ko sakanya .

" I was . .I was just-- "

" Don't you dare come near her, Leandro or you'll regret things. " pagputol ni Jordan sakanya. Pero hinawakan niya pa rin ang isang kamay ko ,dahil hawak ko nga ang aso sa isa pang kamay, at pinisil ito.

"Good bye. ." sabi niya at saka umalis na.

" FUUUUUUUUCK! " tapos may narinig akong nabasag. Iniwas ko ang tingin ko sa papaalis na Leandro. Nagwawala si Jordan sa loob ng kwarto. Papasok na sana ako para pigilan at aluin siya pero. .

" Just . .don't come in. . " nangungusap na sabi niya at pinagsarhan ako ng pinto. Nirerespeto ko ang desisyon niya pero kinakabahan ako dahil baka mag-suicide siya, maglaslas, o uminom ng sleeping pills o di naman kaya'y mabungungot siya.

Natatakot ako para sakanya. .

Naaawa. .

Gusto kong pagaanin ang loob niya pero pinagsarhan niya ako ng pinto muntik pa ngang naipit yung bagong pedicure kong kuko. Haaay!

Makalipas ang ilang oras. .

Alas-dose na yata ng gabi at inilagay ko muna ang aso sa kwarto nila Jordan since doon sa kuwarto naming dalawa ni Erica nagwawala si Jordan.

Pumunta ako sa labas ng pinto ng kuwarto kung nasaan siya at doon umiskwat. Sumandal ako sa pader at tumingala.

Tapos may bigla na naman akong narinig na nabasag. Nag-aalala na ako kaya bumaba pa ako sa ground floor at. .

Bakit ngayon ko lang 'to naisipan?

" Sparky! Pahingi ng sparky! Dalian niyo! " sigaw ko dun sa nagbigay sa amin ng room.

" Ma'am ano pong problema?" tanong nung crew.

" Akina ang sparky. . Dali. " pagmamadali ko habang nakaumang yung kamay ko.

" Anong sparky, Ma'am?" nagtatakang tanong ng nasa harap ko.

" Ayy lintek! In-english lang di mo na naintindihan. Sparky, duplicate na susi. " natampal ko pa yung noo ko.

" Spare key po yun Ma'am hindi sparky, kaya pala hindi ko po naintindihin. May accent po yata kayo eh. "

" Miss ano bang nangyayari?" sabi nung isa pang crew na humahanap ng spare key.

Don't English Me!Where stories live. Discover now