Chapter 26

1.7K 52 0
                                    

" Pet shop?" nagtatakang sabi ko sakanya.

" Got a problem with that?" sabi niya saka pumasok na rin dun sa shop na yun. Pagkatapos kasi naming kumain ay napadaan kami rito.

Nakita ko siyang abalang-abala sa pagtingin ng puwede niyang maging pet. Pero natatawa na lamang ako kasi napaka-amazing niya. Saan ka nakahanap ng pet na humahanap din ng pet? Hahaha. And dragon at ang dakila niyang pet. Amazing talaga.

Maraming hayop dito. Malamang! Alangan namang pet shop eh magtinda sila ng coupon bond at G-tech pen?! Nakahithit lang ng katol? Hahaha.

Sa opposite na direksiyon kung nasaan si Dragon ay doon ako tumungo. May nakita kasi ako doong isang maliit na matabang aso. Nilapitan ko yun.

(+ . + )

Ang kyut-kyut! White ang color niya at black ang highlights ng balahibo niya sa tuktok. Halos hindi na makita ang mata niya dahil ang kapal-kapal ng balahibo nito.

" I think I found it. I'll buy this. " mula sa likod ko ay may nagsalita. Si Dragon yun. Nakahanap na kaya siya ng pet niya? Ibinalik ko ang tingin ko sa shih tzu na ito.

" Ma'am excuse me po. May nakabili na niyan. " sabi bigla nung saleslady. Ayy sayang naman. Balak ko pa naman sanang--

" Let's go home or this dog will catch colds ." natatawang pahayag niya habang dala-dala nito yung asong pinaglilihian ko. Haha.

" Can I carry her?" excited na sabi ko.

" Sure. " sabi niya saka iniaabot na sa akin ang asong mataba--

Inilayo niya ng mabilis ito!

" But on the second thought, I won't. Haha. Pay me a hundred first then you can touch her. Whatcha think?" mapang-asar na sabi niya. Kung sinuman pong magulang ng lalakeng ito, ihanda niyo na po ang mga rosas niyo, unti na lang ay paglalamayan na 'to.

" Buwisit ka talaga! Tsk." tapos umalis na ako roon.

" Ana! You go first in the car, I'll just need to buy something. "sabi niya habang karga yung aso. Tapos ako naman, dahil sa buwisit ay pinuntahan nga yung kotse niya. Pero ang laki kong tanga dahil naka-locked pala. Haaay! Kailangan kong maghintay dito kahit na marami ng gumagalang lamok.

Mga after five minutes ay bumalik siya. Ako naman busangot lang ang mukha.

" Can you carry her first? I need to unlock the car. " sabi niya. Nagpanting naman yung tenga ko. Nangiti ako at kinuha agad sakanya yung aso.

Heaven ang balahibo niya. .

Si Jordan naman ay binuksan na yung kotse at pumasok na kami.

" Okay, gimme the dog. " sabi niya. Niyakap ko naman ito ng mabuti at inilayo sakanya.

" Please. I want to carry her only. " nagmamakaawang sabi ko.

" No. Gimme that. " matigas na sabi niya. Pero ako naman ay nagmatigas din.

" Please. . " tapos ginamit ko yung weakness ni Steph.

*Pout*

" Please. . " sabi ko ulit. Matigas ang ulo ni Steph at medyo suplada kaya kapag may gusto akong hingin sakanya ay hindi niya ito ibibigay kaya napipilitan akong magpout.

Magpout, iyan daw ang weakness ni Steph. Kapag daw kasi ngumunguso ako ay nagmumukha akong cute at nakakaawa kaya kapag ginamitan ko na siya ng pouting powers ko ay wala na siyang magagawa.

Tumingin ako ng mataman kay Jordan. Aba! Nailang siya ah. Isa lang ibig sabihin niyan. .

" Okay fine! And please stop pouting asdfghjkl. " hindi ko na narinig pa ang huling sinabi niya dahil busy na ako kay aso. Teka may kulang eh.

" What's her name?" tanong ko sakanya. Sinimulan niya ng paandarin ang kotse. Pero sadya atang bingi 'to dahil hindi narinig ang tanong ko.

" Ana. . " sambit niya.

" Yes? " tanong ko. Tinawag ako eh.

" Ana. . " sabi na naman niya.

"Lintek why nga di ba?!" naiinis na sabi ko.

" Stupid. You're asking me the name of the dog right? Then it's Ana. Noob. " yun naman pala eh, Ana naman pala ang pangala-----

" What?! Do I look like a dog?!" singhal ko sakanya. Nagulat din yata yung aso.

" A lil bit. " natatawang sabi na naman niya.

" Dragon ka talaga!. Don't worry, I'll buy a rat and I will name him Jordan!" uy hindi ko namamalayan ah. Gumagaling na ako sa English.

" Im very honored. " sabi niya pa. Grrr!

Gabi na talaga, alas-otso na ng gabi at napansin kong hindi ko naman siya tinour, hindi siya nagtanong so hindi talaga ako tour-guide! Haha. So anong tawag dito? Bantay-Bata, Basta Hila? Ganun? Basta-basta niya na lang akong hihilain sa iba't ibang lugar saka babantayan ko lang siya?

Huwag ka ng magreklamo, Ana. Dahil libre naman yang kinakain mo. Makisama ka na lang. Okay?

Tama. Libre lang. Haaay.

Sa wakas, nakarating na rin kami sa bahay. Kanina pagkapasok namin ay nag- ' Good evening' pa kami kay Manong habang nakasakay sa kotse tapos nakita ko na naman yung ngiti niyang nakakaloko. Naku! Baka isumbong ako nito sa nanay ko.

Pagkaparada niya ng kotse ay agad akong bumaba habang hawak-hawak pa rin si ' Ana '. Hindi yung sarili ko ah! Yung aso! Ewan ko ba sa isip ng dakilang dragon na yun! Andami namang puwedeng ipangalan sa aso kung bakit ipinangalan pa sa akin! 'Tek naman!

Dahil abala pa siya sa pag-aayos ng kotse niya ay may nabuong plano sa isip ko.

Iuuwi ko muna si ' Ana' Hahaha. Humakbang ako ng maingat para hindi niya marinig ang pag-alis ko. Malapit na ako sa pintuan namin nang biglang. .

" Hey naughty girl, where do you think you're going?" sabi niya. Unting apak na lang! Sheyt!

Lumingon ako sakanya at nakasandal siya sa kotse niya. Nagpeace sign ako habang hawak yung aso at lumapit na rin sakanya.

"Ah. . Im just touring her. " nakangiting sabi ko sakanya. Kinuha naman niya sa akin yung aso.

" Supposedly, I am the one that should be toured, not the dog. " sabi niya. Blah. Blah. Blah. Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad.

" Hey, why are you always turning your back while Im talking?" sabi niya. Humarap naman ako sakanya at may inihagis siya sa akin. Di magkandaugagang kinatch ko naman iyon at namalayan ko na lamang na papasok na siya ng bahay niya.

" I bought that at ELPADREA, keep it as I want to keep you. " Hanudaw?

Binuksan ko yun at isang bracelet na may initials na . .

A at J?

Anong ibig sabihin nito, Dragon?! Ginugulo mo ang isip ko!

--------------------------------

Evening fellas xD

Vote. Comment. Spread.

Don't English Me!Where stories live. Discover now