Chapter 25

1.5K 45 1
                                    

" Ahm. . I like this. . and this. . and this. . and all of the food in the menu. " kuntentong sabi ko sakanya.

" What? Are you serious?" nakakunot na sabi niya.

" What? Im not serious. Im Ana. Shonga. " natatawang sabi ko pa.

" Why are orderin' that much? Are you going to pay for it?" mapaghamong sabi niya. Aba! Aba! Hinahamon ang isang Ana Franco.

" Yes, I will. Waiter! " tapos sinenyasan ko yung isang waiter na lumapit.

" Yes Ma'am?" tanong naman nito.

" Magkano 'tong seafood bucket niyo?" mayabang na sabi ko.

" Ma'am that's our specialty." nakangiting sabi niya. Nasagot niya ang tanong ko. Infairness.

-.-

" Good. Magkano?"

" That's Php 3000 po, Ma'am."

" Three thousand pesos lang pal---Jordan. Water only. I'll order water only. " napapahiyang sabi ko. Nagulat ako sa price nito. Ano ba yang seafood bucket na yan? May shrimp ba diyan na nangingitlog ng gold?! O alimangong may royal blood?! Ang mahal ah!

Tumawa naman itong kasama ko.

" Waiter, I'll get that seafood bucket. And this chocolate dessert. Thank you. " sabi niya na natatawa at umalis na rin yung waiter.

" You'll pay huh?" tumataas pa yung kilay niya habang inaasar ako. Nasa restaurant kami, katapat ko lang siya. Medyo madilim na sa labas, isa lang ang ibig sabihin niyan. . .

Gabi na. Tanga ka? Hahaha.

Hindi ako makatingin sakanya dahil napahiya ako kanina. Mayabang kasi eh! Seafood-seafood pa kasi eh!

" Don't worry, it's my treat. "natatawa pa ring sabi niya . Yes libre! Haha.

Inilabas ko ang new phone ko. Nagvibrate eh.

Kinuha ko iyon at. .

" JORDAN!!" sigaw ko habang nakapikit.

May tumatawag at hindi ko masasagot iyon dahil ang nakalagay na caller wallpaper ay santong umiiyak ng dugo.

" Sagutin mo yan! I-unlock mo! Letse ka!" sabi ko sakanya habang nakapikit at iniaabot ang cellphone.

Tumawa na muna siya saka naramdaman kong kinuha niya mula sa kamay ko yung phone.

" Who's this?" maangas na sabi niya. Iminulat ko na ang aking mata.

"Holy-- Leandro? Man! Yeah. Hahaha.Im with her. Don't you worry, Bro. I'll handle this. See you soon. Bye. " tapos ibinaba niya na yung phone saka iniabot sa akin.

" Si Leandro yun?" tanong ko tapos kinuha mula sakanya yung cp.

" You don't need to know."

" That's my cp. I need to know. Shonga. " sabi ko sakanya.

" I gave you that so I have rights. " walang anumang sabi naman niya.

"Tse. I know that's Leandro. What he say?"

" He said that you should close your mouth 'coz the food is coming. " nakangising sabi niya saka dumating nga yung waiter at inilapag ang order namin. Itext ko na nga lang mamaya si Leandro!

Nagdasal muna ako at kumain. Mali, mali. Hindi ako kumain, ngumasab ako. Ang sarap ah! Infairness.

" Yiee. Ang suwerte naman nung girl. Ang guwapo nung bf niya." sabi nung katabi naming babae na nakaupo malapit sa aming table. Talagang suwerte ako, libre lahat eh. Pero malas netong kasama ko dahil hindi niya ako girlfriend. Aba matinde!

Hindi pa man natatapos kainin ni Dragon yung seafoods ay pinapapak ko na yung chocolate dessert.

"Ehem. " untag niya. Napaangat naman ako ng tingin.

" Why? You want water? Go to the bathroom. " utos ko sakanya.

Tapos itinuro niya yung gilid ng labi niya.

" Ano?! You want kiss before you go?! Aba! Aba! Suntukan gusto mo?" nakasigaw na sabi ko.

" Tsk. Dopey. " sabi niya saka tumayo at . .

Pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang thumb niya. Parang may sampung kabayong nagtakbuhan sa dibdib ko.

" There. " sabi niya saka bumalik na sa upuan niya.

" Nakita mo yun?! OMG! Ang sweeet ni guy! " sabi na naman nung babae.

Takte! Namumula na siguro ako ngayon kaya ibinaling ko na lamang sa cellphone ko yung paningin ko.

" Finish your food first before you text him. " nahimigan ko ang pagkairita niya. Bakit kaya? Ayy tama! Dahil mahal ang mga nakahain.

Haaay.

" Where are we going next?" tanong ko sakanya.

----------------------

In-edit ko yung buo, wag maguluhan ah. I changed Noob into Dopey. May narealized kasi ako. Hahaha. Anyways,

Vote. Comment. Spread. ;)

Don't English Me!Where stories live. Discover now