Chapter 21

1.8K 54 3
                                    

Ana's POV

" Uy girlaluu! Mag-ingat ka sa pag-juwi mo ha. Baka jombagin ka ng mga gangsters sa rocky road. " paalala ni Julia. Nagabihan na kasi ako ngayon eh. Alas-tres sana ako uuwi kaso naisipan kong mag-overtime dahil kailangan ko ng cellphone na puwedeng pang-fb.

" Huwag kang mag-alala at kapag nirarape nila ako ay magpopost agad ako sa facebook. I-like mo ha?" pagbibiro ko.

" Gaga! Eh kung ako na lang kaya ang manjombag sayo?" sabi niya at iniamba ang kanyang lupaypay na kamao.

Nag-peace sign ako at saka lumabas na.

" Alis na ako mga bakla. Babayu! " paalam ko sakanila habang nakangisi. Naglalakad na ako nang bigla akong napatigil. .

Tumingin ako sa langit. Madilim na at nakadungaw na ang maliwanag na buwan at kumikinang na mga bituin. Mahilig akong tumingin sa mga celestial bodies dahil favorite subject ko ang geography. Anuraw?

May nakita akong bench malapit sa kinatatayuan ko at wala masiyadong tao sa lugar na iyon kaya doon ako umupo.

Tanaw na tanaw mula rito ang mga bituing minsang sinamahan ako sa pagdradrama at lungkot. Naalala ko na naman. .

------------------------------

"Steph, dalawang taon na pala ang nakalipas no? Dalawang taon ng walang nanliligaw sa akin. Totoo kaya yung hula ni Lola?" nandito kami ngayon sa tinatambayan namin tuwing may vacant kaming dalawa.

" Hindi ko alam. Puwedeng totoo, puwedeng hindi pero walang nakakaalam kasi nga hula lang. " sabi niya sa akin.

" Pero alam mo? Parang nakita ko na siya eh. Parang nahanap ko na ang lalakeng nasa hula. " kinikilig na sabi ko.

" Paano ka naman nakakasigurong siya na yun?" kunot-noong tanong niya.

" Basta. Iba yung nararamdaman ko eh. Pabayaan mo at kapag napatunayan kong siya na nga iyon ay ipapakilala ko siya sayo. " paniniyak ko.

----------------------------

" Ms. Franco! Stand up!" naku lagot na! Wala pa naman akong rescue ngayon dahil hindi ko ka-block ngayon si Steph.

Tumayo ako at ito namang mga buwisit na mga kaklase ko eh parang masaya pang napatayo ako ni Ma'am Terrorita.

" What can you say about our environment ? " nakataas na kilay na sagot niya.

Sisiw naman yang tanong niya! Akala ko pa naman itatanong niya kung may kuto ba si Galema.

" Ma'am napakalinis po ng ---"

" I asked you in English so you answer me with the same language. " pagputol niya sa akin.

Kung kanina ay sisiw lang ang tanong niya, ngayon ay pato na! Letse naman! Sa dinamirami pa ng isusuggest niya yung pag-Eenglish pa. Ang galing niyang tumayming.

" Ma'am ahm. . the environment is ano po--"

" English!" sigaw niya at kita na ang naglalabasang ugat niya dahil sa galit sa akin.

Nagtatawanan naman na ang mga mababaho kong kaklase.

" The environment is clean and very beautiful to the eyes. It gives me strength when I was weak, it is my voice when I couldn't speak, you were my eyes when I couldn't see, you saw the best that wasn't me ---"

Don't English Me!Where stories live. Discover now