Chapter 9

1.9K 54 4
                                    

Kumatok ako, mga sampu. After three minutes ay nakaharap na sa akin ang lalakeng magkasalubong na naman ang mga kilay.

" Why?" naiinis na naman na sabi niya. Ang sungit, kamukha ni Domu!

" May gusto lang sana akong. . I mean I have to chat to you. " muntik ko ng nakalimutang english-spokening pala 'to. Tinaas niya lang ang makapal niyang kilay at tinitigan ako.

" Tinamaan naman ng lintek! Tabi! Simpleng english di mo naintindihan?! Jusme!" nung naubos na yung pasensiya ko kunwari'y nagkusa na akong pumasok at iniwanan siyang nganga sa labas.

Hahaha. Ako pa yung may ganang magalit no? Hindi kasi makaintindi ng simpleng ingles.Pinapahirapan pa ako. Tch.

Nung nakaupo na ako sa sofa ay sumunod naman siya.

" Do you have problems?" agad na tanong ko sakanya.

" With you or with this house?" sumandal siya sa sofa. Shonga talaga 'to.

" With this house. Shonga. " pero pabulong lang yung huling salita.

" Nothing." sagot niya pero nang magsasalita na sana uli ako ay nagsalita siyang muli.

" I mean, yeah, I do have a problem. The. . the. . the flourescent. Yeah the lights! It's not functioning. " magulo talaga 'to, sabing nothing tapos meron naman pala, nauutal-utal pa ah!

" Can I see it? "

" It's in my bedroom. . but lemme check it first." tapos patakbo siyang pumanhik.

Weirdo talaga yun, iniwan lang ako dito, ni hindi man lang ako in-offeran ng chocolate drinks o kahit brownies with lava cake lang!

" Go check it now. The tools are in the cabinet, feel free to use it. " iyan ang sabi niya pagkababa at maya-maya'y nagtungo na siya sa kusina. Ako naman ay umakyat na at chineck ang ilaw na sinasabi niya.

Swinitch ko ito isa-isa dahil limang ilaw ang nandidito, malay ko ba kung ano rito ang sira. Napag-alaman kong yung nasa tapat ng kama niya yung hindi gumagana pero bago ko ayusin ay pinagmasdan ko muna ang kwarto niya.

Ang ganda-ganda! Bakla siguro 'to, napakalinis eh. Hindi gaya nung kwarto ko, parang pinagdausan ng concert ng One Direction. Hahaha.

So bago ako mamangha ng husto, chineck ko na yung flourescent, kumuha ako ng upuan dahil medyo mataas. Sa katunayan, kung ako lang ang masusunod, nagpatawag na ako ng electrician pero hangga't kaya kong gawin o ayusin ay aayusin ko. Sayang naman yung ipambabayad di ba?

Inalis ko ang bulb sa stand nito. Pero teka, bakit parang ni-loose 'to? Tapos napansin kong medyo nagalaw yung wire sa gilid, parang sinasadya? Ayy baka natanggal lang naturally o baka nagalaw lang ng butiki. So ayun nga, sisiw lang, ginalaw ko lang yung wire at ibinalik ang bulb mula roon at hinigpitan. Bumaba ako sa upuan at tumungo sa banda kung nasan ang switch.

Viola! Ang galing ko talaga! Napailaw ko! Magiging proud ang mga ninuno ko sa akin neto especially yung mga kuto ko. Hahaha. Kipiraf, Ana! At tinapik ko ang sarili ko. Baliwag na!

Pababa na ako at nadatnan ko 'tong dragon na 'to na pababa na rin? Bakit pababa? Ayy ewan! Dumiretso siya uli sa kusina. Maya-maya ay may nag-doorbell. .

Busy siya so ako, na napakabuting babae, ang nagbukas ng pinto para sakanya.

" Ito na po yung mga champagne na inorder niyo." sabi nung delivery boy na nagmukhang tanod dahil sa neon lights nitong jacket.

(- -,)

" Eh hindi naman po ako nagpadeliver, kuya. " nagtatakang sagot ko. Mula sa likod ay may kamay na nag-abot ng pera at pumirma. Hindi ko pala bahay 'to, pahiya ako dun ah. Hihi.

" Thank you. " sabi ni Jordan. Marunong pala siya 'nun? Pero kumunot yung noo ko. Andami namang champagne , maubos niya kaya? Binuhat niya iyon, take note, one hand lang ah. Nagsilabasan tuloy yung mga maskels-- muscles pala niya. Biglang uminit ha? Haha. Sinundan ko siya sa kusina.

" Uyy the lights is alive na. Champagne? That's many more, what will you do? Drink that all?" ang hirap naman kasing kausapin nito. Teka? Ambango ha? Nagluluto siya? Amazing!

The Dragon Cooking Show! Hahahaha.

" I'm throwin' a party tommorow night. " Hala! Magtatapon siya ng? Anuraw?

" Huh? Repeat-rewind please." naguguluhang sabi ko.

" Get out, I am not repeating my words. I have loads of work. Go. " pagtataboy niya sa akin. Parang nagtatanong lang naman. Psh. Di lang mag-Thank You doon sa pag-aayos ko ng ilaw niya. Magaling!

----------------------------------

Vote. Comment.Share :)))

Don't English Me!Where stories live. Discover now