Chapter 34

1.5K 54 0
                                    

" They are cheating on you. . . "

Sabi ko na nga ba eh. .

" AHAHAHAHAHA! Okay, that was a good joke. Hahaha. " tapos nagpakawala siya ng malakas na tawa.

" I saw them from the past, they are in the rooftop. They are spg there. " nangungusap na sabi ko sakanya. Pagkatapos nun ay biglang natigil ang kanyang pagtawa at tumingin ng diretso sa akin.

" Okay, stop it. That's not funny anymore. "

" But that is true, that is not false!" singhal ko.

" Do you think I'll believe that? " seryosong tanong niya. Nakakatakot na ang mukha niya pero kailangan niyang malaman ang totoo.

" Do you trust me?" sabi ko. Pero sana hindi ko na lang tinanong kasi alam ko naman na ang isasagot niya.

" No, I will never believe you so cut the crap. " parang kumirot nang kaunti ang puso ko. Muntanga kasi ako, alangan namang pagkatiwalaan niya ang isang tulad ko di ba? Sino ba naman ako?

Agad akong tumayo at bumaba mula sa mga tipak ng mga bato at lumayo sakanya. Pero bago pa man ako makalayo ay may pumigil na sa akin.

"Wait. . " sabi niya. Napatingin tuloy ako sakanyang guwapong mukha. Paano kaya nagagawang pagtaksilan ni Erica bitch ang Dragon na ito?

" I .. ahm. . I . . " parang may gusto siyang sabihin kaso hindi niya masabi.

" Dammit. . I just want to ask you a favor. Please take the dog with you. Just for this time. " sabi niya. Kinuha ko agad ang aso at walang sabi-sabing umalis sa harap niya.

----------------------------

" Bakit napakataas ng pride ng amo mo, Ana? Wala siyang karapatan, hindi siya sabon. " pagkausap ko doon sa asong hawak-hawak ko.

As expecting, hindi sumagot ang aso. Walang kuwenta naman oh.

Lakad lang kami nang lakad. Pero dumating yung time na ihing-ihi na talaga ako.

Saan ko kaya ilalagay ang asong ito?

" Hey bitch, are you lost?"

Sabi ni Erica. Tama! No choice, kung hindi, magkakaroon ng Maria Cristina Falls dito sa Zorpiéda Island kapag hindi ko ipapahawak sakanya.

" Can you please package the dog?" sabi ko sakanya habang bahagyang tumatalon-talon dahil najijingle-bells na talaga ako kanina pa.

" Package the dog?" nagtatakang sabi niya.

" Yes, package. Please handle with care. Im going to the CR. Sige na huwag ka nang sumagot please. "

" Sure, don't you worry, I'll handle it with care. " nakangising sabi niya saka kinuha mula sa akin ang aso. Patakbo akong umalis doon at nagtungo sa pinakamalapit na CR.

Pero kung sinusuwerte ka nga naman oh.

" Miss, bawal ang singit. " sabi nung malanding naka-two-piece.

" Sige na Ate, ihing-ihi na talaga ako. " sabi ko sakanya na parang kangaroo, tumatalon-talon.

" Kanina pa ako naghihintay dito no. Pang-sampu kaya ako. Wait for your turn. " sabi niya pa.

Ang plano ko kasi ay magmakaawa sa mga nakapila. Kinse kami dito at pang-eleven ako. Sa kamalas-malasan ay iisa lang talaga ang cubicle. Ang layo na pala kasi ang narating ko, malayo na sa hotel.

Paano kaya ako makakaihi nito?

a.) Pupunta ako sa madamong lugar at doon patagong iihi.

b.) Lulusong ako sa tubig , aktong nagsusuwimming at doon na ako patagong iihi at hayaan ng umagos ito kasabay ng alon.

Don't English Me!Where stories live. Discover now