Chapter 22

1.5K 51 1
                                    

"Ana?" narinig kong may tumawag sa akin kaya pinunasan ko agad ang luha sa aking mga mata.

Nilingon ko kung sino ito--- Nagbibiro ba talaga ang langit? Joke ba ito? Parang kanina lang iniisip ko siya.

" Thalia?" sabi ko. Siya yung girlfriend ni Glint. Tumabi siya sa akin sa bench.

"Nice seeing you here, long time no see. Kamusta ka na?" masaya namang sabi niya. Kahit na hapit pa rin ang mga dinadamit niya ay naglaho naman na ang malandi niyang pagsalita at iyong pagpilantik niya. Pero ang ipinagtataka ko lang ay parang walang nangyari sa pagitan namin, parang hindi niya ako sinaktan. Bigla akong napatawa sa isip, ako lang pala ang hindi naka-move on.

" Okay lang." matipid na sabi ko. Huminga siya ng malalim, nahimigan niya sigurong ayoko siyang kausapin.

Katahimikan ang bumalot sa amin. .

" Sorry, Ana. Sorry sa nagawa namin sayo noon. We were teenagers back then at hindi pa namin alam ang mga pinaggagawa namin. " sinserong sabi naman niya. Nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko.

" Okay lang yun. Pero hindi ibig sabihin nun ay pinapatawad na kita, na pinapatawad ko na kayo. " buti ay hindi nangarag ang boses ko.

" Nung time na yun sa Mall, yun din yung time na naghiwalay kami, Ana. Akala ko kasi siya na rin eh. Siya nga ang nakapagpatino sa akin pero wala pala talaga siyang kuwentang tao. May iba pala siyang mahal. Naalala ko tuloy yung ginawa ko sayo, ganun pala kasakit. Sorry talaga. " medyo basag yung boses niya.

Ano? Naghiwalay na sila? Papaanong?

" Hindi mo naman ako kailangang kaawaan para mapatawad kita eh. Sige aalis na ako. " sabi ko na lamang dahil hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan namin 'to. Saka nag-iba na ako.

Umuwi na ako sa bahay namin na lutang na lutang. Hindi ko na nga nabawian ng bati si Manong Carlo eh. Umakyat na ako sa kuwarto at nagshower.

Hindi pa ako makatulog kaya lumabas ako at sumagap ng hangin sa terrace. Alas-diyes na ng gabi at patay na ang mga ilaw ng mga tao rito.

Tumingin na naman ako sa kalangitan.

Hindi ko alam kung bibigyan ko ng pag-asa si Leandro. Simula kasi noon ay hindi na ako madaling magtiwala.

May narinig akong kaluskos ngunit hindi ko na iyon ininda dahil sa mga alaalang bumabalot ngayon sa akin.

Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang may nagtakip sa bibig ko at humawak sa bewang ko. Napamulagat ako at pilit na inaaninag ang mukha nito ngunit hindi ako makalikod dahil malakas siya.

Dahil na rin siguro sa marami akong iniisip at hindi ko na kinakaya ang mga mabibilis na pangyayari ay napaluha ako. Habang nakatakip pa rin ang kamay ng kung sinumang ito sa akin.

" Hahahahaha! I got you!" nabosesan ko agad siya. . si Jordan pala. Tumatawa siya ngunit nanatili pa rin akong nakatalikod sakanya. Umiiyak kasi ako eh.

Bigla siyang lumapit sa akin at dumako sa harapan ko. Napatigil siya sa pagtawa. .

-----------------------------

Jordan's POV

I saw her , she's in the terrace. I immediately get that 'thing' and climbed the barrier between our house. I climbed at it smoothly, making sure that no noise will be made .Then a plan popped into my mind.

I covered her mouth with my hand and held her waist with the other. But I am surprised that she didn't protest nor shout.

Stupid, Jordan, how can she scream when you're covering her mouth?

Then after that I released her and so as with my laughter.

" Hahahahaha! I got you!" I said while laughing. But it really surprised me for she didn't shout at my face nor cursed me.

I came near her and took the position infront her.

I stopped. Shit, I cursed.

" Sorry, Ana. I was just jerking around. It's not my intention to make you cry. Shit. Shit. Shit. "

One thing I hate is seeing someone cry, I really don't know what to do when that situation came. And I didn't expect that she will cry this easily.

' You're acting funny man, you don't want to see her cry but you are planning to----' my thoughts blew off when she unexpectedly hugged me while crying. . .

Why are you doing this to me, Ana?

--------------------------

Ana's POV

Hindi ko alam, hindi ko talaga alam kung bakit ko siya naisipang yakapin. At ang tanong bakit si Dragon pa , Ana?

Hinayaan niya lang akong yumakap sakanya at nabigla na lamang ako nang niyakap niya ako pabalik. Hanggang dibdib niya lang ako dahil napakatangkad niya. Hinahaplos niya lang ang aking buhok. Napanatag naman ako at parang ayaw ko ng bumitaw pero bumitaw pa rin ako dahil okay na ako. Back to Ana. Pinunasan ko naman ang luha ko at hinarap siya.

" Why are you here? " nakapameywang na sabi ko sakanya. Malumanay ang pagkakasabi ko sakanya dahil baka lumubo yung sipon ko, nakakahiya.

" Im sorry. I just want to give you this. " sabi niya saka tumungo malapit sa mesa na nandito sa terrace. May kinuha siya roon.

Iniabot niya sa akin ang kahon ng. . . Cellphone? At Samsung Galaxy S5 pa ha! Mayaman.

Pero teka, nampa-powertrip ba si Leandro? Bakit sabi niya imposibleng palitan ni Jordan yung phone ko? Loko.talaga yun.

" Thank you. This is sobra na. . Ahhh this is much pala. " oh diba? Improving.

" Why did you cry that easily?" tanong naman niya.

" May singaw kasi ako sa gums tapos tinakpan mo yung bibig ko, nasagi mo, paano ako hindi iiyak?" kahit na hindi niya naiintindihan ay biniro ko siya.

"Huh?" sabi niya.

" Nothing. I have problem nowadays. That's why I cry. "

" How did you tresspassing here? " nagtatakang tanong ko ulit sakanya. Paano siya nakaakyat dito diba? Ayy tama dragon pala siya. Hahaha.

" I climbed there." tapos tinuro niya yung medyo magkadikit naming terrace. Buti at hindi siya nahulog?

" Ahh. Okay. " sabi ko na lamang. Naramdan ko na rin ang antok ko kaya napahikab ako ng hindi sinasadya.

" So. . I'll better go. Good night. " sabi niya saka lumapit na roon sa inakyat niya kanina at sinimulan niya ng akyatin iyon. Ako naman ay nagsimula ng dumako sa aking kuwarto pero may nakalimutan ako. . .

" Jordan. . " tawag ko sakanya. Maingat parin siyang umaakyat at hindi niya ako nililingon dahil baka mahulog siya.

" Yes?" sabi niya na hindi pa rin nakatingin sa akin.

" Thank you, you made me forget my problem. Good night, sweet dreams. " sabi ko sakanya na muntik niya ng ikinahulog.

" What the?! " sabi niya at natatawang pumasok na ako sa kuwarto ko at inilock na ang sliding na pinto at isinara ang bintana.

Salamat,Jordan. .

------------------------

Hiks! Tama na ang drama. Abangan ang next update ha? Chukok!

Vote. Comment. Spread.

Don't English Me!Where stories live. Discover now