Chapter 39

1.6K 49 4
                                    

   " Hala! Bakit naman ganyan kayo, Nay? " nakasimangot na sabi ko sakanya.

    " Oh di ba niloko niya si Jordan? Anong tawag mo dun? Di ba manloloko? Mabuti na yung hindi mo naging boyfriend si Leandro, anak. Jusme, ano na bang mga nangyayari sa mga kabataan ngayon?" histerikal na sabi niya.

    " Nay, nandun na po tayo sa manloloko si Leandro, sinaktan niya si Jordan pero wala naman po siyang ginawang masama sa akin na dapat nating ikagalit. Lalo naman pong wala siyang ginawang masama sa inyo, hindi naman po kayo niligawan o ano--Aray naman, Nay. " tapos hinimas ko yung braso ko.

    Naikuwento ko kasi yung nangyari noong nakaraan. Makulit kasi si Nanay eh. Daig pa si Boy Abunda!

    " Sus, umamin ka nga. Sino bang mas matimbang ha? Si Leandro o si Jordan?" pag-iimbestiga niya.

    " Nay naman, walang ganyanan. Pareho silang foreigner, pareho silang guwapo. Sinong pipiliin ko? Mahal ko o mahal ako? " napakanta tuloy ako na ikinabungisngis na naman niya.

    " Loko ka talaga, sino nga anak, sabihin mo na habang wala pa ang tatay mo rito. Alam kong manok nun si Jordan. " natawa naman ako sa sinabi niya. Pansin ko rin na masiyadong bet na ni Tatay si Jordan. Ilang toblerone kaya nahuthot ni Tatay sa Dragon na yun? Hihihi.

    " Ahm. . hindi ko po alam, Nay. Basta ang alam ko lang po ay nawala po yung feelings ko kay Leandro simula nung malaman kong niloko niya si Jordan. "

   " Ibig sabihin ay concerned ka masiyado kay Jordan na nakalimutan mo na ang feelings mo kay Leandro, Ana. May nararamdaman ka na ba para sa mangungupa natin?" seryosong tanong ni Nanay. Kung alam lang nila na kagabi ko pa rin yan itinatanong sa isip ko. Kung alam lang nila kung gaano nagulo ang IQ cells ko kakaisip sa tanong na yan.

   Kung alam ko lang yung meaning ng IQ.

Ano yung IQ pala?

   Intellect Quantity?

  

    Inergy Quality?

    Integrated Qurriculum?

   Basta! Wag niyo na lang isipin nang mabuti at baka mag-hyperventilated pa kayo!

   " Hindi ko pa po alam, Nay eh. Natatakot po kasi ako, mamaya gawin niya lang akong panakip-butas. Ayoko yung sinasaktan ako. " seryosong sabi ko na naman.

    " Lahat naman ng nagmamahal, nasasaktan. Pero lahat ng sakit may kapalit. Ano bang tingin mo kay Jordan? Manloloko rin? "

    " Hindi po. Sa katunayan naaawa nga po ako sakanya eh. Saka mabait po siya at kahit na nasobrahan sa kasungitan at kabuwisitan, sweet naman minsan saka po mabait. " pag-amin ko naman. Totoo yan, napansin ko na hindi masiyadong showy si Dragon pero sa loob-loob ay talagang malaki ang puso niya. Hind literal ah! Wag kang pilosopo!

   Tapos napangisi si Nanay. Tapos tumingin din ako sa gilid ko dahil parang may naririnig akong bumubungisngis at nakatago dun si Tatay na nakangisi rin. Haaay.

    " Tay labas na po kayo, I looked you. " natatawang sabi ko. Agad naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko.

    " Hindi talaga ako nagkamali. " naka-smile na sabi ni Tatay. Kumunot-noo ako.

    " Saan po?"

    " Wala. Hahaha. Bakit hindi mo siya bigyan ng chance? Nakikita ko namang napakabuti ng batang iyon. " pangongonsensiya pa niya.

   " Eh hindi naman po nanliligaw,Tay eh. Pangungunahan niyo pa. Hintayin na lang po natin saka kapag sure na ako sa kung anuman ang nilalaman nito. ." saka itinuro ko ang tapat ng puso ko.

Don't English Me!Where stories live. Discover now