Chapter 27

1.8K 48 2
                                    

" Frequently."

" Recent. "

" Reluctant. "

" Visible. "

" Freak. "

" Revised. "

" 'Te , hetong panyo oh, lumabas uhog mo. " sabi sa akin ni Julia Bakla. Nag-aaral kasi ako ng mga words na nakapaloob sa link na ibinigay ni Steph. Gamit ko ang bagong phone ko kaya nakakapag-internet ako, libre kasi ang Wi-Fi dito.

" Huwag ka ngang magulo, kita mong nagko-concentrate ang tao eh. " inis na sabi ko. Tumawa naman ang bading.

" Nyahaha! Saan ka ba sasabak aber ?! Dala ka ng napkin ha?! Mamaya magka-intermal bleeding ka. Hahaha. " sabi niya. Para naman akong di-makapaniwalang tumingin sakanya.

" Tanga! Anong intermal bleeding?! Eh ikaw yata dapat ang nagaaral dito eh!" sabi ko sakanya at tinawanan din siya.

" Maka-tanga ka ha. Ano bang tama?" sabi naman niya.

" Eternal bleeding. Shonga mo talaga. Intermal daw! Hahaha. " tapos napabungisngis na naman ako. Nagkamot siya ng kanyang ulo.

" Pasensiya na, bading lang. Hahaha. Umi-improve ang lola mo ha? " puri naman nito.

" Wow. Im flattened. Don't worry, if I know all, I'll taught you. Im good already. Im not going to hospital. " sabi ko sakanya at napapalakpak siya. Parang manghang-mangha siya.

" Wow. Ang galing mo na. " dagdag niya.

" A lil bit. " mayabang na sagot ko. Nakigaya lang kay Dragon. Hahaha.

" Hoy bruha! Boylet mo na ba yung si foreigner? Huh?" nakangising sabi niya. Napatingin naman ako sakanya.

" Yuck. Eww. Duh! Hindi ko type yun noh! Di ba nga naikuwento ko na sayo yung tungkol sa hula? Pilipino ang lalakeng nakatakda para sa akin, hindi ' Kano. " sambit ko naman.

" Eh hindi mo naman masasabi yan, 'Te. Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito. " pagkanta niya pa.

" That's false. Sabi nga nila, you don't have to fall in love with somebody that I used to know. There is someone out there in the world because customer is always right. Say no to drugs."

" Hoy bruha! Magtigil ka nga diyan sa mga quotes-quotes mo na iyan ah! "

" Ang bitter niyo talaga sa akin." nakangusong sabi ko sakanya.

" Hoy mga bakla! Baka gusto niyong pagbuksan ang customer na iyon na hindi alam kung ano ang push at pull?! Aba. " singhal ni Mama Gretch at napalingon kami ni Julia sa pinto. Mayroon doong babaeng kumakatok. Hahaha.

" Mama Gretch! Pagawaan niyo nga ng doorbell itong salon para makapasok ang isang iyan nang hindi na kumakatok pa." biro naman ni Julia kaya napahagalpak kami sa tawa.

--------------------

" 'Ana' bakit ka nasa labas huh? Nasaan na ang Dragon mong amo? Hmn." sabi ko sakanya. Sabay haplos sakanyang makapal na balahibo.

Alas-singko na at kakauwi ko lang. Papasok na sana ako ng bahay kaso tumahol si 'Ana' the shih tzu. Hindi ako ah!

" Wala siya rito, boss. Lumipad siya, kanina pa. " sagot niya sa akin.

JOKE! Hahaha. Alangan naman kasing sumagot yan, eh di matakot ka na! Hahaha.

" Hey there, Ana. " paglabas ni Dragon ay iyan ang sabi niya. Napalingon naman ako at napangiti sakanya.

Don't English Me!Where stories live. Discover now