H27

28.5K 1K 143
                                    

H27

Nakakunot ang noong inihinto ni Ethos ang kanyang sasakyan sa labas ng tahanan ng mga Enriquez. Napansin niyang wala sa gate ang mga pulis na naatasang magbantay doon.

‘Nasaan sila?’ Takang tanong niya sa sarili at muling inikot ang paningin sa paligid.

Bago bumaba ay kinuha niya sa compartment ng kanyang sasakyan ang baril na pagmamay-ari niya. Isinukbit niya iyon sa kanyang tagiliran. Nakakaramdam siya ng kakaiba kaya naman minabuti niyang dalhin iyon. Lumapit siya sa gate. Ang kanina pang nakakunot na noo ay mas lalo pang kumunot ng mapansin niyang bukas iyon. Bigla kumabog ng malakas ang kanyang dibdib at nakaramdam ng panganib. Naging mas malikot ang kanyang mga mata at naging alerto ang kanyang kilos.

Maingat na pumasok siya ng gate at iniwasang makalikha ng ingay. Nang magawa iyon ay inikot niya ang paningin sa loob ng bakuran ng mga Enriquez. Dumilim ang kanyang anyo at naikuyom niya ng mariin ang kamao ng makita mula sa kinatatayuan niya ang nakahandusay na katawan ng mga pulis sa may pintuan ng bahay. Tama nga ang kanyang hinala. May nangyaring hindi maganda habang wala siya.

Maingat at dahan-dahan siyang lumapit sa kinaroroonan ng mga pulis. Duguan ang mga ito dahil sa tama ng mga bala ng baril. Pinulsuhan niya isa-isa ang mga pulis at nagngangalit ang mga pangang napailing. Wala ng buhay ang mga ito.

They are back,” Naglalapat ang mga ngiping usal niya. Patayo na siya ng makarinig ng mga kaluskos na nanggagaling sa loob ng bahay. Maliksi ang kilos na umalis siya sa kinapupwestuhan niya. Sa kanyang isip ay hindi niya alam kung ilan ang kalaban na naroon sa loob ng bahay kaya kailangan niyang mag-ingat.

Nagdesisyon siyang sa gilid ng bahay dumaan papasok. Pamilyar na siya doon dahil napag-aralan na niya ang kabuuhan ng bahay ng mga Enriquez. Tumakbo siya papunta roon. Paliko na siya ng makarinig ng putok ng baril. Napatigil siya sa pagtakbo at napasandal sa pader. Hinugot niya ang kanyang baril at mariing hinawakan iyon. Malilikot ang mga matang pinakiramdaman niya ang paligid.

‘Nanggaling sa loob ng bahay ang putok ng baril. Pero sino ang binaril? Patay na ang mga pulis na nagbabantay,’ Naguguluhang tanong niya sa sarili. Bigla siyang natigilan ng may pumasok na ideya sa kanyang isipan, ‘Hindi kaya—’

Biglang nakaramdam ng takot si Ethos sa naisip. Umalis siya sa pagkakasandal at maingat ngunit mabilis siyang nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gilid ng bahay.

‘May tao,’ Itinitutok niya ang baril sa kanyang harapan. Alam niyang may taong nagtatago sa likod ng malapad na katawan ng puno. Sigurado siyang kalaban ito at maaaring natunugan ang kanyang pagdating kaya ia-ambush siya nito. Naglakad siya papalapit. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa puno ng lumabas ang taong nagtatago roon. Diretso ang tutok niya sa baril at handa na siyang iputok iyon ngunit natigilan siya ng makita kung sino ang taong lumabas mula roon.

‘Fuck!’ Malutong na mura niya sa kanyang isip. Nagpapasalamat siyang hindi niya agad nakalabit ang gatilyo ng baril. Hindi niya inaasahan na si Hera ang nagtatago sa likod ng puno.

‘Thanks God, she’s safe.’ Aniya muli sa isipan at nakahinga siya ng maluwag. Iniisip pa man din niya kanina na maaaring ito ang binaril kaya naman labis-labis ang kanyang kaba at takot na naramdaman. Nagpapasalamat siyang maayos ito at tingin niya ay wala naman itong galos na natamo.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt