H44

13.8K 554 18
                                    

H44

A/N: Hi! Before anything else, gusto ko lang sabihin na maraming-maraming salamat sa inyo na patuloy na nagbabasa ng kwentong ito kahit na ang tagal kong nanatili sa kalawakan. Chos! Hindi ko man masagot lahat ng inyong mensahe, mapa-message board, comment box or personal message, rest assured na nababasa ko lahat iyon at times two na lumulobo ang puso ko sa tuwing nag-iiwan kayo ng mensahe. Maraming salamat sa pagmamahal kay Hera at sa akin (O baka sina Red, Ethos o Brylle lang talaga? Sadyang assuming lang ako. Hahahaha!). Sana ay hindi kayo magsawang suportahan ang kwentong ito kahit na naiinis na kayo sa akin kasi ang tagal kong mag-update. Huhuhu! Sorry talaga. Pero 'di bale, labs ko kayong lahat. Pati na rin ang mga karakter ng kwentong ito kahit na sila rin ay badtrip na sa akin. Hahaha! Enjoy reading!

P.S. May bago pala akong story na pinost dito sa watty. Baka lang gusto niyong magbasa ng fantasy. Daan lang kayo sa profile ko. Hehehe. Title: Andromeda.

P.P.S. Galit sa akin sina Red, Ethos at Brylle. Bakit ko raw hinayaang mabugbog si Hera. Tulungan niyo 'ko sa kanilaaaaa!

---

THAT guy looks familiar…”

Kunot-noong napatingin si Red kay Ethos na matamang nakatingin sa lalaking nakasunod kay Marianne.

“Do you know him?” Tanong niya.

“I don’t…pero sigurado akong nakita ko na siya kung saan,” sagot nito habang bakas sa mukha nito na pilit inaalala kung saan nakita ang lalaki.

“I’m sure this guy is a member of that organization,” aniya at napatiim-bagang. “And so is Marianne.”

Nakakaramdam siya ng matinding galit. Alam niyang si Marianne ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Hera. At ngayon na nalaman niyang isa ito sa mga kalaban nila ay pakiramdam niya ay nasasaktan siya para kay Hera.

Isa sa pinakamasakit na maaaring mangyari sa isang tao ay ang traydurin ng taong malapit sa puso nito. And thinking Hera will be hurt once again from this cruel truth is making him mad even more.

Halos labing-limang minuto ang kanilang pinalipas bago sila nagdesisyon na lumabas sa pinagtataguan. Sinigurado muna nilang nakaalis sa palapag na iyon si Marianne at ang lalaking kasama nito bago sila kumilos.

They’ll deal with Marianne later. Ang importante sa kanila ngayon ay mailigtas si Hera.

“Thirteen men. Three rooms. We need to move fast para mahanap natin agad si Hera,” aniya kay Ethos at hinawakan niya ang seradura ng pinto.

Tumango sa kanya si Ethos at hinanda ang sarili. Bumilang siya ng tatlo at matapos ay mabilis niyang binuksan ang pinto. Sabay-sabay napatingin sa kanila ang mga nagbabantay sa palapag na iyon. Nang makita sila ay mabilisan silang sinugod ng mga ito.

Isang malakas na suntok sa tiyan ang pinakawalan niya sa lalaking unang sumugod sa kanya. Matapos ay sinipa niya itong muli na ikinawala nito ng malay. Ganoon din ang ginawa niya sa mga sumunod na sumugod sa kanya. Isang lalaki ang nagawa siyang hampasin sa likod na ikinaluhod niya ngunit mabilis siyang nakabawi. Umikot siya at pinatid ito gamit ang kanyang paa. Bumagsak ito sa sahig kaya naman kinuha niya ang pagkakataon na iyon at madiing hinawakaan ang pressure point nito sa leeg na ikinawala nito ng malay.

Nag-angat siya nang tingin at saktong nakita niya ang isang lalaki na naglabas ng baril at itinutok iyon kay Ethos na abala sa pagpapatumba sa dalawang bantay. Mabilis siyang tumakbo palapit dito at isang sinipa ang kamay nitong may hawak ng baril. Tumalsik ang hawak nito at tila nagulat ito sa ginawa niya kaya naman sinuntok niya ito agad sa sikmura na ikinatumba nito.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now