H16

33.1K 1.1K 128
                                    

H16

ANO bang pinagsasabi mo? Huwag ka ngang magpatawa, Miss.” Naiinis na wika ni Hera sa babaeng kausap niya sa telepono. Naiirita siya sa sinabi nito. Hindi ba nito alam na masama ang magbiro ng ganoong bagay? Isa pa, sa dinami-dami na pwedeng idamay sa kalokohan nito ay ang tatay niya pa talaga ang napili nitong pagdiskitahan. “Kung wala kang sasabihing matino—“

“I really wish that I’m just joking, Ms. Hera. But your father is really dead.” Seryosong wika nito sa kanya  matapos putulin ang kanyang pagsasalita. “His car crashed in a ten wheeler truck a while ago and he was dead on the spot.”

Nahigit ni Hera ang kanyang paghinga sa narinig at nanginginig na nabitiwan niya bigla ang kanyang telepono. Pakiramdam niya ay biglang huminto sa pag-inog ang mundo at tinakasan siya ng lakas. Pabagsak siyang napaupo sa lupa at natulala.

‘No! Hindi ‘yun totoo ‘di ba? She’s just toying with me! She’s…she’s just making a story! My Dad…It’s impossible that he’s dead, right? It’s…It’s really impossible!’ Pagtanggi niya sa kanyang isipan at marahas na umiling-iling. Hindi matanggap ng kanyang utak ang sinabi ng babae iyon sa kanya. For her, it was a bad joke. Scratch that. It was the worst joke she ever heard. Her tears started to fall. Though she’s not sure whether what the woman told her was true or not, there’s this niggling feeling inside her that saying that it was indeed true.

Tumuloy-tuloy sa pag-agos ang kanyang luha at hindi na niya iyon napigilan pa. Sa nanginginig na kamay ay dinampot niya ang kanyang cellphone na nahulog sa lupa at walang pasubaling in-end ang tawag ng babaeng nagpakilalang Tessa. Matapos noon ay idinayal niya ang numero ng cellphone ng kanyang ama.

“Answer the phone Dad! Please!” She cried. Ilang beses niya iyong pilit tinawagan ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.

“He’s not…” Umiiyak na tinakpan niya ang kanyang mukha ng dalawang kamay at umiling-iling habang pilit pinapaniwala ang sariling hindi totoo ang kanyang narinig. “He’s not…dead…”

---

R-RED…” Mula sa inaantok na diwa ay napadiretso ng upo si Red ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Thea. Hinawakan niya ang kamay nito at marahan na pinisil iyon.

“Are you okay now? Do you need anything? Gusto mo bang kumain?” Sunod-sunod na tanong niya dito. He is so relieved that Thea is awake now. Simula ng makita niya ito kagabi ay sobra ang naging pag-aalala niya para dito.

Nanghihinang umiling ito at ngumiti sa kanya, “I’m o-okay now, Red. C-can I have a glass of water, please.”

Mabilis na tumayo si Red at inabot ang decanter sa side table at nagsalin ng tubig sa baso.

“Where are we?” Halos pabulong na wika ni Thea habang dahan-dahang iniikot ang mata sa paligid.

“Hospital.” Sagot ni Red dito at tinulungan itong makainom ng tubig.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now