H04

68.6K 2K 97
                                    

H04

Napakunot ang noo ni Artemis nang mapansin niyang hindi pa rin nakakasunod sa kanila si Hera. Nasa classroom na sila ni Marianne at malapit na ang susunod na klase ngunit wala pa rin ito.

“Nasaan na ba ‘yun si Hera? Ang tagal naman niya?” Nakakunot noo na ring tanong ni Marianne kay Artemis habang luminga-linga sa magkabilang pintuan ng classroom.

“Hindi ko nga rin alam eh,” nag-aalalang sagot ni Artemis sa kaibigan. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya pero nag-aalala siya kay Hera. Parang kinukutuban siya na may nangyaring hindi maganda rito.

“Pupuntahan ko siya. Hintayin mo na lang kami dito. Text mo ‘ko kapag dumating na si Teacher Paul,” sabi niya kay Marianne at tumayo. Hindi na niya ito hinintay na sumagot at dali-dali na siyang lumabas ng classroom upang hanapin si Hera.

Naglalakad na siya sa hallway ng matanaw niya ito. Naisip niyang mukhang hindi ito umalis kung saan nila ito iniwan kanina. Habang papalapit siya rito ay napakunot ang kanyang noo ng mapansin niyang parang tulala lang itong nakatingin sa hawak nitong cellphone habang nakatayo sa gitna ng hallway. Parang kinutuban siya na tama ang nararamdaman niya kanina kaya naman dali-dali siyang naglakad papalapit rito.

“Hera,” nag-aalalang tawag niya rito nang ilang distansya na lang ang pagitan nila.

Mas lalo siyang nakaramdam ng pag-aalala nang hindi siya nito pinansin. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay hinawakan niya ito sa balikat at muling tinawag.

“Huy, Hera!”

Kitang-kita at naramdaman niya na gulat na gulat si Hera ng tawagin niya ito. Halatang hindi nito napansin ang kanyang presensya at ang pagtawag niya rito kanina.

“Anong nangyari sa’yo?” Kunot noong tanong niya rito.

Alam niyang may hindi magandang nangyari dito base pa lang sa reaksyon nito. Nagpalinga-linga pa ito sa paligid na parang may hinahanap at mahahalata sa kilos nito na parang may kinatatakutan ito na hindi niya malaman kung ano o sino.

“A-aahh….w-wala…w-wala…” Sagot nito sa kanya at binigyan siya ng alanganing ngiti.

Gusto pa sana niyang na kulitin ito at tanungin kung ano talaga ang nangyari ngunit alam niyang hindi ito magsasalita kahit anong pilit niya.

Kilala niya kasi ang kaibigan. Alam niyang kapag ayaw nitong magsalita ay hindi niya ito mapipilit kahit na takutin niya pa ito unless na lang kung ito ang kusang magkukwento. Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga at inisip na lang na magsasabi rin naman ito sa kanya. Sa ngayon ay hahayaan niya na lang muna ito.

“Punta na tayong classroom. Baka maunahan pa tayo ni Teacher Paul. Mapapagalitan pa tayo,” yakag niya rito.

“A-ano…Mauna ka na. Susunod na lang ako,” sagot nito sa kanya.

Muling napakunot ang noo niya sa sinabing iyon ng kaibigan.

“Bakit?” Nagtatakang tanong niya rito.

“May…may kailangan lang akong puntahan at gawin. Mauna ka ng pumunta sa classroom. Susunod na lang talaga ako, promise,” anito.

“Pero malapit na ang time. Kapag umalis ka pa, ‘di ka na makakaabot sa klase ni Teacher Paul. Ano bang gagawin mo?” Muling tanong niya rito habang nananatiling nakakunot pa rin ang kanyang noo.

“Basta. Mauna ka na. Kapag hindi ako nakaabot, sa susunod na klase na lang ako papasok.,” seryosong sabi nito at mahigpit na hinawakan ang magkabilang strap ng backpack na nakasubkit sa likod nito.

“Pero…”

“Sige na. Pumunta ka na roon. Kopya mo ko ng lectures saka assignment, okay?” Sa pagkakataong iyon ay ngumiti ito sa kanya bago tuluyang tumalikod at mabilis na tumakbo papaalis.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now