H24

30.4K 1K 130
                                    

Thank you kay Vince kasi gumawa siya ng cover para kay Bebe Hera. Hihihihi! Nasa right side po yung gawa niya. ^_^

---

H24

“Any news from Hera, Art?” Tanong ni Marianne kay Artemis habang kumakain sila ng tanghalian sa school cafeteria. Bakas sa mukha at boses nito ang pag-aalala para sa kaibigan.

Umiling si Artemis bilang sagot sa tanong nito, “Hindi ko na siya ma-contact after n’ung huli naming pag-uusap. I tried so many times but I can’t get a hold of her.” Aniya at napabuntong hininga.

Nakita ni Artemis na marahas na napabuntong hininga si Marianne ng marinig nito ang kanyang sinagot.

“I really pray that she’s safe,” Ani’to sa malungkot na boses at natutulalang tinitigan ang natitirang pagkain nito.

Dumaan sa kanilang dalawa ang nakakabinging katahimikan. Pareho silang nag-aaalala para kay Hera at gusto nila itong tulungan ngunit wala man lang silang magawa dahil hindi naman nila alam kung nasaan ito.

“‘Nga pala, I saw your brother in the news last night, Art,” Maya-maya’y pagbasag ni Marianne sa katahimikang pumailanlang sa pagitan nilang dalawa.

Nakakunot noong nag-angat si Artemis dito, “News?”

Tumango sa kanya si Marianne at marahang ngumiti, “He was interviewed. Sabi sa news is that your brother’s company has been developing a new Operating System much better than what are already out in the market. It’s making a buzz in the industry at madaming nagpapakita ng interes sa bagong produktong iyon.”

Saglit na natigilan si Artemis sa narinig at ng makahuma ay napatango na lang siya kay Marianne. Her brother Ares owns a company that makes computer software and alike. At ang sinabi ni Marianne sa kanya ay alam na niya dahil narinig na niya iyon mula mismo sa kanyang kuya habang naghahapunan sila noong nakaraang araw.

“Ang cool talaga ng kuya mo, Artemis. Ang gwapo niya n’ung iniiterview kagabi at cool na cool lang siya habang tinatanong siya n’ung news anchor,” Nangingiting sabing muli ni Marianne.

Matipid na ngumiti na lang si Artemis bilang tugon sa sinabing iyon ni Marianne. “Tapos ka na bang kumain? Malapit na ang next class so we better go back to the classroom,” Pag-iiba niya ng usapan.

Tumango sa kanya ito at hindi na inubos ang natitira nitong pagkain. Inayos nito ang bag at dinampot ang mga librong nakapatong sa mesa, “Tara?”

Tumango siya dito at tumayo, “Halika na.”

---

 “So, Director Enriquez hid a surveillance camera inside that stuff toy, huh? Smart thinking,” Narinig ni Hera na sabi ni Brylle habang sabay nilang pinapanood si Red na suriin ang surveillance camera na nakuha nito. Nilingon niya ito at nakita niya sa mukha nito ang pagkamangha at amusement sa natuklasan. Matipid siyang ngumiti dito bilang sagot.  Sang-ayon siya sa sinabi nito. Katulad ng detective ay hindi niya maiwasang hindi mamangha sa ginawa ng kanyang ama. Hindi niya akalain na ganito ito katinik at nagawa pa nitong mag-iwan ng ebidensya na maaaring makatulong ng malaki sa pag-iimbestiga nila sa kaso nito.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now