H33

25.9K 919 60
                                    

H33

WALA bang ibang nabanggit sa’yo si Director Enriquez noon bukod sa nasabi mo na sa amin tungkol sa organisasyon na gustong kunin si Hera? Wala ba siyang nasabi sa’yo na kahit ano tungkol sa sekretarya niya?” Seryosong tanong ni Brylle kay Red habang ang mga tingin ay hindi inaalis sa bukana ng presinto. Mahigit dalawampung minuto na sila na naghihintay sa paglabas ng sekretarya ng direktor pero hanggang ngayon ay ni anino nito ay hindi pa nila nakikita.

Nakita niya sa kanyang peripherals na bumaling ang tingin ni Red sa kanya at seryoso ang mukhang umiling ito, “Katulad ng nasabi ko na sa inyo, iyon lang ang nabanggit sa akin ni Director Enriquez. The day before he died, he was about to tell me the whole thing pero hindi na niya nasabi dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa’yo at kinailangan ko ring umalis dahil may importanteng bagay akong kinailangang puntahan no’n.”

Bahagyang kumunot ang noo niya sa narinig na sagot ni Red at saglit na natigilan. Kapagkuwa’y napatango rin siya. Naaalala niya ang araw na tinutukoy nito. Tumawag siya kay Director Enriquez ng araw na iyon upang ipagbigay alam ang natuklasan niya tungkol sa caller ni Senator Rodriguez at ang hinala niyang maaaring iyon ang pumatay dito. Sinabi niya rin sa direktor na pupuntahan niya ang telephone booth kung saan tumawag ang caller na iyon para mangalap ng impormasyon.

“How I wish Director Enriquez was able to leave clues or evidences about this case,” wika niya at napapailing na bumuntong hininga ng marahas.

Gustong-gusto na niyang maresolba ang kaso ng senador at direktor. Ngunit dahil hindi nakikiayon ang pagkakataon sa kanila, hanggang ngayon ay pakiramdam niya ay nakakulong sila sa isang malaking labyrinth. Paikot-ikot lang sila at hindi makalabas. Para silang itinapon sa labyrinth na walang hangganan. Walang dulo o pintuan palabas. Pero kahit ganoon ang kanyang pakiramdam, alam niyang makakaalis din sila roon. Gagawa siya ng paraan para makagawa ng lagusan. Lagusan na magpapakita sa kanila ng katotohanan.

“Actually, he did.” Ani Red at ipinatong ang kanang siko sa bintana ng kotse. Matiim itong tumingin muli sa bukana ng presinto habang pinadadaanan ng daliri ang mga labi.

Muling kumunot ang noo niya. Tama ba ang pagkakarinig niya? May naiwang ebidensya ang direktor? Nalilitong nilingon niya ito, “What are you saying? May naiwan ngang ebidensya ang direktor?”

Mabilis na tinapunan siya ng tingin ni Red at kapagkuwa’y nagsalita habang ang mga mata’y nananatiling nakatutok sa labas, “Noong gabi na nagpunta ka sa bahay ng mga Enriquez para tingnan ang mga gamit ng direktor kung may naiwan itong ebidensya na maaaring makakapagturo sa kung sino ang salarin sa pagkamatay nito, may nakuha si Hera na memory card na maingat na nakatago sa isang picture frame sa kwarto nito.”

“Memory Card?” Mas lalong kumunot ang noo niya. Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na iyon. Walang nabanggit si Hera sa kanya tungkol doon noong magpunta siya sa bahay nito, “Anong meron sa memory card na iyon?”

Nagkibit balikat si Red, “We’re still trying to know the real content of the memory card. The file is encrypted and it’s not easy to decrypt. Hera and I believe that whatever the content of that memory card has something to do with the case.”

Napatango na lang muli si Brylle kay Red sa narinig na sinabi nito. Kung ganoon, mayroon pala talagang naiwang ebidensya ang direktor. Kailangan lang nilang ma-decrypt ang file para makita nila kung ano ang nilalaman n’on. Napapaisip tuloy siya kung ano ang nakapaloob sa file na iyon.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now