H43

14.9K 551 12
                                    

H43

IKINUYOM ni Red ng mariin ang mga kamao habang matamang nakatingin sa building sa kabilang kalsada. It’s already six in the evening and the sun is already setting down.

Hindi niya alam kung ano na ang kalagayan ni Hera sa loob. And thinking that she might be hurt is making his heart torn into pieces.

“We need to lure them para mabawasan ang mga bantay,” ani Ethos na mataman ding nakatingin sa building.

Kung tama ang bilang ni Red, nasa sampu ang bilang ng nagbabantay sa labas ng building. At hindi niya alam kung ilan pa ang nagbabantay kay Hera kung nasaan man ito sa loob ng building na 'yon. They need to be careful. Kung hindi ay baka mapunta lang sila sa alanganing sitwasyon.

“I don’t think you can put them down all. Sa tingin ko, it would be better to call the police and ask for their assistance,” sabi naman ni Artemis na bakas sa mata ang pag-aalala.

Ipinatong ni Red ang siko sa bintana ng kotse at pinadaanan ang labi ng kanyang daliri. Actually, he’s already been thinking of calling the cops for assistance. Pero iniisip niya na baka makatunog ang mga kalaban. He can’t take the risk. Hera’s in danger now and putting her in a more dangerous situation is the least thing he would want to do.

“I’m getting in alone. Both of you, wait for me, okay?” Aniya at kinuha ang kanyang laptop.

Kailangan niyang makita ang blueprint ng building kung nasaan si Hera. He needs to know the possible escape route.

The building seems to be a commercial place. Maybe, it’s the place that their enemies think will be the last place he would think where they are hiding Hera.

“I’m not letting you. Sasama ako,” matigas na pagtanggi ni Ethos.

Kinuha ni Ethos ang baril sa compartment ng kotse nito at tiniyak kung may bala iyon.

Napailing na lang siya. Alam niyang kahit na pigilan niya si Ethos ay wala ring mangyayari. He’s stubborn as he is.

Napataas ang sulok ng kanyang labi nang magawa niyang makuha ang copy ng blueprint ng building gamit ang pagha-hack. Ngayon, ang kailangan niya na lang alamin ay kung saan posibleng itinago si Hera sa loob niyon at alamin ang posibleng daan para magawa niya itong iligtas nang hindi ito napapahamak.

Mabilis siyang tumipa sa kanyang laptop. Nang ma-hack niya ang CCTV server ng building ay napangiti siya. Sa tingin niya ay mapapabilis na ang paghahanap niya kay Hera.

Nag-umpisa siyang tingnan ang bawat sulok ng building gamit ang CCTV. At napakunot ang noo niya nang may mahagip ang kanyang mga mata.

“They are in the 13th floor,” naglalapat ang ngiping sabi niya. “Look at this, mas maraming bantay ang nandito. There’s a big possibility na isa sa mga kwarto rito ay naroon si Hera.”

Nakita niyang napatiim-bagang si Ethos habang nakatingin sa kanyang laptop. “We need to get going. We need to make sure that Hera is safe.”
Tumango siya sa sinabing iyon ni Ethos. Matapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone.

“What’s this?” Takang tanong sa kanya ni Artemis nang ma-receive ang mensaheng pinadala niya rito.

“That’s Zero’s number. He’s my trusted friend and a police. Kapag thirty minutes na at hindi pa rin kami nakakalabas ng building na 'yan, call him. Just mention my name and he’ll surely help,” sagot niya.

“Copy,” ani Artemis at tumango. “Mag-ingat kayong dalawa, okay?”

Isang matipid na ngiti lang ang sinagot niya kay Artemis at matapos n’on ay tiningnan niya si Ethos at sinensyan na lumabas na ng kotse.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now