H18

31.9K 1.2K 71
                                    

H18

Hindi maintindihan ni Hera kung ano ang nangyayari. Paggising niya ay nagulat na lang siyang makita ang kanyang bagong propesor na si Red sa loob ng kanyang kwarto. Tinangka niyang sumigaw ngunit mabilis nitong natakpan ang kanyang bibig. Nahawakan din nito ang magkabilang kamay niya gamit ang kanang kamay nito. Pilit siyang kumawala ngunit napatigil din agad ng may marinig siyang kung anong kumakalikot sa doorknob ng kanyang kwarto. Biglang tumahip ng malakas ang kanyang dibdib at nakaramdam siya ng matinding takot. Nagpapanic ang kaloob-looban niya at nag-uumpisa na ang kanyang utak na mag-isip ng mga negatibong bagay.

Bigla niya kasing naalala ang nagtangka sa kanyang lumunod noon sa eskwelahan. Naisip niyang hindi imposibleng ang nasa likod ng pinto ng kwarto niya ngayon ay ang kanyang assailant at balak na nitong ituloy ang planong pagpatay sa kanya. Kinilabutan siya sa naisip at natatakot na napatingin kay Red. Nakita niyang nakatingin din ito sa kanya at sinenyasan siya nitong manahimik at pinasunod siyang tumayo. Hindi niya alam kung dapat niya ba itong sundin at pagtiwalaan ngunit namalayan niya na lang ang sarili na tumango dito at sumunod sa sinabi nito.

Mabilis ngunit tahimik na tinahak ni Red ang terasa ng kanyang kwarto. Sumunod siya dito at tulad ng ginawa nito ay napatingin siya sa ibaba. Napangiwi siya sa naisip na marahil ay balak ng kanyang propesor na talunin iyon. Masyado iyong mataas at paniguradong pilay at bali-baling buto ang aabutin mo kung saka-sakaling tatangkain mong tumalon doon.

“Fuck!” Narinig niyang mahinang mura nito at muling tumingin sa ibaba. Mas lalong nabuhay ang takot niya sa nangyayari. Pakiramdam niya ay isa siyang daga na nasukol sa isang trap. Naramdaman niyang hinawakan siya ni Red sa kamay at hinila papasok muli ng kwarto. Inilibot nito ang paningin sa loob ng kanyang silid at ilang sandali pa’y natuon ang pansin nito sa malaking built in cabinet na nakapwesto sa gilid ng kanyang study table. Mabilis siyang hinatak nito papunta doon at pinapasok sa loob. Nang makasiksik siya ay pumasok din ito at maingat na isinara iyon.

Sobrang lakas ng kabog ng puso niya sa mga oras na iyon. Hindi niya alam kung dahil pa ba iyon sa katotohanang mayroong tao sa labas ng kanyang kwarto na nagtatangkang pumasok o dahil sa sobrang lapit niya kay Red. Marahan siyang umiling at ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Ramdam niya ang init ng katawan ng propesor. Yakap-yakap kasi siya nito dahil masyadong makitid ang cabinet at kailangan nilang maglapit ng husto para magkasya silang dalawa doon. Ramdam niya din ang mabigat na paghinga nito. Marahil ay tulad niya ay kinakabahan din ito.

Nag-angat siya ng tingin nagulat siyang makitang nakatingin din ito sa kanya. Gusto niyang umatras dahil napakalapit ng mukha nila sa isa’t isa ngunit hindi niya magawa dahil wala naman siyang maatrasan. Yumuko na lamang siya ulit dahil hindi niya kayang salubungin ang matiim na tingin nito sa kanya. Ilang sandali ang lumipas at narinig nilang pareho na bumukas ang pintuan. Natatakot na napayakap siya bigla ng mahigpit kay Red at nakapikit na ibinaon niya ang kanyang mukha sa dibdib nito. Pigil-pigil ang hiningang pinakinggan niya ang mga yabag sa loob ng kanyang kwarto.

“Wala siya dito, boss.” Narinig niyang wika ng isang lalaki. Nakagat niya ang kanyang labi at mas lalong sumiksik kay Red. Hindi na niya alintana kung ano man ang maisip nito sa ginawa niya. Ang alam niya lang ay takot na takot siya at pakiramdam niya ay sa tabi lang nito siya ligtas.

Narinig niya ang pagbukas-sara ng pintuan ng kanyang cr sa kwarto at pagslide ng sliding door sa kanyang terasa. Kinakabahan siya. Kung patuloy na maghahanap kung sino man ang mga tao sa loob ng kwarto niya ay hindi maglilipat ang ilang sandali ay mahuhuli na sila ng mga ito.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon