H15

37.1K 1.3K 215
                                    

H15

‘Where could she possibly be?’ Bulong ni Red sa kanyang sarili habang mabilis na nagmamaneho ng kanyang sasakyan. Nag-aalala talaga siya kay Thea. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kinakabahan siyang baka nasa panganib ito. Sinubukan niya kanina na muling tawagan ang cellphone nito ngunit hindi na ito sumasagot. Panay lang ang pag-ring noon. Bumalik siya sa eskwelahan upang tingnan kung naroroon ito ngunit sinabi sa kanya ng guard na nakaalis na daw ito kanina pa. Tumawag din siya sa bahay nito ngunit sinabi lang sa kanya ng kasambahay na nakasagot ng telepono na hindi pa ito nakakauwi.

Inihinto niya ang sasakyan at mabilis na nag-isip. Pinadaanan niya ng kanyang daliri ang labi at nakakunot noong nag-isip ng mabuti. Hindi naglipat ang ilang sandali ay mabilis niyang kinuha ang kanyang laptop sa kanyang bag na nasa likod. Binuksan niya iyon at mabilis na nagtype ng command sa keyboard upang umpisahan ang pag-track ng cellphone ni Thea gamit ang cellphone number lang. Maya-maya’y lumabas na ang resulta. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib na inilapag niya ang kanyang laptop sa passenger seat ng makita kung nasaan ito at mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

---

  

‘Papaanong si Ethos ang tumulak sa akin sa pool? May mali dito eh…parang hindi ako naniniwalang siya ang may gawa noon,’ Naguguluhang sabi ni Hera sa kanyang sarili habang nanatiling nakatingin sa mga larawan ni Ethos na naka-display sa kanyang monitor. Na-check na niya ang mga messages at pati ang mga tawag na ginawa at natanggap ng cellphone na hawak niya at lahat ng iyon ay iisa ang sinisigaw – na si Ethos ang may-ari noon.

‘Bakit naman imposibleng siya, Hera? Kita mo naman, after how many years, ngayon lang ulit siya nagpakita sa’yo. Baka may masamang motibo siya sa paglapit sa’yo at iyon ang dapat mong alamin,’ Pakikipagtalo ng isang bahagi ng kanyang utak. Frustrated na ginulo-gulo niya ang kanyang buhok at tumayo. Pabagsak at padapa siyang nahiga sa kama at inabot ang kanyang paboritong kayakap – si Patrick, the starfish. Natutulala siyang napatingin sa kawalan habang mahigpit na niyakap ang stuff toy. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin. Nagtatalo ang kanyang utak kung ano ba ang dapat niyang isipin at paniwalaan. May parte ng utak niya na nagsasabing imposibleng si Ethos ang nagtulak sa kanya dahil magkaibigan sila. Maaaring matagal silang hindi nagkita pero naniniwala siyang wala itong intensyon na masama sa kanya. Sa isang bahagi naman ng kanyang utak ay sinasabi na maaaring ang kababata niya nga ang tumulak sa kanya sa pool. Nagsusumigaw ang ebidensyang hawak niya at naiisip niyang maaaring lumapit ito sa kanya dahil hindi nito naisagawa ang plano nito na lunurin siya. Ngunit ang tanong niya lang, kung si Ethos nga ang tumulak sa kanya, bakit nito iyon ginawa? Anong naging kasalanan niya dito?

‘Baka ayaw ka niyang maging fiancé kaya ka niya gustong lunurin,’ Sarkastikong sabi ng kanyang isipan. Napailing siya ng marahas. Mababaliw siya sa pag-iisip. Tumayo siya sa kama at lumapit sa pintuan ng kanyang kwarto. Ikinandado niya iyong mabuti at matapos noon ay lumapit sa bintana upang isara din iyong mabuti. Matapos noon ay naupo siyang muli sa kama. Bumuntong hininga siya ng marahas at tumungo, ‘Kahit na hindi ako sigurado na si Ethos nga ang nagtangka sa buhay ko ay kailangan ko pa ring magdoble ingat.’

---

“May kakapasok lang na balita, sir. The Mertrobank’s and BDO’s systems have been hacked by a group of anonymous hackers and they have been robbed of billions of pesos. Nagkakagulo ngayon ang banking industry dahil sa nangyari at may utos na ang palasyo na gawing top priority ang case na ito.” Nag-igting ang bagang ni Director Enriquez at mahigpit na naikuyom niya kanyang palad sa narinig na sinabing iyon ng kanyang sekretarya. Kakapasok niya lang ng opisina at ito agad ang bumungad sa kanya.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now