H60

19.1K 624 95
                                    

LAST CHAPTER

HEY, dito naman!” Tumingin sa camera’ng hawak ni Ethos si Hera. She smiled brightly as she looked at him.

Isang buwan na rin ang lumipas simula ng makalabas sila ng ospital. Levi is still in the hospital since ito ang may pinakamalalang sugat na natamo nong araw na iyon. But hes safe. He just needs at least a week longer para bigyan ito ng doktor ng permiso bago tuluyang lumabas ng ospital.

Si Brylle naman ay abala sa panibagong kaso na ibinigay rito. He was rewarded by the President of the Philippines because of solving the case of her father and Senator Rodriguez and also, for saving lives of many by stopping Black Leaf from its hideous plan.

Ayaw sanang tanggapin iyon ni Brylle dahil hindi lang naman daw ito ang mag-isa na nag-resolba ng kaso. Isa pa, sinasabi nitong hindi ito ang tunay na tagapagligtas kung hindi siya. However, she and everyone in the group insisted na tanggapin nito ang reward.

Hera doesnt want to be known by the public. Her heroic act doesnt need acknowledgement. And so is others perspective. They believe na mas makakabuting si Brylle na lang ang tumanggap ng reward dahil ito naman talaga ang direktang may involvement sa kaso dahil hinawakan nito iyon. Not that they are trying to be humble or what. Ayaw lang nila na maging komplikado pa ang buhay nila at pagkaguluhan ng media dahil sa nangyari.

Hera just want to peacefully live now. She just wants to enjoy her life now. Kahit na wala na ang mga magulang niya. Alam niyang iyon din ang gusto ng mga ito para sa kanya.

“Kumain na tayo. Nagugutom na ako!” Narinig niyang wika ni Artemis na kasalukuyang inaayos ang hawak na camera.

“Okay!” Sigaw niya at lumapit dito.

Kasalukuyan silang nasa Ilocos. After a stressful and dangerous months that passed by, gusto niya namang i-enjoy ang kapayapaang nararamdaman niya ngayon. Inaya siya ang mga kaibigan na magpunta roon para mag-relax at hindi naman siya tumanggi sa mga ito.

At si Red?

Simula ng magising siya ng araw na iyon ay hindi niya pa ito nakikita.  Ni hindi niya ito ma-contact. Ang alam niya lang ay bumalik ito ng America dahil ipinatawag na ito roon ng boss nito sa trabaho. Nalaman pa niya iyon kay Ethos.

Sa totoo lang ay naiinis siya kay Red. Gaano ba kahirap na tawagan siya para sabihing okay naman ito at nakabalik na ito ng America? Isa pa, gaano ba kahirap na magpakita sa kanya at sabihin na kailangan na nitong umalis? Surely, malulungkot siya sa balitang iyon pero mas okay naman na nakausap niya ito ng harap-harapan kaysa mabalitaan niya pa sa iba ang kalagayan nito.

Nakakabwisit ka talagang Pula ka! Kapag nagpakita ka sa akin, hinding-hindi kita papansinin! Bahala ka sa buhay mo!

“Para saan ang buntong-hininga na malamim?” Tanong ni Artemis sa kanya na mukhang nakita ang ginawa niya.

“Wala…wala,” aniya rito at ngumiti. Inangkla niya ang kamay niya rito at sinabayan ito sa paglalakad.

Tiningnan siya nito ng nagdududang tingin kapagkuwa’y nagkibit-balikat.

Tumungo sila sa restaurant na malapit. Alas diyes na ng gabi pero marami pa rng tao sa paligid. Malapit na kasi magpasko kaya naman tila ba napaka-busy ng kalsada para sa mga turista at mamamayan na naroon.

“Punta tayong Pagudpud bukas to enjoy the beach,” ani Ethos habang nilalagyan siya nito ng pagkain sa pinggan.

Ngumiti siya rito at nagpasalamat. “Sure!”

“Oo nga pala, Hera, have you decided? Sasama ka na ba kina Ethos sa US to live there?” Seryosong tanong sa kanya ni Artemis.

Nagkibit balikat siya. Until now ay undecided pa rin siya. Ayaw niyang lisanin ang bansa dahil narito ang labi ng kanyang mga magulang. Isa pa, gusto niya pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral dito. Ngunit hinihikayat siya ni Ethos pati na si Tita Lorraine na sumama na lang siya sa mga ito sa US at doon na manirahan.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now