H35

23.8K 994 113
                                    

H35



MABILIS na naglakad si Artemis papasok sa building ng eskwelahan. Kanina pa siya aligaga at 'di mapakali. Pakiramdam niya kasi ay simula ng makaalis sila ng kanyang driver sa kanilang bahay kanina ay may mga matang nagmamatyag sa kanya.


Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman. Pero malakas ang kutob niya kanina pa na may nakasunod talaga sa kanya at binabantayan ang bawat kilos niya.


'Hindi kaya paranoid ka lang, Artemis?' Bulong ng isang bahagi ng kanyang utak.


'No. Hindi sa nagiging paranoid ako. I just know na merong sumusunod talaga sa akin,' Sansala naman niya sa sinabi ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.


Inikot niya ang paningin sa paligid habang mabilis ang mga paang naglalakad. Susubukan niyang tingnan kung mahuhuli niya ang sumusunod sa kanya.


"Aray!" Napadaing siya ng maramdaman niyang bumunggo ang katawan niya sa isang tao.Bumagsak sa lupa ang mga bitbit niyang mga libro at folder.Naiiling na napapalatak siya at 'di nag-aangat ng tingin namabilis na dinampot ang mga iyon.


"Sorry." Aniya at nagmamadaling inimis ang mga gamit na nalaglag.


"It's okay, Artemis. Hindi rin kita nakita kaya sorry rin." Anang nabangga siya.


Kumunot ang noo niya ng makilala ang boses ng nagsalita. Mabilis siyang nag-angat ng tingin.


"Ethos?" Aniya.


Ilang araw na rin niyang hindi nakikita ang lalaki. Ang alam niya ay abala ito sa paghahanap sa kaibigan nilang si Hera. Ngayon na lamang niya ito nakitang muli.


Bahagyang ngumiti sa kanya si Ethos at tinulungan siyang damputin ang natitirang libro na hindi niya pa nakukuha. Inabot nito iyon sa kanya pagkatapos.


"We need to talk, Ethos." Wika niya rito at walang pasubaling hinawakan niya ito sa braso at hinatak papunta sa garden kung saan sila madalas tumatambay nila Hera at Marianne. Mabuti na lamang at nagpaubaya ito at walang imik na sumunod sa kanya.


"Anong pag-uusapan natin, Artemis?" Nakapamulsang tanong sa kanya ni Ethos ng makarating sila sa garden. Nakatitig ito sa kanya at bakas sa mukha nito ang kuryosidad.

Huminga siya ng malalim at naupo sa isang bench na naroon. Matapos ay tinitigan ito, "I know you already found Hera."


Sigurado siya sa bagay na iyon. Hindi niya makikita sa lugar na ito si Ethos kung hindi pa nito nakikita ang kaibigan. Alam niyang very eager itong malaman kung nasaan si Hera at masiguradong ligtas ito.


Ilang sandali muna siya nitong tinitigan bago seryosong tumango sa kanya. Naupo ito sa kabilang bahagi ng bench at tumingin sa mga bulaklak na nakatanim sa kanilang harapan.


"Is she alright?" Nag-aalalang tanong niya rito at tumagilid upang harapin ito. "Can I see her, Ethos?"

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now