H13

41.1K 1.4K 172
                                    

H13

“Anong ginagawa mo dito? At sino ang nagbigay sa’yo ng karapatan na pumasok dito sa bahay namin ng basta-basta at hindi man lang nagpapaalam?”

Lihim na napangiti na lang si Ethos kay Hera ng mahimigan niya ang pagkayamot at pagkalito sa boses nito matapos nilang parehong makapasok sa loob ng bahay. Alam niyang kabastusan ang ginawa niya na basta na lang siyang pumasok sa pamamahay nito ng hindi man lang humihingi ng permiso ngunit hindi niya kasi talaga mapigilan ang sarili na asarin ang dalaga. Simula pa kaninang pagpasok niya sa eskwelahan ay masyado siyang naa-amuse sa ipinapakita nitong reaksyon sa kanya. Noong una ay medyo nalungkot siya ng hindi siya nito nakilala. Akala niya kanina ay mapagtatanto rin nito kung sino siya kaya naman panay ang tingin at ngisi niya rito ngunit hanggang sa natapos na lang ang klase ay wala siyang narinig na kahit ano mula sa kababata at bagkos ay puro ismid at masasamang tingin lang ang natanggap niya. Hindi naman niya ito masisisi dahil sobrang bata pa lang sila noong nagkahiwalay sila. Pero kahit ganoon ay natatandaan niya pa rin ito. Hindi man siya nito naaalala ay naaalala naman niya ang pinagsamahan nilang dalawa noon. Isa pa, habang nasa America siya ay palaging bukambibig ito ng kanyang ina kaya naman imposible niya itong makalimutan. Palagi nitong kinukwento sa kanya ang kakulitan at pagiging pasaway nilang dalawa noon. Palagi rin nitong sinasabi sa kanya ang naging kasunduan nito sa yumaong ina ng kababata tungkol sa kanilang dalawa. Nangako kasi ang mga ina nila sa isa’t isa na kapag dumating na sila ni Hera sa legal na edad ay ipapakasal sila ng mga ito. Sineryoso iyon ng kanyang ina kaya naman hanggang sa lumaki siya ay palagi nitong ipinapaala sa kanya na kailangan ay silang dalawa ng kababata ang magkatuluyan sa huli.

‘You’ve grown a lot, Hera.’ Nakangiting usal ni Ethos sa kanyang sarili matapos tingnan ang nakahalukipkip na dalaga at masamang nakatingin sa kanya. Kahit na nakita na niya ang larawan nito noon na ipinadala ng ama nito sa kanyang mama at sa pamamagitan ng social networking sites ay hindi pa rin niya maiwasang hindi mamangha sa laki ng ipinagbago nito habang tinitigan ito. Naisip niyang lumaking napakaganda ng kanyang kababata. Ang dati nitong maikli at itim na itim na buhok na may bangs na parang kay Dora ay ngayon ay mahaba na at medyo kulot na ang dulo nito.  Ang medyo mataba nitong pisngi noon na palagi niyang pinanggigigilang kurutin ay medyo humumpak na rin ngunit nananatili pa ring mamula-mula iyon. Mas lalo din itong pumuti at tumingkad ang makinis nitong balat. Ang mga mata nitong bilugan ngunit maliliit, ang matangos nitong ilong, at ang mapula nitong labi ay mas lalong parang naging kaakit-akit pa sa kanyang paningin. Tumangkad din ito ng husto at sa tingin niya ang height nito ay umaabot na ng 5’4. Ang medyo chubby din nitong katawan noon ay naging slim na at bakas sa suot nitong damit na isang simpleng puting t-shirt na may print ni spongebob at kulay itim na maikling short ang magandang hubog ng katawan nito.

“Is Tito Marco already here?” Tanong niya kay Hera matapos balewalain ang tinanong nito sa kanya. Hindi na niya ito hinintay na alukin siyang maupo sa sofa at ginawa na niya iyon. Inilapag niya ang kanyang maleta at backpack sa gilid at matapos noon ay inikot ang paningin sa loob ng bahay nito.

“H-how did you know my father?” Kitang-kita ni Ethos na lalong naguluhan ang kababata sa kanya. Ngumiti siya rito at matapos noon ay tinapik ang espasyo sa tabi niya para sabihing maupo ang kababata sa tabi niya. Tinaasan lang siya ni Hera bilang sagot at humalukipkip.

“Of course I know your father. You are my fiancée so of course, I know who your family is,” He teased at Hera. Nakita niyang mabilis na kumunot ang noo ng kababata at sinamaan siya nitong muli ng tingin.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now