H58

14.9K 499 76
                                    

H58

MABIBIGAT ang mga paa ni Hera habang naglalakad. Nakatali ang mga kamay niya at hawak-hawak siya ng lalaking hapon. Si Thea naman ay nauunang naglalakad sa kanila.
She's familiar with the hall their walking to. It was the restricted area where the computers which will make the train operating are set.

Alam niya iyon dahil bago siya nagpunta roon ay pinag-aralan niya ang blue print ng istasyon. The station is big enough to at least cater at least a thousand of people if gathered there. It is the largest station of all stations of the newly computer-operated trains, and if she's not mistaken, in Asia. This newly computer-operated train project is really ambitious as it surpasses other Asian countries in terms of modernization.

"You go ahead. I need to go there," ani Thea sa lalaking hapon matapos silang lingunin nito.

Tumango ang lalaki. Nagpatuloy sila sa paglalakad habang si Thea naman ay lumiko sa isang pasilyo.

They are alone now. And Hera's brain is starting to think of ideas on how she can escape. Alam niyang hindi madali. Ang taong may hawak sa kanya ay ang taong nagtangkang patayin siya noon.

And she's pretty sure he's armed.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi. She mustered all the courage she has. It's all or nothing.
"A-aray..." Sinapo niya ang kanyang tiyan at bahagyang yumukod. She started acting like she's in pain.

Lame? Hell, if it's the only way she can survive, so be it!

Mukhang hindi inaasahan ng lalaki ang pagyukod niya kaya bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya. Kinuha niya ang pagkakataong iyon at mabilis na sinipa ito ng malakas kung saan hindi na ito sisikatan ng araw.

Narinig niya ang malakas na paghiyaw nito sa sakit at malutong nitong mura. Napaluhod pa ito dahil doon.

Mabilis siyang tumakbo palayo rito. It was a long hallway and Hera's so desperate to be out of that place.

Isang putok ng baril ang nagpahinto sa kanya. At naramdaman niya na lang pagtulo ng dugo mula sa kanyang balikat.

She was shot!

Napaluhod siya sa sakit. The pain is piercing into every fiber of her well-being. It's excruciating.
Tumayo siyang muli. Pilit itinataboy ang sakit na nararamdaman. Alam niyang kahit tumakbo pa siya ay wala na ring mangyayari. Kaunti na lang ang distansya ng lalaking iyon. Pero kahit ganoon, gusto niyang tumakbo pa rin. Para man lang masabi sa kanyang sarili na hindi siya basta sumuko. Na gumawa siya ng paraan. Na sinubukan niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang hindi bumagsak sa mga kamay nito.

She heard another gun shot. And she's waiting for the bullet to perforate again to her body. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala siyang naramdaman. Lumingon siya at nagulat siya nang pagtingin niya ay nakadapa na sa sahig ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya.

Hera suddenly felt a ray of sunshine as she saw three men immediately approaching the Japanese man. Hindi niya kilala ang mga ito pero tingin niya ay nasa panig niya ito.

"Hera!"

"A-artemis..." Napaiyak siya. Hindi dahil sa sakit na nararamdaman niya. Kundi dahil sa tuwang makita si Artemis na ligtas.

Mabilis itong tumakbo papalapit sa kanya. Kapagkuwa'y niyakap siya nito ng mahigpit.

Napadaing siya nang tamaan nito ang kanyang duguang balikat.

"Y-you are bleeding!" Nahihintatakutang bulalas nito nang maramdaman nito ang kanyang dugo sa kamay.

Umiling-iling siya. Kahit na nanghihina ay pilit niyang nilalabanan.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon