H25

30.3K 1.2K 141
                                    

H25

“Wake up, Hera. We’re here.”

Naramdaman ni Hera na may mahinang yumugyog sa kanyang balikat. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at inaantok pang tumingin-tingin sa paligid. Nang mapagtanto niya kung nasaan siya ay pupungas-pungas na bigla siyang napaupo ng maayos. Hindi niya namalayan na nakaidlip pala siya habang nasa biyahe. Hindi niya kasi nakayanan ang pamimigat ng kanyang mga mata kanina dahil sa antok. Anong oras na rin kasi siyang nakatulog kagabi kakapilit na ma-decode ang encrypted file na nakuha niya mula sa memory card ng ama.

“Sorry kung natulugan kita,” Nangingiming wika niya kay Red matapos itong lingunin. Nahihiya siya rito dahil nagawa niya itong tulugan habang nasa biyahe sila.

“It’s okay, Hera. Alam kong napuyat ka kagabi. Wala kang dapat ihingi ng tawad,” Nakangiting wika nito habang malilikot ang matang nakatingin sa labas. “We’re already here. Are you ready?” Tanong nito at tiningnan siya.

Tumingin si Hera sa labas ng bintana at nakita niya ang kanilang bahay ilang metro lang ang layo mula sa hinintuan ng kotse ni Red. May ilang mga pulis doon sa labas na mukhang nagbabantay. Medyo nakahinga siya ng maluwag sa nakita. Naisip niyang mabuti na lang at may mga pulis doon dahil kung saka-sakaling biglang may umatake na mga kalaban ay may mga tutulong sa kanila.

“Ready,” Aniya at hinanda ang sarili sa paglabas ng kotse. Huminga siya ng malalim at matapos ay hinawakan ang door handle ng sasakyan.

“Wait!”

Nakakunot noong nilingon ni Hera si Red. Hinawakan kasi siya nito sa braso at pinigilan sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan nito.

“Bakit?” Takang tanong niya.

“Here.” Sabi nito at may inilabas na maliit na kahita mula sa bulsa ng pantalon nito at inabot sa kanya.

Naguguluhan man ay kinuha niya ang kahita sa kamay ni Red. Binuksan niya iyon at muling kumunot ang kanyang noo ng makita kung ano ang laman noon.

“Para saan ‘to?” Naguguluhan niyang tanong. Hindi niya maintindihan kung bakit siya binibigyan ni Red ng bagay na iyon. Ang laman ng kahita ay isang pares na kulay itim at parang maliit na butones na hikaw.

‘Baka advance birthday gift niya sa’yo, Hera. ‘Di ba malapit ka na mag-debut? Para naman daw magmukha kang babae,’ Natatawang wika niya sa kanyang sarili.

“That’s a transmitter. Para just in case na may hindi magandang mangyari – which of course, I will never let happen – I can still know where you are. It’s a precautionary measure,” Wika nito sa seryosong tinig.

Namamanghang napatango na lang si Hera sa sinabi ni Red sa kanya at pinakatitigan ang hikaw. ‘Iba na talaga ang teknolohiya ngayon,’ Napapalatak na wika niya sa sarili. Hindi niya akalain na ang hawak niyang hikaw ay isang transmitter.

Isinuot niya ang hikaw at matapos ay sinipat iyon sa salamin. Napangiti siya ng makita niya ang kanyang repleksyon habang nakakabit sa kanyang tenga ang hikaw. Hindi mapagkakamalan ng kahit na sino na transmitter ang suot niya. Mukha kasi itong ordinaryong hikaw lang.

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora