H55

11.3K 413 34
                                    

A/N: Thank you sa lahat ng tumugon para gumawa ng bagong cover ng story na ito! <3 I really appreciate it. Di ko na iisa-isahin kung sino kayo. Basta, maraming-maraming salamat! Kahit na ang tagal kong natulog sa kangkungan ay naryan pa rin kayo. Hahahaha!

Credits to SoelKlauser para sa bagong cover ni Hera! <3

---

DALAWANG minuto bago mag-alas otso.

Hindi mapigilan ni Red ang mapahinga ng malalim at ikuyom ng mariin ang kamao. Pakiramdam niya ay napakatagal ng dalawang minuto na iyon. Kung pwede niya lang utusan ang oras na bilisan ang pagtakbo ay ginawa na niya. Time is slowly killing his patience.

Kasalukuyan siyang nasa isang abandonadong bakanteng lote ilang metro lang ang layo sa train station kung saan gaganapin ang inauguration ng computer-operated train. May namataan siyang ilang mga sasakyan roon at tila ginawang junk yard ang lugar na iyon. Kanina pa siya roon at naghihintay. Nakatanggap siya ng text kanina na doon siya sa lugar na iyon maghintay. He already expected it. Of course, the devils can't make their crimes in public.

Nag-aalala siya para sa mga kaibigang bihag ng organisasyong iyon. At nag-aalala rin siya dahil naiwang mag-isa si Hera.

Hindi niya ipinaalam sa dalaga ang kanyang plano. Umalis sila ni Ethos ng bahay habang mahimbing pang natutulog ito. Nag-iwan lang siya ng mensahe rito na huwag umalis ng bahay at babalik din sila ni Ethos kasama ang mga kaibigang nabihag ng organisasyon.

Hera knows what's going to happen today. Pero hindi na niya ipinaalam dito ang kanyang plano. He knows Hera too well that he can't risk her safety. Mas mabuting wala ito sa senaryo upang makapag-focus siya sa dapat niyang gawin.

Dalangin niya na lang sana ay sundin ni Hera ang kanyang bilin para na rin sa kaligtasan nito.

"Hindi pa rin ba sila tumatawag?"

Pasimpleng tumingin si Red sa paligid. Ethos is hiding somewhere. He's his back-up.

Truth be told, hindi lang si Ethos ang kanyang back-up. Zero, his trusted police friend, and his comrades are also in the area. They are just wearing plain clothings to disguise themselves.

Red knows that he can't beat the organization alone especially that he is in their turf. He needs extra hand to accomplish his mission. And thankfully, there are people who are very much willing to help him.

Gamit ang maliit na device na nakalagay sa kanyang kanang tenga ay pasimpleng sumagot siya sa tanong na iyon ni Ethos.

"Not yet. But any time soon, they'll be calling me."

Bahagyang napapapitlag si Red nang marinig ang pagtunog ng teleponong hawak niya. Napatiim-bagang siya at naikuyom muli ang kamao.

"Speaking of the devils," aniya kay Ethos at mabilis na sinagot ang tawag.

"Did you bring all the evidences?"

"Where are you, bitch?!" He snapped.

It's Tessa.

"Woah! Chill, Mr. Mendel!" Anito at tumawa. "I'm just here. Fascinatingly, watching you."

Mabilis na umikot ang mga mata ni Red. Lihim siyang napamura. Kung ganoon ay nasa paligid lang ang babae. Kanina pa kaya ito naroon? Hindi kaya kanina pa siya nito minamanmanan? Sabagay, hindi na kataka-taka iyon. Malamang, simula pa kaninang dumating siya roon ay may mga mata ng nakasunod sa kanya.

"Show your face to me and bring out my friends!"

"Masyadong mainit ang ulo mo para sa napakagandang araw na ito, Mr. Mendel," tila balewalang sagot nito sa kanya at tumawa muli. "But anyways, show me the evidences and I'll bring your precious friends to you."

Hera: The Hacking Goddess [Completed]Where stories live. Discover now